Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality nega

0 141

Oo nga naman. Maraming personalidad na nakikilahok sa mga usaping-panglipunan, sa mundo ng pulitika at sa kung anu-ano pang istoryang pangnasyonal, pero parang ayos lang naman ‘yun sa ating mga kababayan.

Pero bakit kapag ang isang female personality na ang nagkokomento sa kanyang social media account ay hindi siya tanggap ng publiko? Tinatawag siyang sawsawera, papansin, KSP.

Nagtatanungan ang mga becki kung bakit, ano bang kanegahan ang sumapi sa katawan ng babaeng personalidad na ‘yun, bakit ayaw tumigil ang kanyang mga bashers?

Kuwento ng isang source, “Nakapagtataka nga. Bakit nga ba kapag siya na ang nag-comment, e, nagiging busy na ang mga bashers? Siya ang inuupakan, siya ang binabalikan, samantalang ang komento niya naman, e, tulad din ng pagpansin ng mga kasamahan niyang artista?” umpisang pambubusisi ng aming impormante.

May pangalan din naman ang female personality, iniluwa pa nga siya ng isang mahiwagang malaking bahay sa network na pinagtatrabahuhan niya nu’n, pero bakit nga ba nega ang kanyang dating?

Balik-komento ng aming source, “Kasi naman, wala yata siyang magawa sa buhay! Lahat na lang ng issue, e, pinakikisawsawan niya! Kahit maliit na issue lang, e, parang big deal na sa kanya!

“Meron lang siyang nabasa sa tabloid, e, post na siya agad ng kung anu-ano! Pinalalaki niya ang issue, nagmamarunong siya nang bonggang-bongga, kaya siya tuloy ang inuupakan ng mga bashers!

“E, bakit ang iba niya namang mga co-stars, kapag nagko-comment, e, parang okey lang, pinupuri pa nga sila dahil aware sila sa mga nangyayari sa ating bayan?

“Pero bakit kapag siya na ang nag-post, kahit yata kumakain ang mga bashers, e, biglang tumitigil para lang siya upakan? Napakanega niya!” sabi pa ng aming source.

May naaalala pala kasi ang mga kababayan natin tungkol sa kanya, hindi pa rin humuhupa ang imahe niyang maangas, maldita, pakialamera!

SM food to go Banner Ad

Pagtatapos ng aming source, “Hindi na siya active ngayon, nag-aalaga na lang siya ng anak niya, pero hindi pa rin nakakalimutan ng mga bashers ang madalas niyang pakikialam nu’n sa buhay ng ibang artista!

“Dati na siyang sawsawera, dati na siyang pakialamera!” madiing komento pa ng aming mpormante.

Karla ‘kampi’ sa mga lalaking bastos

Akala nami’y tapos na ang pagpapakain ng ampalayang mapakla at pagpapainom ng apdo ng mga kababayan natin sa tinaguriang Queen Mother (kung bakit, paano at kung anuman ang ibig sabihn nu’n) na si Karla Estrada pero hindi pa pala.

Nag-ugat ang inis sa kanya ng mga netizens nang maging panauhin nila sa Magandang Buhay si Xyriel Manabat, dating child star, na nag-post ng kanyang larawang balot naman ang kanyang katawan pero nagsusumigaw ang lusog ng kanyang mga dibdib.

Bilang isang pabibong host na parang gustong kabugin sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros ay umariba ang minantikaang dila ni Karla,

Pasable na sana para sa mas nakararami ang ikinomento niyang maraming vultures sa social media na kahit balot na balot naman ang katawan ng isang babae ay nag-iisip pa rin nang hindi maganda.

Pero bigla niyang idinugtong na kaya raw siya, palagi niyang pinagsasabihan ang kanyang mga anak na para huwag mabastos ay piliin lang ang mga retratong ipino-post ng mga ito sa social media, ‘yun daw ang nang-iimbita ng pambabastos.

Aysus, pinupog ang Queen Mother kuno, talagang nakatikim siya nang masasakit na salita, dahil parang kinakampihan pa raw niya ang mga lalaking bastos kesa sa mga babae. Victim shaming, sabi pa ng mga umupak sa kanya, napakalinaw naman kasing maayos ang kasuotan ni Xyriel Manabat sa larawan.

At may nakaalala, “Ikaw, Queen Mother, panay-panay ang pagpo-post mo ng mga pictures na naka-swinsuit ka! Ikaw pa ang magpapangaral ng ganu’n?”

Ahahay!

Leave A Reply

Your email address will not be published.