Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality nanulot ng madatung na dyowa

0 163

Sa isang chikahang birtuwal ay naging sentrong paksa ang isang magkarelasyon na maraming imbentong kuwento tungkol sa kanilang pagmamahalan.

Pinalagan ng grupo ang kanilang istorya, pinagtatawanan sila, dahil ang mga inilalabas nilang kuwento ay kabaligtaran ng mga totoong nangyari.

Kuwento ng aming source, “Kasi naman, hindi na lang sila manahimik! Kung anu-anong kuwento pa ang pinagsasasabi nila, samantalang alam naman nila kung ano ang totoong nangyari kung paano sila naging sila!”

Buhay na buhay ang ex ng lalaki, kinompronta nito ang female personality, nag-umiyak ang aktres sa kanya sa kahihingi ng sorry nang matuklasan ng babae na sinulot pala ito ng female personality.

Balik-kuwento ng aming impormante, “Bakit kasi nagkukuwento pa sila ng mga detalyeng alam naman nilang hindi totoo! Napakalinaw naman ng nangyari, natuklasan ng ex ng guy na sila na pala ng female personality nang dahil lang sa cellphone!

“Ang sama-sama ng loob ng girl, kinaibigan kasi siya ng female personality, nakipag-close sa kanya, pero ‘yun pala, tinatrabaho na siya nang pailalim!

“Kinompronta niya ang female personality sa CR ng isang hotel, galit na galit siya, cry naman nang cry ang female personality dahil nabuking nga siya!

“’Yun ang totoong kuwento! Alam ‘yun ng mga friends ng ex ng guy, pero iba ang pinalalabas nilang istorya ngayon!” naiinis na kuwento ng source.

Ayon pa sa nagpipistang grupo sa pamamagitan ng birtuwal na kuwentuhan ay napakarami nang nakarelasyon ng female personality na hindi nagtagal dahil sa usapin ng pera.

Kuwento uli ng aming impormante, “Palagi siyang sumasabit sa usapin ng datung. Palaging ganu’n, ginegetlakan niya ng datung ang guy, hanggang sa makahalata na ang karelasyon niya na pera lang ang gusto niya.

SM food to go Banner Ad

“Iisa-isahin pa ba natin kung sinu-sino ang mga guys? Naku, hindi sila kakasya sa bus sa dami! Alam kaya ‘yun ng guy na karelasyon niya ngayon?” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Willie umiwas sa ECQ

Ngayong Biyernes nang gabi ay bibiyahe na ang buong produksiyon ng Wowowin-Tutok-To-Win papuntang Clark, Pampanga. Isang buong araw na inasikaso ni Willie Revillame ang pakikipag-usap sa mga taga-IATF para hindi matigil ang airing ng kanyang programa ngayong ECQ na.

Ipinaglaban ni Willie ang hindi pagliban ng kanyang programa sa loob nang dalawang linggo. Bawal na siyang mag-live show sa studio ng GMA-7 at sa mismong Wil Tower kung saan ginaganap ang kanyang programa sa araw-araw.

May paraan pa, sabi ni Willie, ang ganapin ang kanyang Wowowin sa isang lugar na hindi nasasakop ng ECQ. Matinding sakripisyo ‘yun kung tutuusin, buong produksiyon ang dadayo sa Clark, pero kapag gusto ay may paraan.

“Pinuntahan na namin ang venue, napakaganda, malinis at supportive ang lahat ng mga namamahala sa Clark Airport. Kumpleto sila ng mga rooms, malilinis ang CR,” unang sabi ni Willie.

Ang dalawang linggong tigil-trabaho dahil sa ECQ ay puwedeng samantalahin ni Willie kung tutuusin para ipagpahinga na lang niya. Kapos na kapos siya sa pagre-relax.

Pero inalala niya ang kapakanan ng mga kababayan nating natutulungan ng kanyang programa. Napakaraming nakikiusap sa kanya na huwag liliban sa Tutok-To-Win ngayong ECQ.

“Konting sakripisyo lang ito para sa akin, sa mga production staff ng show, pero ang kapalit naman, e, ang kabuhayan ng mga kapwa natin Pilipinong hirap na hirap sa buhay ngayong pandemya.

“Hindi naman bumubukol ang hirap, two weeks kaming magso-show sa Clark, para sa kanila ang gagawin naming ito,” sinsero pang pahayag ng mapusong aktor-TV host.

Leave A Reply

Your email address will not be published.