Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality pinabura ang mukha ng ex-dyowa

0 260

Sa pag-alala ng isang source ay muling nabuksan ang kuwento tungkol sa relasyon ng mga personalidad na nagkakaedad na. Sila ang dating nagmamahalan, pero nagkahiwalay sila, nagkani-kanyang buhay na ang mga kilalang personalidad.

Napag-iwanan ang karera ng lalaki dahil hanggang ngayon ay aktibo pa rin ang babae sa kanyang propesyon. Kilalang-kilala pa rin siya at hinahangaan sa kanyang linya.

Kuwento ng source, “Naku, sobra ang galit nu’ng babae sa lalaki! Nalaman niya kasi ang mga milagrong pinaggagagawa ng karelasyon niya, kaya ayun, pinalabas siya sa pintuan ng bahay nila!” unang sultada ng aming impormante.

Mahilig sa sining na biswal ang female personality. Gumagastos siya talaga sa sobrang pagkahilig sa mga paintings.

Patuloy ng aming impormante, “E, meron siyang ipinakomisyon na obra sa paborito niyang painter, magkasama sila sa kuwadro ng male personality na ginawa nu’ng magkasama pa sila.

“Kinausap ng female personality ang painter, pinagagawan niya ng paraan na mabura ang mukha ng male personality sa painting! Ayaw na ayaw niyang nakikita ang hilatsa ng pagmumukha ng dati niyang karelasyon.

“Natural, nahirapan ang pintor sa gustong mangyari ng female personality, pero nagawan pa rin naman ‘yun ng paraan. Nawala sa frame ang male personality,” patuloy na kuwento ng aming source.

Binura nang lahat ng kilalang female personality ang anumang alaalang naiwanan sa kanya ng lalaking personalidad. Hindi na ito nag-e-exist para sa kanya.

Dagdag na kuwento pa ng aming impormante, “Lahat ng kagamitan ng male personality, e, ipinakuha sa kanya ng girl. Walang-walang naiwanan sa dati nilang tirahan.

“Talagang ayaw na niyang maalala pa ang kanilang nakaraan, kaya nga pati ang mukha niya sa painting, e, ipinabura na ng babae.

“Talagang ayaw na niyang makita pa ang itsura ng male personality magpakailanman. As in, magpakailanman,” pagtatapos ng aming source na napapailing.

Alden, Maine biktima ng pamemeke ni Jay

Parang pusa rin pala ang beteranong broadcaster na si Jay Sonza. Marami siyang nakareserbang buhay. Ilang ulit na siyang nakuryente pero nandito pa rin siya.

Siya ang tinatawag na King Of Fake News ngayon sa social media. Ang kanyang queen daw ay si Mocha Uson.

Ewan kung sinu-sino ang impormanteng naghahatid kay Jay Sonza ng mga inilalabas niyang balita sa FB na karamihan ay kuryente.

Wala sa tamang hulog ang kanyang mga scoop daw, palaging fake, maraming beses na siyang napapahiya pero patuloy pa rin siyang nagpapasabog ng mga kuwentong sunog.

Bago ang pinasabog niyang balita na nagdadalantao si Julia Barretto kortesiya raw ni Gerald Anderson ay una na niyang inilabas ang super-kuryenteng kuwento tungkol kina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ayon kay Mang Jay ay nagpakasal na raw ang dalawa, nanganak na raw ang Dubsmash Queen, Theo raw ang pangalan ng kanilang supling. Kung saang puno ng sampalok niya nadalirot ang pekeng balitang ‘yun ay si Mang Jay lang ang nakakaalam.

Ginawan din niya ng kakaibang anggulo ang pinagdaanang masaklap na kapalaran ni Kim Chiu nang pagbabarilin ang van ng aktres. Meron siyang inilabas na kuwentong naging dahilan ng pang-uupak sa kanya sa social media.

Tapos ngayon ay heto na naman. Laban-bawi si Mang Jay, pagkatapos niyang siguruhing nagdadalantao at hindi baog sina Julia at Gerald ay bigla niyang sinabing binabawi niya na ang kuwento, napaaga raw ang kanyang sultada.

Paano siya hindi puputungan ng korona ngayon sa social media bilang King Of Fake News? E, puro maling balita nga ang ipino-post niya sa kanyang FB?

Galing pa naman si Mang Jay sa departamento ng bulwagang-pambalitaan na kailangang tumpak at hindi kuryente ang mga inilalabas nilang balita.

Anyare?

Leave A Reply

Your email address will not be published.