Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality pinahiya ang dyowa sa politiko

0 125

Walang hiwalayang nagaganap sa isang iglap lang. Hindi totoo ang ganu’ng break-up. Mahaba ang pinagdadaanan ng hiwalayan, maliit lang sa una hanggang sa lumaki na, kasunod na ang pagputok na parang bomba.

Ayon sa mga impormanteng may malalim na alam tungkol sa hiwalayan ng isang female personality at ng kanyang non-showbiz boyfriend ay ilang linggo na pala silang nagkakaroon ng diskurso.

Nagsimula diumano ‘yon nang magpunta sila sa isang malayong probinsiya, madalas kunong ipahiya ng babae ang kanyang karelasyon sa harap ng ibang politiko, pero pinalalampas na lang ‘yon ng lalaki.

Kuwento ng aming source, “Ganu’n naman palagi ang girl sa mga karelasyon niya, di ba? Wala namang nakalampas sa kanya sa pangpapahiya kahit maraming tao sa paligid nila!

“’Yong isang ex niya, kapag naaalala raw kung paano siya ipinapahiya nu’n ng female personality, e, kinikilabutan pa rin! Hindi niya makalimutan ‘yon!

“Marami kasing karanasan ‘yong guy sa girl, puro pagpapahiya sa kanya ang ginagawa ng babae, kaya ayun, nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila!

“Ito namang pinakahuli niyang karelasyon, e, pinalalayo niya kapag lumalapit sa kanya! Ewan kung ano ang dahilan niya, pero basta lumalapit na kuno ang guy sa kanya, e, pinalalayo niya!” unang rebelasyon ng aming source.

E, hindi naman basta-basta ang lalaking personalidad, nirerespeto ito sa kanyang hanay, kaya maraming nagugulat sa mga ginagawa sa kanya ng female personality.

Patuloy ng aming source, “Hindi na siguro puwedeng sabihin na ang mga exes niya ang mali sa mga nangyari sa kanila nu’n! Pare-pareho kasi ang kuwento nilang lahat!

“Hindi na nila kinaya ang pagiging too bossy ng girl, ang mga kapritso niya, kaya sa hiwalayan nauuwi ang lahat! Wala naman kasing lalaking papayag na ander-anderin na lang sila nang paganu’n ng babae, di ba?

“Ang kailangan pala ng girl na ‘yon, e, magpagawa siya ng robot na boyfriend! ‘Yong hindi magrereklamo, ‘yong sususian lang niya para pumayag sa lahat ng gusto niya!” inis na pagtatapos ng aming impormante.

SM food to go Banner Ad

KC, Sharon ‘di iniwanan ng mga yaya

May pinagmanahan si KC Concepcion sa pagiging mapuso sa kanyang pumanaw na dating yaya. Ramdam na ramdam ang kalungkutan ni KC sa pagtatawid ng kanyang huling mensahe sa kanyang Yaya Lina.

Hindi na bago ‘yon, si Yaya Luring na naging yaya ni Sharon Cuneta mula pagkabata hanggang sa pumanaw ay minahal na parang kapamilya na ng Megastar, ganu’n talaga silang magmahal ng mga kasambahay.

Sabi ng aming source, “Sa kanila na tumatanda ang mga kasambahay nila, hindi umaalis, hanggang sa mga huling araw nila sa mundo, inaalagaan sila ng pamilya.”

Nang pumanaw si Yaya Luring ay parang namatayan ng magulang si Sharon. Ilang linggong mugtung-mugto ang kanyang mga mata sa pagkawala ng mahal niyang yaya.

Kung ano ang ginagawa ng matanda ay ginagaya ng mga bata. Kung ano ang nakitang pagmamahal ni KC sa kanyang ina para kay Yaya Luring ay ganu’n din ang pagtrato nito sa kanyang Yaya Lina.

Sabi uli ng aming kausap, “Kahit sa blind item lang, wala kayong mababasang hindi maganda tungkol sa mga kasambahay ng mga Cuneta. Mababait talaga sila sa mga maids nila, parang family na ang turing nila.”

Sa kanila na inaabot ng kamatayan ang kanilang mga kasambahay, hindi sila iniiwan, napakagandang katangian ‘yon ng pamilya Cuneta.

“Lalo na si Sharon, kahit matanda na si Yaya Luring, isinasama pa rin niya sa mga shows niya abroad. Senyasan lang kasi, e, alam na nila ang ibig sabihin ng isa’t isa.

“Ibang klaseng magmahal ng mga kasambahay si Sharon at ang mga anak niya. masarap silang pagserbisyuhan. Low key. Pantay-pantay lang ang tingin nila sa lahat,” papuri pa ka Sharon ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.