Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality nganga ang mga sinulot

0 252

Napakaraming kuwentong lumulutang ngayon tungkol sa isang popular na female personality na kung tawagin ng marami ay sulutera. Manunulot kuno ang magandang aktres.

Sabi ng isang source. “Para siyang make-up artist na may plano na palang magtayo ng sarili niyang parlor. Habang nagtatrabaho pa siya sa shop ng boss niya, e, namimigay na siya ng calling card!”

Mukhang hindi na nga makababalik pa sa dati niyang network ang female personality dahil unit-unti nang naglalabasan ang mga kuwento kung paano niya kinukumbinsi nu’n ang kanyang mga kapwa artista na lumundag na ng bakod.

Kuwento ng aming impormante, “Naku, ngayon na lang naglalabasan ang mga kuwento, pero nu’n pa pala kino-convince ng girl na ito ang mga co-stars niya sa network na umalis na!

“True, siya mismo ang tumatawag sa mga kasamahan niya para lang sabihing sumama na sa kanya sa ibang network dahil wala nang mangyayari sa kanila sa network nila!” umpisang chika ng aming source.

May isang kaibigang aktres pang sinabihan ang female personality na magugutom lang sila kapag naging loyal sa network nila. Kailangan na raw nilang kumilos.

Patuloy ng aming source, “Parang siya ang naging recruiter ng bagong production na nilipatan niya, marami siyang kinausap na sumama na sa kanya, pero sorry na lang sa kanya dahil marunong tumanaw ng utang na loob ang mga kinukumbinse niya!

“At hindi lang mga artista ang kinausap ng girl na ito, pati staff and crew, pati mga dancers! Inilagay niya sa alanganin ang mga dancers na ni-recruit niya!

“Saan na ngayon kekembot ang mga ‘yun, hindi na sila makababalik sa dating network na pinagseserbisyuhan nila, siyempre! Pati staff and crew na kinumbinse niya, paano na?” napapailing pang istorya ng aming impormante.

Naging panandalian lang ang show na ginawa ng grupo, hindi nagtagal ang buhay, kaya ang mga nahikayat ng female personality na sumama na sa kanya ay puro nganga ngayon.

Pahabol pa ng aming source, “Nakakaloka ang babaeng ‘yun, napakaaga niyang sumuko! Napakabilis niyang bumitiw sa network na nagpalaki sa name niya!”

-o0o-

Alden sinugalan sa patalastas

Ngayon nagkakalantaran ng mga baraha sa mesa kung sinu-sinong artista ang sa kabila ng pandemya ay buhay na buhay pa rin ang career at mabenta sa mga ahensiyang gumagawa ng TVC.

Ang mga dating nagrereyna-reynahan at naghahari-harian sa larangan ng mga patalastas, ang mga mukhang nakikita natin sa mga billboards sa kahit saang kanto ay nangawala na, iilan na lang ang nabibiyayaan ng trabaho ngayon.

Natural, kung sino ang namamayagpag ang karera, kung sino ang gustung-gusto pa rin ng publiko, kung sino ang pinakamabenta pa rin sa kabila ng pandemya, sa pamamagitan ng survey ay sila ang sinusugalan ng mga ahensiya.

Sabi ng isang source namin, “Tapos na ang maliligayang araw nu’ng isang sikat na female personality na lahat na lang yata ng produkto, e, ineendorso. Nakakaumay na ang mga billboards niya, ang dami-dami!

“Wala nang kumukuha sa kanya ngayon na siya rin naman ang nagbigay ng reason. Sino pa ang kukuha sa kanya, e, siya mismo ang nagbabando sa buong mundo ng sakit niya?” sabi ng aming kausap.

Ang mukha ng mga patalastas ngayon ay si Alden Richards. At hindi lang mga produkto para sa mga konsyumer ang ineendorso niya. Pati ang mga anunsiyo ng iba-ibang departamento ng gobyerno ay siya rin ang kinukuhang tagapagpalaganap.

Walang makakokontra sa mga suwerteng dumarating sa Pambansang Bae. Panahon niya ngayon. Walang kahit sinong makahaharang.

Napakaganda kasi ng kanyang imahe, parang apoy na kumakalat ‘yun, ang kabutihan ng kanyang puso ay umaalagwa kahit saan at kahit kailan.

At ano ba ang ginagamit na barometro ng mga ahensiya sa pagkuha nila ng mag-eendorso ng kanilang mga produkto? Isa lang. Imahe ng personalidad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.