Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality nagtampo nang masibak sa show

0 943

Kung may katotohanan ang kuwento tungkol sa tampuhan ng dalawang kilalang babaeng personalidad ay nakapanghihinayang naman ang kanilang pagkakaibigan na may matibay nang pundasyon.

Hindi biro ang dalawang dekada ng pagkakaibigan, sobrang lalim na ng ganu’n, pero gaano katotoo na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan?

Trabaho diumano ang naging dahilan ng pagkasira ng kanilang pagkakaibigan, umasa si Female Personality A na kaya siyang ipaglaban ni Female Personality B, pero hindi ‘yun nangyari.

Kuwento ng aming source, “Talagang nakapanghihinayang ang nangyari, super-lalim na ng friendhip nila, magkakampi silang dalawa sa kahit anong laban. Kapag naiintriga si Female Personality B, agad nang nakadepensa si Female Personality A para sa kanya!

“Hindi sila mapaghihiwalay, magkasama na sila sa trabaho nang ilang dekada, ganu’n din katindi ang friendship nila offcam,” unang paliwanag ng aming impormante.

Maraming naganap ngayong panahon ng pandemya. Nagbabawas ng mga hosts ang maraming programa, sangdamakmak ang nawalan ng trabaho, napasama sa mga nawalan ng trabaho si Female Personality A.

Patuloy ng aming source, “Parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Female Personality A nu’ng malaman niya na hindi na pala siya kasama sa mga hosts na magpapatuloy sa show nila.

“Natural lang ‘yun, sumama ang loob niya, nakapagde-deliver naman kasi siya bilang host ng show, dalawang dekada na rin siya du’n, sino nga ba ang mag-aakalang kasama pala siya sa mga mawawala?

“Natural lang ding umasa ang girl na maipaglalaban siya ng friend niya, may connection kasi sa producer ang kaibigan niya, pero walang nangyari.

“Ginawa naman ni Female Personality B ang lahat, pero hindi naman kasi siya ang producer, kaya hindi nakabalik ang kaibigan niya sa show.

“Medyo nagkaayos na rin naman sila, kaya nga lang, hindi na tulad nang dati ang pagkakaibigan nila, lumabnaw na. Nabawasan na ang closeness nila.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“Okey na ang girl, nakahanap na siya ng trabaho, hindi naman siya mababalagoong dahil matalino siya. Si Female Personality B naman, e, paminsan-minsan na lang nakikita sa show, ang husband niya ang matibay, hindi puwedeng alisin sa show!” pagtatapos ng aming impormante.

-o0o-

Angelica pinahamak ang sarili
 

Nakakaawang Angelica Panganiban. Idinidighay niya ngayon ang napakapaklang ampalaya at apdo na ipinakakain sa kanya ngayon sa social media dahil sa pagmamaldita niya sa pagpapa-swab ng kanyang boyfriend na si Gregg Homan sa Red Cross-Subic.

Dati nang maanghang ang dila ng aktres na ito, pero nakakita siya ng katapat ngayon sa kanyang mga kuda, ang nakalaban niya ay ang mga frontliners na itinuturing na bayani ngayon ng ating bayan.

Meron siyang talak na hindi raw namamansin ang mga frontliners sa Subic, meron siyang ipinost na inuna pa ang ibang magpapa-swab test kesa sa kanila, isang oras na raw silang naghihintay sa parking.

Si Angelica mismo ang nagpahamak sa kanyang sarili. Sumagot ang mga nakatalagang frontliners ng Red Cross-Subic na hindi naman pala kasali sa listahan ng mga magpapa-swab test ang kanyang karelasyon, sa madaling salita ay sumingit lang ito, hindi prayoridad na askikasuhin agad-agad.

At naglabas ng ebidensiya ang isang frontliner na hindi sa tent naghihintay si Angelica, nasa van lang siya na may aircon, kaya hindi siya nakaranas na mainitan.

Naging sobrang personal ang mga bira kay Angelica, pati ang hubog ng kanyang katawan ay ibinato laban sa kanya, ikinumpara siya sa sasakyang laspag na.

Pati ang kanyang pangalan ay ginamit na armas laban sa kanya, may angel pa naman daw sa pangalan niya, pero hindi naman bagay sa kanyang ugali.

Reaksiyon ng anak-anakan naming si SOS, “Tama po, may angel nga sa name niya. Pero Panganiban ang apelyido niya, mapanganib si Angel!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.