Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality niligwak ng network

0 778

Marami rin palang isyu at mga kuwento tungkol sa isang female personality na hindi na ni-renew ng kanyang istasyon ang pananatili niya sa nasabing bakuran.

Hindi na nagtaka ang maraming production people sa network kung bakit hindi na siya binigyan ng renewal, marami silang alam na dahilan, kaya ganu’n ang naging kapalaran ng female personality.

Kuwento ng isang source, “Daldakina kasi ang babaeng ‘yun! Kapag nalangisan ang dila, e, dire-diretso na siya sa pagkuda! At ang nakakaloka pa, e, kung kani-kanino siya nagsasalita!”

Matanong ang female personality sa mga namamahala ng produksiyon. Pinasimpleneg termino sa mapaghanap. At pinapansin niya ang mga baguhang actress lang na nabibiyayaan ng mga trabaho.

Patuloy ng aming impormante, “Ganu’n siya, maraming hanash. Marami siyang tanong kung bakit ang palaging nagkakaroon ng mga projects, e, ang mga baguhang artista ng network?

“Buti nga at mababait pa ang nakakausap niya, kung gusto siyang diretsahin ng mga ‘yun para magtigil na siya, e, puwede naman! Pero hindi ‘yun ginagawa ng mga nakakarinig sa pagkuda niya!

Puwede namang sabihin sa kanya ng mga ‘yun na kasi, e, may pakinabang ang network sa mga baguhang stars, sila ang uso ngayon at siya, e, napaglipasan na ng panahon!

“Gusto pa ba niyang marinig ang mga ganu’ng salita? Magaling nga siyang umarte, e, kung hindi naman nagre-rate ang mga shows na nandu’n siya, bakit pa nga naman siya ire-renew ng network?” dagdag na kuwento pa ng source.

Ilang taon na ang nakararaan ay nagkaroon ng kuwento tungkol sa pagiging bilmoko ng female personality. ‘Yun ang reklamo ng mga naging karelasyon niya.

Balik-kuwento ng aming source, “Siya ‘yun, di ba? Mahilig siyang magpabili ng kung anu-ano sa guy! Materialistic ang tawag sa kanya ng mga katrabaho niya.

SM food to go Banner Ad

“Natupad naman ang pagiging ganu’n ng girl, di ba, dahil richie-richie ang boyfriend niya ngayon? Wala man siyang kontrata, e, nakasandal naman siya sa pader!” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay.

Willie dedma sa Senado

Sa loob lang nang sampung minuto ay milyones agad ang nakalap na halaga ni Willie Revillame para maipangtulong sa pagkasunog ng Philippine General Hospital.

Apat na milyon ang nailambing niya sa kanyang mga sponsors sa Wowowin-Tutok To Win, nakulangan siya sa halagang apat na milyon, kaya siya ang nagpuno para maging walong milyon ang tulong-donasyon nila sa PGH.

Kuwento ni Willie nang magkausap kami, “Nakita ko kasi ang mga batang natutulog na lang sa corridor, awang-awa ako sa kanila, maysakit na nga, nasunog pa ang ospital.

“Mabuti na lang at nailipat sila agad sa chapel, mabilis magdesisyon ang mga doktor ng PGH, kaya medyo umayos ang sitwasyon nila,” seryosong sabi ng aktor-TV host.

Agad-agad siyang gumawa ng sarili niyang telethon, una niyang tinawagan si Sam Versoza at si RS Francisco, ang mga may-ari ng Luxxe White, hindi pa siya natatapos sa kanyang paliwanag ay agad nang sumagot ang magkaibigan.

“Walang problema, Kuya Wil, tutulong tayo sa kanila, go kami d’yan,” sabi nina Sam at RS. Sumunod pa ang dalawang sponsors niya na agaran ding sumagot sa tig-isang milyong ayuda sa ospital.

Nagbigay rin ang WR Productions niya nang isang milyon, sa sarili niyang bulsa ay nagdagdag pa siya nang apat na milyon, kaya nang sumunod na araw ay personal niyang ibinigay sa dalawang doktor ng PGH ang nalikom niyang tulong.

Sabi ng kaibigan naming tumawag, “May nakalaan nang isang upuan para kay Willie sa Senado sa susunod na eleksiyon. Napakaganda talaga ng puso niya.”

Nang sabihin namin ‘yun kay Willie ay parang hindi niya naman kami pinansin, parang wala siyang narinig, deadma lang ang aktor-TV host.

Leave A Reply

Your email address will not be published.