Abante Tonite Interactive

Female personality nagsuplada sa batang babae

855

tonite-no-thanks-cristy-fermin

Sa pictorial ng isang pamosong female personality ay maraming nabigong makipag-selfie sa kanya. Hindi naman maraming nanga­ngarap na makasama siya sa retrato, iilang senior citizens lang ang nakikiusap sa kanya, pero hindi pa niya napagbigyan ang hiling ng mga lola.

Maraming ikinakatwiran ang female personality, kesyo kailangan daw nilang maagang matapos sa pictorial dahil may kompromiso pa siyang pupuntahin pagkatapos, puro dahilan ang ibinibigay niya.

Abante Hiring – IT dep

Kuwento ng aming source, “Nakakalungkot lang dahil matatanda na ang nagre-request sa kanya para makapagpa-picture sa tabi niya. Ilang seconds lang ba naman ang aabutin ng pakikipag-pose niya sa matatanda?

“Dalawang hinga lang niya, e, tapos na ‘yun, pero hindi pa niya napagbigyan. Bakit naman siya ganu’n? Ang hindi niya alam, mga lola ng staff na katrabaho niya ang nandu’n.

“Gustung-gusto lang talaga siyang makita at makatabi sa picture nu’ng matatanda, kaya dumalaw sila sa pictorial. Bawat lapit sa kanya ng matatanda, e, kung anu-anong dahilan ang ibinibigay niya.

“Kesyo nagmamadali rin daw ang staff ng glossy magazine na tapusin ang pictorial, kesyo siya rin daw, may pupuntahan pa siya, kaya talagang hindi siya makapagsasayang ng oras,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

May ganu’ng insidente ring pinagbidahan ang may kamalditahang aktres, isang batang babae naman ang gustong makipag-selfie sa kanya, hinihintay muna ng mag-ina na matapos ang kanyang pagpapa-make-up.

Nu’ng patapos na siya ay inunahan na siyang lumabas ng parlor ng mag-ina, hinintay na lang siya ng mga ito, saka siya pinakiusapan para sa pakikipag-selfie.

Sagot ng aktres, “Ano ba naman kayo? Ang tagal-tagal ko sa loob, hindi pa kayo nagpa-picture kanina? Ngayon pa kayo lumapit, e, nagmamadali na nga ako!”

Nag-sorry na lang ang nanay sa female personality, nalungkot naman ang batang babae, paborito pala kasi siya nito. Kakambal na nga yata ng babaeng ito ang malditahan.

Interbyu ni Vice kay Sarah nawalan ng sustansiya

May live audience ang progra­mang Gandang Gabi, Vice. Dahil sa pagpapatigil ng ina ni Sarah Geronimo na ipalabas ang kanilang interview ni James Reid sa GGV na pinalitan ng agarang interview kay Daniel Padilla ay may kani-kanyang bersiyon ng mga kuwentong lumalabas ngayon.

Natural, malaking isyu ang hindi pagpapalabas sa episode nina Sarah at James, anu-ano nga ba ang mga bahaging tinutulan ni Mommy Divine sa interview ni Vice Ganda?

Marami. Na kapag sinunod ng produksiyon na putulin na lang ang mga bahaging ayaw ipalabas ng mommy ni Sarah ay magmi­mistulang lechon na puro buto na lang ‘yun at wala nang laman.

Dahil gabing-gabi nang ipinala­labas ang GGV ay puwede nang magbato ng mga naughty questions ang TV host. May tanong kay Sarah kung nasubukan na ba niyang manood ng porn. Oo, sabi ni Sarah, pero ‘yung sa anime lang.

Tinanong din ni Vice si Sarah kung naranasan na ba ng singer-actress ang matulog na may katabing lalaki? Siguro’y ngiti lang ang naisagot du’n ni Sa­rah pero ayaw nga ng mommy niya ang mga ganu’ng klaseng tanong.

Putulin na lang daw ang mga ayaw ng mommy ni Sarah, alisin na lang daw ang mga bahaging hindi makagaganda sa imahe ng Popstar. Puwede naman, bakit ang hindi kung ‘yun ang ikaliligaya ni Mommy Divine, pero may malaking problema.

Wala nang magiging laman ang interview, kakalog na, kaya mas magandang hindi na lang talaga ‘yun ipalabas.

Marami nang ganyang pangyayari sa mundo ng telebisyon, lalo na sa mga talk shows, nakaumang nang iere ay nababaril pa. Magkukumahog ang produksiyon para sa pampalit sa hinarang na panayam, na hindi naman ganu’n kadaling gawin, hay naku na lang talaga ang masasabi mo.