Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality nganga sa pandemya

0 76

Walang pinagkakaabalahang trabaho ngayon ang isang premyadong aktres. Naka-house arrest lang siya ngayon, walang labasan ng bahay, balitang pinalilipas niya ang panahon sa pagtatanim ng mga halaman.

Maraming naaawa sa female personality na nasa ituktok ng tatsulok ang kasikatan nu’ng kasagsagan ng kanyang karera. Paano na raw ang kanyang buhay ngayon? Saan na siya kumukuha ng kanyang mga pangangailangan?

Kuwento ng aming source, “Nakakapag-alala nga naman ang sitwasyon ngayon ng dating sikat na sikat na female personality. Wala kasi siyang ginagawang pelikula at serye, walang pumapasok na biyaya sa kanyang kaban, kaya paano na siya nabubuhay ngayon?

“Wala siyang trabaho, hindi na rin naman siya puwedeng kumanta, paano na siya nabubuhay ngayong pandemya? E, di ba, hindi naman siya ang klase ng artistang may malaking naipon, kaya nag-aalala ang malalapit sa kanya,” unang sultada ng aming impormante.

Hindi na siya bumabata, marami na siyang nararamdaman ngayon, ayos lang sana kung may mga anak na tumitingin sa kanya pero wala.

Patuloy ng aming source, “Maraming nakakaalala sa kanya, ‘yun ang mga fans niya na napaka-loyal sa kanya. Anuman ang mangyari, e, nand’yan lang sila para tumulong sa idolo nila.

“Hindi siya humihingi ng tulong, pero ang mga fans niya mismo ang nagmamalasakit sa kanya, napakasuwerte niya sa pagkakaroon ng mga tagasuportang hindi nakalilimot sa kanya.

“Minsan naman, e, nililibang niya ang sarili niya sa pagiging plantita. Marami siyang halaman pero hindi naman siya nagbebenta. Panglibang lang niya ‘yun sa maghapon, ano nga naman ang gagawin niya, matutulog at kakain lang siya sa buong araw?

“May inaayos siya ngayon na property sa probinsiya nila, kapag nagkaayos sila ng mga buyers, e, wala na siyang iintindihin pa. Malaking halaga ang pagbebentahan niya.

“Sobra-sobra pa ang halagang ‘yun sa mga pangangailangan niya, sa totoo lang, marami pa siyang matutulungan. Alam n’yo naman ang lola n’yo kapag may hawak na datung, namumudmod siya, wala sa bokabularyo niya ang karamutan.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sa dami ng mga natulungan niya nu’ng sumasargo ang datung niya, meron mang nakalimot sa kanya, e, meron pa rin namang marunong tumanaw ng utang na loob. ‘Yun ang mga tumutulong sa kanya ngayon.

“Super-love pa rin siya ng mga faney niya, super-inaasikaso at inaalala pa rin siya, kaya hindi siya dapat kaawaan ngayong pandemya,” pagtatapos ng aming source.

Pacquiao bitbit ang problema kay Jinkee

Kung paniniwalaan natin ang mga kuwentong umiikot ngayon sa mundo ng politika ay walang dudang kakandidato nga sa panguluhan si Senador Manny Pacquiao. Wala na raw makapipigil pa sa Pambansang Kamao.

Buong tapang niyang tatanggapin ang hamon ng pakikipag-agawan sa pinakamataas na posisyon sa ating pamahalaan. Meron siyang bilyones na gagastusin sa kampanya, pinaghandaan na pala ni Pacman ang kakaibang laban na ito sa kanyang buhay, kumbaga ay wala nang urungan ang pagkandidato niya bilang presidente ng Pilipinas.

Maraming nagpapayo sa Pambansang Kamao na huwag nang tumakbo, ang mundo nga naman kasi ng politika ay hindi naman idinadaan sa lakas ng mga suntok, kundi sa malawak na kaalaman sa pagseserbisyo-publiko.

Marami ring nagkokomento na malaking bitbit na problema ni Pacman kung sakali ang kanyang misis na si Jinkee na kinaiinisan ngayon ng ating mga kababayan dahil sa tahasang paglalantad ng kanilang kayamanan.

Paano raw makukuha ni Senador Manny ang simpatya ng publiko kung ganyan na panay-panay naman ang pagbubuyangyang ng kanyang misis sa bilyones na meron ang kanilang pamilya?

Ngayon pa lang diumano ay ganyan na ang atake ni Jinkee, paano pa kapag mas tumaas ang posisyon ng kanyang mister, di lalo na?

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Intindihin na lang natin si Aling Jinkee. Ganyan talaga kapag matagal na pinagdamutan ng kapalaran, kapag nagkaroon, hindi na malaman ang gagawin para ipamukha sa mundo na ibang-iba na siya ngayon!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.