Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality pasaway sa boss

0 190

Negang-nega ngayon ang isang kilalang female personality sa social media. Mula umaga hanggang gabi ay puro pamba-bash ang kanyang kinakain.

Walang nakikitang positibo sa kanya ang mga netizens, lalo na ang kanyang mga bashers, dahil sa mga negatibo ring pinagsasasabi niya.

Pero bago magalit nang husto ang mga kababayan natin sa nagpapakanegang female personality na ito ay balansehin muna natin ang kuwento.

Unang kuwento ng aming source, “Matindi kasi ang insecurity ng babaeng ‘yun! Wala siyang tiwala sa sarili niya. Kapag nananalamin siya, ang tingin niya sa itsura niya, e, walang itinatagong ganda!

“’Yun ang dahilan kung bakit nega rin ang takbo ng isip niya, mas madalas na lumalabas ang pagka-insecure niya!” komento ng aming impormante.

Matigas ang ulo. Maldita. Suplada. May sariling mundo. Walang pakialam sa kapwa niya. Lahat na yata ng mga negatibong katangian ay ikinukulapol na sa babaeng personalidad.

Patuloy ng aming source, “Hindi ba, ganu’n naman talaga ang mga insecure na tao? May defense mechanism agad sila? So, para hindi mapansin ang pagka-insecure nila, ang inaakala nilang kapintasan nila, e, inuunahan na nila agad ‘yun ng pagmamaldita!

“May pangharang agad sila sa kapintasan na puwedeng ibato sa kanila. Ganu’n ang female personality na ‘yun! Depensa niya ang pagmamaldita, kahit ayaw niyang magsuplada, e, ginagawa niya dahil sa tindi ng insecurity niya!” madiing paglalarawan pa ng source sa malditang female personality.

Marami ring magpapatunay na may katigasan ang ulo ng babaeng personalidad. Kung ano ang ipinapayo sa kanya ng mga nag-aalaga ng kanyang career ang mismong ginagawa niya.

Sabi uli ng aming impormante, “Palagi siyang ganu’n. kung ano ang ayaw ipagawa sa kanya ng mga boss niya dahil makasisira sa career niya, e, ‘yun pa ang gustung-gusto niyang ginagawa!

“Pinagbawalan siyang huwag labas nang labas, huwag nagbababad sa bar, huwag kung saan-saan nagpupunta dahil makakaapekto ‘yun sa pagkasabik ng publiko sa kanya, pero ‘yun pa talaga ang ginagawa niya!

“Ano ngayon ang sigaw ng mga netizens, lalo na ng mga trolls at bashers niya? Wala na nga siya sa gitna ng aksiyon, laos na siya, pero mayabang pa rin siya!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Noynoy naintindihan si James

Isandaang porsiyentong nakuha ni James Yap ang paghanga ng ating mga kababayan sa ginawa niyang pagbibigay ng respeto sa pumanaw na dating Pangulong Noynoy Aquino.

Alam ng publiko ang naganap sa relasyon nila ni Kris Aquino, hindi maayos ang kanilang hiwalayan na nauwi pa nga sa husgado, pero kinalimutan ‘yun ni James dahil ang nangibabaw sa kanya ay ang pakikidalamhati sa pamilya at paghahandog ng pinakahuling pagrespeto sa dating pangulo.

Nagpunta sa huling misa at libing si James pero hindi na siya lumapit sa naulilang magkakapatid, maganda na sanang tiyempo ‘yun para makita niya ang kanyang anak na si Bimby na sabik na sabik na siyang makita-mayakap, pero para kay James ay hindi ‘yun ang tamang panahon.

Habang nagmimisa sa Ateneo church ay nasa bandang likuran lang siya. Maraming news reporters na lumapit para siya mahingan ng pahayag pero marespeto siyang nakiusap na huwag na lang. Tahimik lang siyang nakiramay.

Pinatunayan ng isang kaibigan ni James na naging mabuti sa basketbolista ang pumanaw na dating pangulo. Naging magulo man ang kanilang pagsasama ni Kris ay hindi nagbago ng pakikitungo sa kanya si P-Noy.

“Lalaki silang nag-usap. Naintindihan ni P-Noy ang saloobin niya. walang nagbago sa kanilang samahan kahit pa hindi sila nagkikita.

“May mga times nu’n na niyayaya siya ni P-Noy sa firing range. Pero ayaw ni Kris. Basketball daw ang expertise niya, hindi naman pagbabaril.

“Naging mabuti talaga sa kanya si P-Noy, kaya bilang pagbabalik ng respeto at pasasalamat, nakiramay siya at nakipaglibing,” sabi ng basketbolistang kaibigan ni James.

Umaapaw ang paghanga ng mga kababayan natin ngayon kay James Yap. Ang ganu’ng pagpapakumbaba ay hindi makikita sa lahat ng tao.

Alam ni James Yap na ang nakaraan ay karugtong ng ngayon. Maging ng kinabukasan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.