Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality nilalayasan ng mga kasambahay

0 149

Mabilis magpalit ng kasambahay ang isang popular na female personality. Naikot na niya ang halos lahat ng mga ahensiya sa kakukuha ng maid pero walang nagtatagal sa kanyang poder.

Sagana naman sila sa pagkain, kitang-kita naman ang ebidensiya dahil lumalaki ang katawan ng mga kasambahay, kaya nasaan kaya ang problema?

Kuwento ng aming source, “Super-dami na niyang nagiging kasambahay, daan-daan na nga siguro mula nu’ng magkaroon na siya ng sariling bahay, pero mabilis din siyang iniiwan.

“Ang iba, six months lang, e, umaalis na, ang iba naman, wala pang tatlong buwan, tumatawag na sa agency nila para magpapalit!

“Natural, nahihirapan siyang humanap ng kapalit dahil kumalat na sa mga ahensiya ang problema sa kanya ng mga nakukuha niyang kasambahay!” unang kuda ng aming impormante.

Kung nakasusuweldo naman nang nasa tamang oras ang mga maids, kung hindi naman sila nagugutom, ano ang nagiging problema?

Patuloy ng aming source, “Isa lang ang sinasabi ng mga dati niyang kasambahay, natatakot sila sa puwedeng mangyari. Hindi raw sila takot sa multo, sa taong buhay sila natatakot.

“May mga times naman pala kasing ang mismong boss nila ang nananakot sa kanila. Meron daw nakikitang mga kaluluwa sa kanyang house ang female personality!

“May mga panahon ding binubulabog sila sa intercom ng female personality para lang sabihan na may nakita siyang mga pumasok na lalaki sa kanilang bakuran!

“Pati ang mga guards sa kanilang subdivision, inaabala rin niya, tawag siya nang tawag na meron daw mga taong umiikot sa bahay niya! Nagtatalo sila ng mga guards!

“Walang makapapasok sa subdivision nang hindi dumadaan sa gate, wala namang nakikita ang mga guwardiya! Pero ‘yon ang ipinipilit ng female personality, meron daw! So, sa sobrang takot ng mga kinukuha niyang kasambahay, e, nagpapaalam na lang sila para makaiwas sila sa puwedeng mangyari.

“Parang lukring na raw kasi ang boss nila, nakakatakot na ang mga pinagsasasabi, kaya umaalis na lang ang mga kasambahay! Nakakaloka nga naman ang ganu’n!

“Kung bakit naman kasi hindi pa ipadoktor ng mga syupatembang niya ang female personality para magkaalaman na!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Celeb na nakipag-away sa kampanya bawas endorsement

Ano nga kaya ang nakatakdang mangyari sa mga personalidad na may minamanok na kandidato ngayon pagkatapos ng halalan?

Maapektuhan kaya nang todo ang kanilang career dahil balitang nag-usap-usap na ang mga ahensiyang kumukuha ng mga artistang tagapag-endorso ng kanilang mga produkto?

Ayon sa aming source ay may mga personalidad na siguradong dadaan muna sa mahabang proseso bago magkaroon ng trabaho pagkatapos ng eleksiyon.

Ang tatamaan ay ang mga personalidad na hardcore kung tawagin, ‘yong mga artistang lantaran kung sumuporta sa minamanok nilang kandidato sa panguluhan, lalo na ang mga mahilig makipag-away.

Sabi ng aming source, “Negosyo ang concern ng mga ahensiya, nagpapa-survey pa nga sila kung sino ang malakas na endorser, di ba? Marami silang pinagpipilian.

“Pero dahil sa election, magiging mahigpit sila sa pagkuha ng endorser, mabusisi ngayon ang pagpili, dahil tinatatakan ng mga consumers ang mga artistang nakikipag-away nang dahil sa politics,” pahayag ng aming kausap.

Maraming dating endorsers ang mababawasan ng trabaho, sayang na oportunidad dahil malaki pa naman ang kinikita nila sa pag-eendorso ng mga produkto sa publiko.

Abangan natin ang magaganap pagkatapos ng eleksiyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.