Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality pinakawalan ng dyowa

0 98

Napagkuwentuhan nu’ng minsan ng magkakaibigang personalidad ang sobra-sobrang biyayang hinawakan ng isang female personality sa pakikipagrelasyon niya sa isang bilyonaryong banyaga.

Wala na siyang mahihiling pa. Lahat ng materyal na bagay sa mundo ay nasa kanya na. Pero maligaya ba siya?

Kuwento ng aming source, “Siya ang pinakamagandang example ng taong nasa kanya na ang lahat-lahat, pero hindi siya maligaya. Siya ang puwedeng literal na magsabing money can’t buy happiness, dahil ‘yun ang naramdaman niya.

“Imagine, magsi-shopping siya, ipinasasara ng karelasyon niyang bilyonaryo ang shopping mall? Siya lang at ang mga alalay niya ang nandu’n, turo lang siya nang turo, ipadedeliber ‘yun sa mansiyong tinitirhan niya,” unang kuwento ng aming source.

Pero sa kabila ng lahat ay malungkot pa rin ang female personality, hindi siya pinasasaya ng mga milyun-milyon ang halagang alahas, relo, sapatos at damit ng kanyang karelasyon.

Patuloy ng aming impormante, “Wala kasi siyang freedom. Hindi siya malaya. Paglabas niya, e, sangdamakmak na security ang kasama niya. Pinababantayan siya ng karelasyon niya!

“Hindi rin siya libreng gumamit ng telepono para mangumusta sa mga kaibigan niya, pamilya lang niya ang puwede niyang kausapin. May nakabantay pa sa kanya habang nakikipag-usap.

“Isa pang hindi puwedeng mabili ang freedom, kusang ibinibigay ‘yun, hindi nakukuha nang sapilitan. Pinapayagan naman siyang umuwi dito paminsan-minsan. Pero sariling eroplano ng lalaki ang gamit niya.

“Isang dosenang guwardiya rin ang kasama niya. Naka-report agad du’n sa bilyonaryo kung sinu-sino ang kinakausap niya, kung anu-ano ang mga ginagawa niya.

“Nu’ng hindi na makatiis ang female personality, e, hinagulgulan na niya ang foreigner. Kundi siya pakakawalan, e, makikita na lang siyang malamig na bangkay nu’ng lalaki.

“Napakasuwerte ng girl, pinakawalan siya, walang binawing kahit anong naibigay na sa kanya, kaya ganu’n na lang ang respeto niya sa lalaki.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Maligaya na siya ngayon, may husband na siya, isang male singer na walang yaman na maibibigay sa kanya, pero punumpuno naman siya ng kaligayahan,” humahangang pagtatapos ng aming source.

Jude 1 beses sa isang araw kumakain

Masayang-masaya ang kausap namin sa kabilang linya, “Nakita n’yo na ba ang pictures na ipinadala ko kay Japs?” Si Col. Jude Estrada ang maagang tumawag sa amin kahapon.

Matagal na kaming hindi nagkikita ng hanggang ngayo’y itinuturing naming bunsong anak ng pangulo, mula nang magkapandemya ay hanggang telepono na lang kami, pero kailanman ay hindi siya nakalilimot.

Nu’ng mga unang buwan ng pandemya ay nagpapadala siya ng mga huling bangus sa palaisdaan nila sa Iba, Zambales, pagkalalaking isda na inaatado naman namin para ibahagi sa aming mga kaibigan, ganu’n siya kamaalalahanin.

Walang kapaguran naming sasabihin na si Col. Jude Estrada (PAF) ang klase ng taong kailanman ay hindi pinagbago ng salapi at kapangyarihan. Kung sino siya nang una naming makilala ay ganu’n pa rin siya hanggang ngayon.

Sinipat namin ang ipinadala niyang retrato ng kanilang pamilya nu’ng Pasko. Ang dating Pangulong Joseph, Senador Loi, dating Senador Jinggoy, siya at si Jackie.

Ang laki-laki nga ng kanyang ipinayat! Umabot nang 240 lbs. ang kanyang timbang, pero ngayon ay 210 lbs. na lang, pero ang inaasinta niyang timbang ay 190 lbs. na lang.

“Puro gulay at isda lang ang kinakain ko, four months na ngayon, walang karne at walang rice. One meal a day na lang ang konsumo ko ngayon,” kuwento niya.

Matagal na niyang pangarap na pumayat, pero hindi niya ‘yun natutupad, idiniin ni Col. Jude na disiplina talaga ang kailangan sa pagbabawas ng timbang.

“Disiplina talaga ang pinakaimportante. Mahirap lang sa umpisa, pero pagtagal, e, masasanay ka na rin,” masayang komento ng mananatiling bunsong anak ng pangulo ng aming buhay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.