Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality pinagbintangang ilusyunada

0 232

Nagkakaisa ang mga netizen sa opinyon na hindi maganda para sa isang kilalang male personality ang ginawang rebelasyon ng isang female singer na naging magdyowa sila.

Una ay ilang dekada na pala ang kuwento pero ngayon lang nagsalita ang female singer. Sana raw ay itinago na lang ‘yon forever ng girl.

Kuwento ng aming impormante, “Nakakaawa naman ‘yong male personality. Nananahimik na nga ‘yong tao, pero ayan, hinihusgahan na naman siya nang walang humpay!

“Talagang kahit yata sino ang maugnay du’n sa male personality, e, ganyan ang kauuwian ng istorya. Walang gustong maniwala,” napapailing na unang kuwento ng aming source.

Bukod sa pinagtawanan na ang ginawang rebelasyon ng female singer ay pinagbintangan din siyang ilusyunada. Hindi raw totoo ang kanyang sinabi, magkaibigan lang daw sila, pero pinalabas niyang naging magdyowa sila.

Patuloy ng aming source, “Bakit wala namang kaingay-ingay ang relasyon nila kung totoo nga ‘yon? Saka sikat na sikat ang male personality that time, bakit itinago ng girl ang relasyon nila?

“PInagbibintangan tuloy siyang ilusyunada ngayon! Gawa-gawa lang daw niya ang kuwento para mapag-usapan siya! Ang nakakaawa, e, ang guy, nakakalokah ang mga comments tungkol sa kanya sa social media!

“Ano raw ang nangyari nu’ng sila pa? Hirap na hirap daw siguro ang guy na itirintas siya, kasi nga, napakaigsi ng hair niya!

“At least daw ‘yong isa pang kilalang female personality na na-link sa guy, e, naititirintas niya dahil mahaba ang hair! ‘Yon ang napala ng male personality dahil sa revelation ng singer na ‘yon!” sabi pa ng aming source.

Nakakalungkot lang na parang hindi nga naniniwala ang publiko kung magkaroon man ng girlfriend ang kilalang male personality. Masyado nang tumatak sa kanyang imahe ang hindi pakikipagrelasyon sa babae.

Huling mensahe ng aming source, “Lalo na nu’ng maglabas din ng revelation ang isang becki personality tungkol sa naging past nila pero iniba lang ang name niya. ‘Yon na ang the height talaga, nakakaawa naman siya!”

Angeline ‘manganganak’ sa Amerika

Sa kabila ng pananahimik ni Angeline Quinto tungkol sa pinagpipistahan niyang pagdadalantao ngayon ay may mga kampong nagpapatotoo na nasa ganu’ng sitwasyon nga siya ngayon.

Kapag tinatanong si Erik Santos, napabalitang naging boyfriend niya nu’n ay puro ngiti lang ng pag-iwas ang ginagawa nito. Walang anumang ibinibigay na impormasyon ang magaling na singer.

Pero may mga impormanteng nagpapatotoo na nagdadalantao nga si Angeline Quinto. Magsasalita rin daw siya sa tamang panahon para panindigan ang mga kuwentong lumalaganap ngayon.

Nauna nang lumabas na ang boyfriend ng magaling na singer ay nagtatrabaho sa isang hotel-casino. Kababata raw niya ito sa Sampaloc kung saan siya lumaki.

Ayon pa sa source ay tatapusin lang munang lahat ni Angeline ang kanyang mga kompromiso, meron pa siyang mga concerts ngayong Disyembre, pagkatapos nu’n ay bibiyahe na raw siya sa Amerika para du’n hintayin ang kanyang panganganak.

Kakambal ‘yon ng kuwentong ibinebenta na niya ang kanyang bahay ngayon, bibitiwan na niya ang bahay dahil matagal siyang mananatili sa Amerika, ‘yon ang mga kuwentong umiikot ngayon.

“Wala namang problema kay Angge, wala naman siyang sabit, dalaga naman siya. ‘Yong guy ang questionable. Mukhang pamilyado na ang guy,” madiing banggit pa ng aming source.

Ang lahat ng mga kuwentong ito ay mananatiling walang kumpirmasyon hanggang hindi pa nagsasalita si Angeline Quinto tungkol sa kanyang sitwasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.