Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality pinaliguan ng regalo ang dyowa

0 189

Kung meron mang personalidad na dapat kambalan ng pagiging generous ay walang iba ‘yun kundi ang isang kilalang-kilalang female personality.

Kahit tanungin pa ang mga nakarelasyon niya ay siguradong sasang-ayon ang mga ito na pinaka-generous ang babaeng personalidad na ‘yun sa balat ng lupa.

Ibang klase siyang magmahal, talagang nabibiyayaan nang sobra-sobra ang kanyang karelasyon, pinaliliguan niya ng mamahaling regalo ang kanyang mahal.

Kuwento ng aming source, “Kayang-kaya niya naman kasing magregalo ng mga branded stuff. Name it, kahit ilang dosena pa ng brand na ‘yun, e, kayang-kaya niyang magbigay sa karelasyon niya.

“Naloloka nga ang mga katrabaho ng isang sikat na male personality na nakarelasyon niya, ipinadadala niya talaga ang mga male-maletang regalo niya sa guy sa mismong studio!

“Lahat ng brand, e, nasa maleta, kaya naman kung magpalit ng t-shirt nu’n ang male personality, e, parang owner siya ng isang branded shop!” unang kuwento ng aming impormante.

Nu’ng makarelasyon naman ng popular na female personality ang isang politician ay ganu’n din ang drama. Ipinadadala niya ang male-maletang branded goods sa mismong opisina ng pulitiko na ikipinanglalaki ng mga mata ng staff nito.

Patuloy ng aming source, “Ganu’n talaga siya, happiness na niyang makapagbigay ng mga regalo sa karelasyon niya. Parang hindi kumpleto ang happiness niya kapag hindi siya nakapagreregalo. Parang feeling niya, e, mas mamahalin siya ng boyfriend niya kapag pinaliliguan niya ng regalo.

“Pero ang nakakalungkot lang, pagkatapos niyang mamuhunan sa mga branded niyang pangregalo, e, hindi rin naman sila nagtatagal ng karelasyon niya.

“Nagkakahiwalay rin sila. Pero hindi siya Indian giver, ha? Hindi siya nambabawi, hindi rin siya nanunumbat. Kapag naibigay na niya, e, wala na siyang pakialam du’n.

“Hanggang ngayon, e, wala pa siyang bagong karelasyon. Matagal nang malungkot ang kanyang puso. Tumapat pa naman ‘yun sa panahong wala rin siyang trabaho. Unlucky in love ang popular na female personality. Peksman,” madiing pagtatapos ng aming impormante.

-o0o-

Super Tekla tutok sa sustento ng anak

Niyanig ng kanyang kinakasama ang mundo ng komedyanteng si Super Tekla. Ordinaryo lang sana ang naging dating ng inireklamo nito sa Wanted Sa Radyo ng matapang na broadcaster na si Raffy Tulfo pero nalahukan ‘yun ng mga seksuwal na konotasyon.

Napakahalay sa pandinig ang akusasyon ni Michelle Bana-ag, ina ng anak ni Super Tekla na si Baby Angelo, na kapag hindi ito pumayag na makipagniig sa komedyante ay hindi sila kakain.

Palibhasa’y si Super Tekla nga ang naghahanapbuhay at ang pamilya ng babae ay umaasa lang sa kanya ay pinalalabas ng babae na kailangan na lang nilang maging sunud-sunuran sa komedyante.

Parang pag-aari na raw sila ni Super Tekla, wala silang puwedeng pamilian kundi ang sumunod na lang sa kung ano ang gusto ng komedyante, dahil siya nga ang mayhawak ng perang ipambibili-ipanglalaman sa kanilang kaldero.

Pinabulaanan ni Super Tekla ang lahat ng mga isinumbong ni Michelle kay Raffy Tulfo, tahasan niyang kinontra ang kuwento na kapag ayaw siyang pagbigyan ng babae sa pakikipag-sex ay nilalaro niya na lang ang kanyang ari, na ang kanyang katas ay pinapupulandit pa niya mismo sa kanyang sanggol at kay Michelle.

Tama naman ang sigaw ni Super Tekla na nasa katinuan pa siya, nasa tamang hulog pa ang kanyang pag-iisip, dahil ang gagawa lang ng mga ibinibintang ni Michelle Bana-ag ay isang taong kundi man lulong sa droga ay inapuntahan ng kademonyohan.

Ang ganito katinding usapin, kung kami ang tatanungin, ay hindi na makukuha pa sa hilot ng muling pagkakasundo ni Super Tekla at ng kanyang kinakasama.

Sobra ang negatibong epekto nito sa kanyang karera, pinaglalaruan siya ng publiko sa social media, sustento na lang sa kanilang anak ang kailangang panindigan ngayon ni Super Tekla.

Leave A Reply

Your email address will not be published.