Abante Tonite Interactive

Female personality nganga sa dyowa

873

tonite-no-thanks-cristy-fermin

Bigo na naman ang isang pamosong female personality sa pagsugal sa isang relasyon. Palagi na lang ganyan ang nangyayari sa kanya. Magmamahal siya, nagdarasal siyang panghabambuhay na sana ‘yun, pero ang ending ay sa hiwalayan din ‘yun nauuwi.

Nakakailang relasyon na ba ang magandang female personality? Sa simula ay parang pang-forever na nga ang pakiki­pagrelasyon niya, marami siyang pangarap, pero mailap sa kanya ang pangmatagalang relasyon.

Komento ng isang source na saksi sa pakikipagrelasyon ng magandang aktres, “May mali sa kanya. Kasi, lahat ng mga nakarelasyon niya, e, may maganda at maayos nang buhay ngayon.

“May nakapag-asawa na, meron nang may bagong girlfriend, pero siya, e, heto, nganga na naman siya! So, nakanino ang problema?” tanong-opinyon ng aming source.

Ayaw pang magsalita ngayon ng aktres, naghihintay pa siguro siya ng tiyempo, dahil siguradong siya na naman ang namba-bash sa naganap sa kanyang lovelife.

“Mas marami kasi ang naniniwala na love on the rebound lang naman itong last relationship niya. Gusto lang niyang ipamukha sa ex niya na nakapag-move on na siya, kaya ganu’n!

“Kaso, sa katagalan, may nakita sigurong hindi maganda sa kanya ang boyfriend niya, tulad din sa nangyari sa ex niya, kaya anong forever ang pinagsasasabi niya?

“Kanta lang ang forever, hindi para sa pakikipagrelasyon niya ‘yun, hindi na siya bumabata, lumolobo na nga ang katawan niya, kaya mag-isip-isip na siya!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

May nakikita ba siyang isang seksing aktres na napapangiti nang palihim nga­yon?

Angel-Neil hiwalay na?

Magandang magbuwena-mano sina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista. Dalawang magkarelasyon din ang sinasabing hiwalay na ngayon pero wala pang nagbubukas ng bibig sa kanila para kumpirmahin ang kuwento.

Nu’n pa umiikot ang balita na tapos na ang relasyon ni Cristine Reyes kay Ali Khatibi, pero wala pang nagbibi­gay ng pahayag sa kanilang da­lawa, ang balita ay nasa isang bubong pa rin sila pero magkahiwalay na ng kuwarto.

Tulad nina Romnick at Harlene ay ayaw rin siguro nilang maging karnabal ang kanilang pahihiwalay, mas magandang sa kani-kanilang pamilya lang umiikot ang kuwento, iwas-bashing nga naman ang ganu’n.

Sa panahon nga naman ngayon ay wala nang libre sa gustong sabihin ng ibang tao, kahit wala naman silang nalalaman tungkol sa isyu, kani-kanyang bash na sila sa mga artistang sangkot sa istorya.

Malakas din ang bulung-bulungan na natuldukan na ang relasyon nina Angel Locsin at Neil Arce, kung paanong parang nilalanggam nu’n ang kanilang mga posts ay burado na ‘yun ngayon, deadmahan na ang naging kapalit.

Asahan na ni Angel Locsin na kapag nag­labas sila ng pag-amin ng producer niyang nakarelasyon ay siguradong pupupugin siya sa social media. Sa ayaw at sa gusto ng aktres ay lulutang ang pangalan nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na ilang taon nang maligaya sa isa’t isa ngayon.

Nagpaplano na ngang magpakasal ang dalawa, na siguro’y pinlano rin nila Luis nu’n, pero nauwi sa wala ang matagal-tagal din nilang pagmamahalan.

Agresibo ang kanilang mga tagasuporta, palaging nag-aaway sa social media, kaya humahanap muna siguro ng tamang pagkakataon si Angel Locsin bago niya linawin ang istorya.

Pero malay rin naman natin? Baka ang dahilan ng kanilang pananahimik ay dahil ginagawa pa rin nila ang lahat ng paraan para ang nawasak ay muling mabuo?

Hindi imposible ‘yun.