Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality OA ang depresyon; apektado ang trabaho, ayaw magpayakap

0 138

Nu’ng pumutok pala ang pagsisimula ng pandemya ay naapektuhan nang todo ang isang female personality. At ganu’n pala siya palagi. Magkaroon lang ng kaguluhan sa ibang bansa ay siguradong tatamaan na siya ng depresyon.

Kahit ano na lang. Kahit konting problema lang ay sobra na siyang namomroblema. Para bang direktang apektado ang bansa natin, ang kanyang personal na buhay, kaya depresyon agad ang nararamdaman niya.

Kuwento ng aming source, “Parang OA na ang emotion niya, pero siya ‘yon, e! Talagang siya na ‘yon, kaya ano nga ba ang magagawa natin? Meron ba?

“Kunwari, nabalitaan niya na nagkaroon ng barilan sa isang school sa ibang bansa at maraming namatay, naku, apektado na siya du’n! Iniintindi na niya ‘yon!

“Kunwari, nalaman niya ang balitang may mga namatay sa lindol at sa baha, reason na ‘yon para siya matakot, ma-stress, hanggang sa mauwi na ‘yon sa depression!” unang sultada ng aming source.

Maganda naman sana ang kanyang ugali, mapuso ang female personality, kahit hindi nangyayari sa kanya ang nagaganap ay nasasaktan siya.

“Wala namang problema dun, e! Nice nga siya, di ba? Kahit sa ibang bansa nangyayari ang problema, naaapektuhan siya. Kumbaga, concerned siya, may pagmamahal siya sa bawat tao.

“Pero sana naman, e, walang naaapektuhan sa pagiging depressed niya! Sana, kapag naaapaktuhan siya, e, umiikot pa rin ang mundo niya!

“Kaso, hindi ganu’n ang nangyayari, e! Kapag depressed siya, humihinto rin ang ikot ng mundo ng mga taong close sa kanya! Pati ang work niya, affected din!

“Ma-depress ba dahil may namaril sa eskuwelahan sa ibang bansa na ikinamatay ng mga estudyante? Tama lang na malungkot tayo, pero hindi dapat maapektuhan ang buhay natin!

“Pati ang pakikipagrelasyon niya, e, apektado rin! Ayaw niyang magpayakap, ayaw niyang magpalambing, depressed kasi siya!

“Ayaw niyang magtrabaho, ayaw niyang kumilos, kasi nga, masyado siyang stressed at depressed! Naku, ha? Stop me (tigilan ako!)!

“Tigilan na niya ang kagaganyan at baka mas ma-depress siya kapag nawalan na siya ng trabaho! Baka maubos na ang mga tao sa tabi niya dahil sa maling-mali niyang depression!

“Puro hugot pa naman ang mga lyrics na kanta niya! Puro kasawian, kalungkutan, ipaubaya na niya sa mga leaders ng ibang bansa ang ikinade-depress niya!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Leave A Reply

Your email address will not be published.