Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality nasimot ang milyones

0 219

Dumaan pala sa matinding problemang pampinansiyal ngayon ang isang magaling na female performer. Hindi lang ang pandemya ang dahilan ng lahat, matagal nang kinakapos siya sa buhay, mali pala ang iniisip ng marami na nakapag-ipon siya nu’ng kaitaasan ng kanyang singing career.

Nakapag-ipon naman siya, nakabili ng mga ari-arian, ang masaklap lang ay hindi niya natutukan ang kanyang kaban dahil sa sobra niyang pagkaabala sa trabaho.

Malungkot na kuwento ng aming source, “Imposibleng hindi siya nakaipon, napakalaki ng talent fee niya nu’n. Para makuha mo siyang mag-perform, ang usapan, e, hindi ang buong show kundi per song.

“Tama, per song nga ang kuwentahan. Sa four songs na gagawin niya kapag guest artist lang siya, milyon na ang talent fee niya.

“Imagine, apat na kanta lang ‘yun, ha? Paano pa kung buong show ang gagawin niya, paano kapag solo concert niya ‘yun? Magkano ang talent fee niya?” unang kuwento ng aming impormante.

Naging abala ang magaling na female performer sa kanyang mga shows sa ibang bansa. Binibigyan siya ng standing ovation, sumasaludo sa husay niyang mag-perform ang mga banyaga, ganu’n katindi ang inabot na popularidad ng female performer.

“Nu’ng medyo makaluwag-luwag na siya sa oras, nu’n lang niya naisipang asikasuhin ang kanyang finances pati ang mga propyedad na ipinundar niya.

“Nagulantang si ____(pangalan ng female international performer), walang maipakitang mga dokumento sa kanya ang taong pinagkatiwalaan niya. As in, wala, sa salita lang pala sa kanya ang mga sinasabing properties.

“Ang milyones na inaasahan niya bilang ipon, todas din, ilang libo na lang ang naiiwanan sa bank book niya. Sobrang depression ang inabot niya, nagrebelde siya, ang napagtuunan niya ng pansin, e, ang sarili niya.

“Kung anu-ano ang ipinagawa niya sa katawan niya, lahat ng ayaw ng pamilya niya ang pinagdesisyunan niyang gawin, talagang nagrebelde siya! Imagine nga naman, nawala na ang milyones niya, naging bula pa ang mga ari-arian niya na nawala!

“Haaay, nakakaawa naman si ate na naging si tsong, nasayang ang mga pagsisikap at pangangarap niya,” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Sharon ‘di ipipilit ang sarili kay KC

Napakamakahulugan ng sinabi ni Sharon Cuneta sa kanyang pinakahuling post. Isang netizen kasi ang nagpayo sa kanya na bigyan din ng panahon ang kanyang panganay na si KC at hindi ang mga anak lang nila ni Senador Kiko Pangilinan ang kanyang tinututukan.

Makahulugang post ng Megastar, “For everyone else: Be thankful that I am the kind of mother who will not open her mouth.”

Basang-basa namin ang gustong sabihin ni Sharon, napakarami niyang maisusumbong sa mundo, pero hindi niya ‘yun magagawa dahil mismong laman at dugo niya ang direktang masasaktan.

Alam niya ang magiging balik sa kanya kapag isa-isa niyang isinambulat ang nilalaman ng kanyang puso tungkol kay KC. Gagaan ang kanyang kalooban, magiging totoo lang siya sa mundo, pero siguradong may bibira sa kanya bilang ina.

At tama lang si Sharon sa sinabi niya na hindi sila namimilit ng kanyang mga anak ng mga taong ayaw sa kanila. Kung ayaw makipaglapit sa kanila ni KC ay ito na ang may dalahin nu’n at hindi ang mga taong nagbibigay naman ng pagmamahal sa dalaga.

At mali ang iniisip ng iba na sa piling ng namayapang si Mommy Elaine lumaki si KC, walang katotohanan ‘yun, si Sharon ang tumayong ama at ina ni KC nu’ng hinahanap pa nila sa Google kung nasaan si Gabby Concepcion.

Leave A Reply

Your email address will not be published.