Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality pinadalhan ng bulaklak, lobo ang sarili

0 71

Huwag na ang mga bashers, huwag na rin ang mga trolls, kapag lantarang nagsalita ang kampo ng isang kilalang male personality ay maraming rebelasyon ang mauungkat.

Hindi nila gusto ang sobrang paniniwala ng isang pamosong female personality na kagamit-gamit pa rin siya hanggang ngayon. Sa kabila ng naganap sa kanyang career ay buung-buo pa rin pala sa kanyang isip na isa siyang mabisang paraan para mapag-usapan ang kahit sino.

Kuwento ng aming source, “Naku, kung hahaba pa nang hahaba ang isyung ito, e, maraming lihim na hahanguin mula sa baul ng alaala! Ang magiging ending nito, e, ang girl ang magiging kahiya-hiya!

“Napakaraming kuwentong hindi lumabas, alam niya ‘yun, dahil hindi naman kiss and tell ang lalaki. Siya lang naman ang palaging kumukuda!” unang reaksiyon ng aming impormante.

Sa totoo lang ay kakaunti lang naman ang naniniwalang nagkaroon ng relasyon ang male personality at ang babaeng bilib na bilib sa kanyang sarili.

Hindi naman kasi madaldal ang lalaki, kapag may pinalutang na kuwento ang babae ay panay ngiti lang naman ang isinasagot nito, kaya maraming naniniwala sa mga kuda ng babae.

Patuloy ng aming source, “Bigla tuloy naalala ng isang source na friend ko ang mga kiyemeng flowers and balloons na ipinadadala sa kanya ng guy.

“Kahit walang okasyon, kapag naisipan niyang padalhan ng bulaklak at lobo ang sarili niya, e, ginagawa niya! Ipino-post niya ‘yun sa IG niya! Natural, may mang-uusisa sa kanya kung sino ang nagpadala sa kanya!

“Alangan namang sabihin niyang siya lang ang nag-order ng mga flowers and balloons? Nakakahiya ‘yun! So, ang ikukuda niya, e, si ganito at ganyan ang nagpadala nu’n sa kanya!

“Kaya kapag natatanong ang guy kung totoong pinadalhan nga niya ng flowers and balloons ang girl, e, idinadaan na lang niya ‘yun sa pagtawa at pag-iwas sa topic!

“Hindi niya naman kasi puwedeng sabihin na wala siyang ipinadala at ang girl lang ang nagsabi nu’n! Nakakahiya! Umoorder siya ng mga bulaklak at lobo, pinalalabas niyang ipinadala sa kanya ng kung sino, samantalang alam niya namang hindi?

SM food to go Banner Ad

“Nakakalukring, di ba naman? May bakuna ba para sa mga ilusyunada?” tawa na lang nang tawang pagtatapos ng aming source.

Angel, Ai- Ai pinahamak ng dating TV host

Nalagay sa alanganin si Angel Locsin dahil lang sa pagpapadala niya ng mensaheng ipinost ni dating Mayor Herbert Bautista tungkol kay Kris Aquino.

Nagmagandang-loob lang naman ‘yung tao na iparating sa kanyang ate ang mensahe dahil walang Twitter account ito pero siya pa ngayon ang bina-bash.

Tinatawag na Maritess ngayon si Angel, may nagsasabi ring laos na kasi siya, kaya ganyan na lang ang pinagtutuunan niya ng oras ngayon.

Alas singko nang madaling-araw nang matanggap ni Kris ang mensahe ni Angel nang mag-CR ito, weird daw si Angel dahil nang sumagot ito ay gising pa rin si Angel, kasabay ang tanong kung puwede bang sabihin nitong siya ang nagpadala ng tweet?

Nabasa ‘yon ng publiko, kaya agarang may mga nagkomento na nakakatakot magsalita kay Kris, dahil inilalaglag nito ang kanyang source.

Sabi ng isang source, “Ang matinding away nila ni Ai-Ai delas Alas, hindi ba ang panglalaglag niya ang dahilan? Kung anu-anong paninira kay James Yap ang isinusumbong niya, ano raw ba ang dapat niyang gawin?

“Natural, mag-BFF sila, ang sinabi ni Ai-Ai, kung hindi na siya maligaya, e, isoli na lang niya si James sa biyenan niya!

“Ayun! Nu’ng nagkasundo sila ni James, e, inilaglag niya si Ai-Ai! Tinawagan ni James si Ai-Ai, bakit daw kung anu-ano ang isinusulsol niya kay Kris? Ganu’n lang kasimple ‘yon, nakakatakot siya, ikaw na tumulong pa ang mapapasama!” madiing sabi ng aming source.

At ngayon nga ay si Angel Locsin din ang napasama. Kung anu-anong negatibong salita ang ipinakakain ngayon sa aktres, miyembro na raw siya ng tropa ni Maritess, samantalang wala namang negatibong intensiyon si Angel nang ipadala niya ang mensahe ni Mayor Herbert kay Kris.

Leave A Reply

Your email address will not be published.