Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality naputulan ng ilaw

0 516

Tawa nang tawa ang aming source sa isang kuwento tungkol sa isang popular na female personality na suko kuno hanggang langit ang pagiging kuripot. Walang butas ang kanyang mga palad.

Hindi siya karatista, nakakuyom palagi ang kanyang mga kamao, kaya hindi nagtatagal ang mga kasambahay niya.

Madalas siyang nangingibang-bansa nu’ng kasagsagan ng kanyang singing career, tumatagal siya nang ilang linggo sa pagraket, nag-iiwan lang siya ang panggastos ng kanyang mg kasambahay.

Natatawang kuwento ng aming soure, “E, di ba, hindi naman nasusunod kung minsan ang schedule ng pag-uwi ng mga performers? Hindi naiiwasan ang mga aberya, natatagalan sila, du’n nagkakaroon ng problema sa mga kasambahay niya!

“Paano na ang pagkain ng mga maid-of-cotton niya? Paano sila mabubuhay nang hindi kumakain?” pabiting kuwento ng aming impormante.

Mabuti na lang at marunong sa buhay ang mga kasambahay ng kilalang female singer, maparaan sila, kinakaibigan nila ang mga kasambahay ng mga kapitbahay nila para meron silang maaasahan.

Patuloy ng aming source, “Dahil sa kakuringan ng female singer, kahit ang pagtawag sa mga kasambahay niya, e, hindi niya ginagawa, nanghihinayang siya sa gagastusin niya sa phone, deadma lang siya kung hindi man siya makauwi sa tamang araw.

“Mababait naman ang mga kasambahay niya, saka maparaan, humihingi na lang sila ng food sa mga kaibigan nilang kasambahay sa subdivision nila. Nakararaos ang mga kasambahay ng singer!

“Pero heto na. Galit na galit siya nu’ng bumalik galing sa ibang bansa na napakadilim ng kanyang bahay! Maliwanag sa buong subdivision, bukod tanging ang housing authority lang niya ang napakadilim!

“Nagwala siya, bakit daw wala silang ilaw, ano raw ang nangyari? Nagsalita ang isa niyang kasambahay, ‘Madam, kung pambili nga po namin ng pagkain, e, wala, pambayad pa kaya sa kuryente? Nag-iwan po ba kayo ng pambayad?

“Hindi siya nakakibo, alam niya kasi ang totoo na sa kakuriputan niya, pati ang mga bayarin nila buwan-buwan, e, kinatatamaran pa niya!

“Hay, naku! Ang popular na female performer talaga na ‘yun! Dito ba o du’n siya masisira?” tawa pa rin nang tawang pagtatapos ng aming source.

Cheryl napraning nang magka-COVID

Magdadalawang linggo nang work from home ang pag-ere ng magandang news anchor ng TV5 na si Cheryl Cosim. Nagpositibo siya sa swab test, wala siyang anumang kakaibang nararamdaman, pero kailangan niyang sumunod sa pinaiiral na quarantine ng network.

Sa panahong naka-quarantine si Yeng ay pumasok sa kanyang isip ang napakaraming bagay. Aminado siya na naging praning siya, kung anu-anong istorya ang bumabagabag sa kanya, puro paano na ang tanong niya sa hangin.

Text sa amin ni Yeng nu’ng mg unang araw ng kanyang quarantine, “I get anxiety attacks, grabe pala ang ganitong pakiramdam, it really messes your mind. Emotionally, parang roller coaster ride ang pinagdadaanan ko.”

Naging panahon din ‘yun ng pagbalik niya sa nakaraan. Tanong daw ni Yeng sa kanyang sarili, naging mabuting tao ba siya, meron ba siyang nasaktang mga tao sadya man ‘yun o aksidente lang?

“Ang haba-haba ng maghapon. Now, I know, kung ano ang feeling ng mga nagpa-positive, lalo na ‘yung mga nagpapaospital na walang kahit sinong kasamang bantay!

“Salamat sa Diyos dahil wala naman akong ibang nararamdaman, as in wala, kinakabahan lang talaga ako. Iba, e. ‘Yung parang fear ang babalot sa buong pagkatao mo,” pahayag pa ni Yeng.

Maraming nagpositibo sa TV5, kasama na si Ted Failon na ngayon ay nakabalik na sa ere sa pamamagitan ng work from home, maagap ang network sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan.

Ang Cristy Ferminute ay sumasahimpapawid din mula Lunes hanggang Biyernes na work from home lang din kami ni Romel Chika. Maraming salamat dahil kahit watak-watak kami ng aming mga staff ay tumatako ang programa na konting-konti lang ang nagiging problema dahil sa internet.

Leave A Reply

Your email address will not be published.