Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality pinahiya ang staff

0 566

Ang mga salitang nabitiwan na ay hindi na maaaring bawiin pa. Nailuwa na ‘yun, napakawalan na, gumagaling ang literal na sugat pero ang sugat ng puso ay hindi.

‘Yun ang naging paksa nu’ng minsan ng mga nagpipistang taga-showbiz na ang tinutukoy ay isang kilalang female personality na akala mo ngumunguya lang ng bubble gum kung magpakawala ng mga salita.

Napakaraming kuwento tungkol sa babaeng ito, pero pinili na lang ng magkakatropa kung alin ang kanilang uunahin, ang dami-dami kasi.

Ang source na nagbuwena-mano ang nagkuwento, “Nu’ng minsang may nakasabay siya sa elevator, e, nagpakataklesa na naman siya. Nakita niyang branded ang suot na t-shirt ng isang production staff na nakasabay niya.

“Hindi talaga siya nakatiis, ‘Can I see the etiketa of your shirt?’ Nagulat ang kanyang kinalabit, napahiya sa ibang mga kasabay nila. Pero makulit ang female personality.

“Nu’ng ayaw ipakita ng staff ang etiketa ng t-shirt niya, e, si girl mismo ang nagbaligtad ng collar ng staff para makita niya ang etiketa.

“Maya-maya, e, sinabi niya, ‘It’s fake! Hindi original ang tees mo! It’s class A lang!’ Natural, pahiyang-pahiya ang staff sa mga nandu’n sa elevator!

“Ang ending, may work pa rin ngayon ang staff sa network, pero si female personality, wala na! Isinuka na siya ng istasyon!” napapailing na kuwento ng unang source.

Next sequence. Very generous ang imahe ng female personality na ito, palabigay siya ng mga regalo sa kanyang staff, at puro branded ang mga ipinamimigay niyang regalo.

Sabi naman ng ikalawang impormante, “Naku, hindi naman mga bago ang inireregalo niya, ‘yung mga nagamit na niya! Hindi niya naman ipamimigay ang mga bagong bili niyang stuff, ‘no!

“’Yung mga gamit na niyang shoes, bags, outfit, ‘yun lang ang mga ipinamimigay niya! Binigyan niya ng shoes ang isang staff niya, nakasalubong niya sa hallway ang girl na parang hirap na hirap maglakad!

“Sabi niya sa staff niya, ‘Wait! Bakit parang ang sakit-sakit ng paa mo? Oh, I know the reason why, you don’t have to answer me. Hindi ka kasi sanay maguot ng branded!’

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Again, may work pa sa network ang girl na ipinahiya at minaliit niya, pero siya, waley na! Hindi na siya nakabalik sa istasyon!” napapailing talagang pagtaapos ng aming source.

Nakakalokah!

Gretchen sapol ang banat kay Kris

Kahit pa luma na ang lumabas na video ni Gretchen Barretto na tumutuligsa kay Kris Aquino ay pinagpistahan pa rin sila sa social media.

In-edit lang ‘yun, pinagdugtung-dugtong, pero lumabas ang video ni Gretchen na ‘yun nu’ng January, 2019 pa.

Pero pagtatanggol kay Gretchen ng isang netizen, “Kahit luma na ang video, applicable pa rin sa mga kaartehan ni Kris ngayon! Ibig sabihin, nakakaumay na talaga ang mga hanash ng babaeng ‘yun, pare-pareho, walang bago!”

Komento naman ng isa pang tagasuporta ni Gretchen, “’Yan ang magpapasabog! Kahit luma na ang video, hindi supot! E, si Kris? Magbabanta pa na may pasabog daw siya, pero ang resulta? Ampaw! Walang kalaman-laman!

“Tantanan na niya ang kiyemeng pagpapasabog, siya lang naman ang nag-iisang naniniwala sa mga pasabog niya!” sabi nito.
Depensa naman kay Kris ng kanyang tagahanga, “Si Gretchen, walang trabaho, kaya may time siyang makisawsaw! Wala kasi siyang pinagkakaabalahan, kaya buhay ni Kris ang tinututukan niya!”

Nagalit ang isang netizen, “Matagal nang tumigil sa pag-aartista si Gretchen, pinipili na lang niya ang project na ino-offer sa kanya! E, si Kris, may tinatanggap bang alok? Waley!

“Ipinagsisiksikan niya ang sarili niya sa mga networks, pero may tumanggap ba sa kanya? Waley! Tinatanggihan siya! Tapos na ang career niya, tanggapin na lang ni Kris na tapos na ang panahon niya!

“At please, huwag na niyang ginagamit at kinakaladkad ang mga taong nanaahimik na para lang paingayin ang sarili niya! Wala nang naniniwala sa kanya, kaya stop me (read: tigilan ako!)!” galit na komento ng umay na umay na sa mga litanya ni Kris Aquino.

Leave A Reply

Your email address will not be published.