Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality nakiligo sa ex

0 172

Mas lumulutang ang pagkakilala ngayon ng marami sa isang kilalang lalaking personalidad. Puro papuri ang mga komentong maririnig patungkol sa kanya.

Kung ganu’n ang pagkakilala nila sa male personality ay kakaiba naman ang paglalarawan sa kanyang karelasyon. Kontrabida ang dating nito para sa marami nilang nakatrabaho.

Kuwento ng aming source, “Spoiled kasi ang dating ng girl. Ang male personality naman, e, mabait. Simple lang, walang kibo, todo-pasa lang sa mga pinaggagagawa ng girl.

“Maayos ang pagpapalaki sa guy, wala siyang angas, marespeto siya sa lahat, kaya maraming kumakampi sa kanya ngayon kesa sa girl na kontrabida nga ang datingan,” unang kuwento ng aming source.

Kasali rin pala sa listahan ng mga Simang ng showbiz ang female personality. Palagi lang kasi itong nakasimangot, parang nakakaamoy ng kung anong mabaho, lalo tuloy itong nagmumukhang kontrabida.

Patuloy ng aming impormante, “Mahirap pakibagayan ang ugali ng girl na ‘yun! Mahirap kapain ang ugali niya. Matindi rin ang tantrums ng babaeng ‘yun! Palibhasa, e, lumaki siyang spoiled!

“Buti nga at tumagal pa ang guy na kasama siya, kung sa iba lang ‘yun, baka wala pa silang isang taon, hiwalay na sila!” dagdag na impormasyon pa ng aming source.

May naalala ang aming source, nu’ng mag-break ang magkarelasyong ito ay ang babae ang naghabol sa lalaki, ginawa nito ang lahat ng paraan para sila magkabalikan.

“Maraming nakakaalam nu’n,, talagang ginawa ng girl ang lahat para magkabalikan sila ng male personality. Saan ka naman makakakita ng babaeng nakikipaligo pa sa bahay ng nakahiwalay niyang boyfriend?

“Ang dami-dami niya namang mapagpapaliguan, may bahay naman sila, pero du’n pa siya nagpupunta sa bahay ng guy, samantalang break na nga sila?

“May kalukringan din ang babaeng ‘yun, sa totoo lang! Kaya mahirap pang magsalita ngayon, baka kasi pagkatapos niyang lumayas sa bahay nila ng male personality, e, makipaligo na naman siya du’n one day!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nakakaloka siya, sa totoo lang, tama lang na hindi na lang pinapatulan ng guy ang kung anu-anong patutsada niya sa soical media!” pagtatapos ng aming impormante.

Willie iniyakan ng mga mapipilay

Milyong tagahanga na ni Willie Revillame ang may matinding pag-aalala ngayon na baka tuluyan nang agawin sa kanila ng mundo ng politika ang kanilang idolo.

Ilang araw na kasi ang nakararaan ay tunog-pagpapaalam na ang litanya ng sikat na TV host sa kanyang programang Wowowin-Tutok To Win.

Ang dami-daming nalungkot nu’ng magsalita siya tungkol sa kanyang planong pagdesisyunan. Ayaw raw niyang mawala ang programa dahil napakarami nilang natutulungang mga kapuspalad nating kababayan.

Sana raw, kahit wala na siya sa show ay magpatuloy pa rin ang Wowowin, tutal naman ay merong ibang puwedeng mag-host ng programa.

Binulabog ni Willie ang kanyang mga tagasuporta, may mga kilala nga kaming nag-iiyakan, dahil kapag pumasok na raw sa pulitika si Willie ay parang pinilay na rin sila.

Napakadali kasing hingan ng tulong ni Willie, boses pa lang sa kabilang linya ang kanyang naririnig ay nadudurog na agad ang kanyang puso, kaya maraming grupo ng mga sumusuporta sa kanya ang kontra sa pagpasok niya sa pulitika.

Pahayag ng kaibigan naming propesor, “Kung ako si Willie, e, hindi ko tatanggapin ang alok na tumakbo siyang senador. Wawasakin lang ng politics ang buhay niya.

“Destiny is not a matter of chance, it’s a matter of choice. Meron tayong free will, binigyan tayo ng karapatang pumili ng landas na gusto nating tahakin.

“Pero nasa kanya ang pagdedesisyon. Let’s just hope that Willie will decide wisely. Pag-isipan niyang mabuti ang sitwasyon niya ngayon, magagamit lang siya kapag nagkataon,” bahagi ng komento ni prop.

Leave A Reply

Your email address will not be published.