Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality napahiya sa relasyon

0 134

Kumakain na naman ng bashing ang isang female personality. Mula umaga hanggang gabi ay pamba-bash ang kanyang pagkain, ayaw siyang tantanan ng mga trolls, pinaglalaruan siya.

Kung ang ibang artista raw na mahuhusay naman sa kanilang linya ay walang hawak na korona ay kakaiba ang babaeng personalidad na ito, meron siyang tatak, “Ilusyunada Queen.”

Kung babalikan ang kuwento ng buhay ng babaeng personalidad na ito sa pakikipagrelasyon ay palagi siyang napapahiya. Idinedenay siya ng mga lalaking sinusuob niya ng pagmamahal.

Kuwento ng aming source, “Wala naman kasi siyang kadala-dala, kaya ayan, inuupakan na naman siya sa social media! Ilang beses na nga siyang idinedenay ng mga lalaking iniilusyon niyang boyfriend, sobrang kahihiyan na nga ‘yun, pero parang hindi naman siya tinatablan!

“Ngayon, e, meron na naman siyang pinagtatangkaang ilusyuning BF, nakakaloka siya, wala siyang kahihiyan!” unang komento ng aming impormante.

Magkasama ngayon ang female personality at ang isang pamosong aktor sa ibang bansa. May ginagawa silang pelikula du’n. Hindi na naman nakapagpigil ang girl sa pagpapabida.

“Kasi naman, siya ang nagpapasimuno kung bakit siya pinaglalaruan sa social media, e! Nagbibigay siya ng insinuation. Siya ang nagtatanim ng malisya sa mga ipino-post niyang picture!

“Nu’ng una, e, pinaniwala niya ang mga utaw na seryoso ang relasyon nila ng isang tisoy na hunk actor. Kaso, para namang kinikilabutan ‘yung male personality sa mga pinagsasasabi niya!

“Deny-to-the-max ang male personality, friends lang daw sila, pahiya ang girl na ang ilusyon nga, e, magdyowa sila! Pero may sumunod pa du’n!

“Isang foreign actor naman ang pinalabas niyang karelasyon niya! Nakakaloka, nag-issue ng paglilinaw ang grupo ng banyagang aktor, ilusyon lang niya ang lahat, walang katotohanan!

SM food to go Banner Ad

“Heto, isang male personality na naman ang isinusubo niya sa kahihiyan. May girlfriend ang lalaking personalidad, matindi ang love nila sa isa’t isa!

“Pero nakikipaglaro na naman sa ilusyon niya ang female personality, kaya ang sagot sa kanya ng mga ayaw sa male personality, ‘Go, go, go! Malaya ka, ahasin mo na siya!’

“Haaay, nakakaloka ang babaeng ito na walang kadala-dala! Hindi siya tinatablan!” nakairap na pagtatapos ng aming source.

Jinkee natutong sumimple

Inabangan ng mga kababayan natin kung ano ang OOTD ni Jinkee Pacquiao nang magsumite ng COC ang kanyang asawa na makikipag-agawan sa posisyon ng panguluhan.

Siya talaga ang tinutukan ng mga Maritess, ano raw kayang brand ng damit, sapatos at bag na milyon ang halaga ang ipaparada niya, magpapalutang na naman kaya ng wala sa tiyempong pagbabando ng branded OOTD ang misis ng Pambansang Kamao?

Pero nabigo ang lahat ng nakaabang sa itsura ni Jinkee, dumating siya sa bulwagan na walang suot na alahas, simpleng denim pants na tinernuhan lang niya ng white polo at blue blazer ang kanyang outfit, bukas na ang tenga ng misis ni Senador Manny Pacquiao ngayon.

Nakinig na siya sa payo ng mas nakararami na kailangang gumayak siya sa tamang okasyon, ang mga taga-gobyerno maging ang kanilang pamilya ay dapat maging simple lang, mukhang namulat na sa katotohanan si Jinkee.

Nabigo ang mga nakahanda nang umupak uli sa kanya sa social media, pero sa kabila ng kanyang kasimplehan ay may mga napansin pa rin ang mga nakaabang sa kanya, ang ayos daw ng kanyang buhok ay pang-first lady na.

Easy target talaga si Jinkee, parang malaking krimen na ang magpusod ngayon, pero wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili lang niya dahil sa pagmamalabis ngayong panahon ng pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.