Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality OA sa kaartehan

0 154

Hanggang ngayon ay naaalala pa rin ng mga dating kasamahan ng isang pamosong female personality ang kanyang mga kaartehan.

Wala kunong kupas ang pagiging temaarts ng babaeng personalidad.

Walang-wala pang pandemya ay kumpleto na siya sa mga pang-spray para hindi siya mahawa ng sakit sa kanyang mga katrabaho, sagana rin sa spray ang kanyang dressing room, OA ang tawag sa kanya ng mga tao sa paligid.

Kuwento ng aming source, “Hindi lang siya maarte, show-off pa siya, nakakaloka ang mga kadramahan niya! Imagine, maghapon lang ang taping niya para sa mga episodes ng kanyang game show, e, para na siyang lilipat ng tirahan?

“Nakakaawa naman ang driver at mga PA niya, tatlong balik na sila sa van ng madam nila para kunin at ipasok ang mga dala-dala niyang kagamitan, pero meron pa rin pala silang nakakalimutan?

“Nakakaloka siya! Para rin siyang magtatayo ng restaurant habang nagte-taping dahil sa dami ng mga dala-dala niyang kitchenware!” madiing unang kuwento ng aming impormante.

Bago dumating ang female personality sa kanyang dressing room ay nakapag-spray na ang kanyang advance party sa buong kuwarto. Walang makapapasok du’n, ang kanilang madam lang, dahil maselan ang kanyang pang-amoy.

Patuloy ng aming source, “Meron nang mauunang staff niya sa studio, aaregluhin na niya ang dressing room ng madam niya. Kung ano ang trip na scent ng female personality, ‘yun ang gagamiting spray ng PA niya. Hindi siya puwedeng magkamali, matulis ang ilong ng madam niya, kabisado ng female personality ang amoy ng lahat ng pang-spray!

“Sumisikip ang dressing room dahil sa dami ng dala-dala niyang kagamitan. Ang sangkaterba niyang branded shoes, ang mga damit niyang isusuot, kaya sa CR na inilalagay ang mga kitchenware!

“Wala nang mapaglugaran ang production staff niya, hanggang pintuan na lang ang girl na nagsasabi sa kanya kung ano ang mangyayari sa show, nilalakasan na lang niya ang pagsasalita para marinig ng female personality na abalang-abala naman sa pagpapa-make-up!

“Nakakaloka siya. Naaalala pa rin ‘yun hanggang ngayon kahit ng mga security guards. Hindi na nila makakalimutan ang mga kaartehan ng female personality.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sabi pa ng aming miron, sa sobrang kalinisan kuno ng female personality, e, ayan, nawalan na siya ng anti-bodies, naging masasakitin tuloy siya!” pagtatapos ng aming impormante.

Chavit kay Pacquiao: ‘Mauubos lang ang pera niya’

Ang dating napakagandang pagkakaibigan nina Senador Manny Pacquiao at dating Governor Chavit Singson ay napakaasim na pala ngayon. Sanggang-dikit sila dati.

Tuwing may laban ang Pambansang Kamao ay isa ang politiko sa makikitang nakasuporta sa kanya. Pero sira na pala ang kanilang samahan, ramdam na ramdam sa pagsasalita ni Governor Chavit ang matinding sama ng loob kay Pacman, diretso ang kanyang pagsasalita.

“Mauubos lang ang pera niya. Hindi siya mananalo, kulang na kulang siya sa kaalaman,” isa lang sa mga naging pahayag ng dating kaibigan-tagasuporta ng senador-boksingero.

Sa pinakahuling pakikipagsagupaan ng Pambansang Kamao kay Ugas kung saan siya natalo ay kapansin-pansin na wala na sa ring ang mga kaibigan niya.

Isang source ang nagsabi, “Si Coach Freddie Roach at si Buboy Fernandez na lang ang nandu’n, pero ang mga kaibigan niya dating todo ang pagsuporta sa kanya, e, wala nang lahat.

“Nagbaklasan na sa kanya, kasama na du’n si Governor Chavit. Nagkaroon sila ng problema kay Pacman, may mga naging pagbabago na hindi ma-take ng grupo,” komento ng source.

Pero ang pinakabukas ang bibig sa pagbibigay ng komento ng pagkontra sa pagtakbong pangulo ni Pacman ay si dating Governor Chavit.

“Sana, hanggang may panahon pa, e, ma-realize niya na walang mangyayari sa pagtakbo niyang presidente. Mauubos lang ang pera niya,” markadong pahayag ng politiko.

Walang forever.

Leave A Reply

Your email address will not be published.