Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality pinaluha ang alahera

0 204

Maraming pumupuri sa magandang kumbinasyon pagdating sa pananalapi ng mag-asawang sikat na personalidad. Pareho silang masinop sa kanilang kinikita.

Kung marunong humawak ng pera ang male personality ay ganu’n din ang kanyang misis, wala itong mga luho, mas mahalaga para sa kanya ang kinabukasan ng kanilang mga anak.

Kuwento ng aming source, “Hindi lang sila maingay, pero napakarami na nilang nabibiling properties. Secure na ang future ng mga anak nila dahil magaling talagang humawak ng pera ang mag-asawa.

“Hindi naman nila pinagdadamutan ang mga sarili nila, pero bago sila maglabas ng pera, e, binabalanse muna nila kung kailangan ba nilang pagkagastusan ang isang bagay.

“Pinagtagpo sila talaga ng kapalaran, alam nila kung gaano kahirap kumita ng pera lalo na ngayong pandemya, kaya tama lang ang ginagawa nila,” kuwento ng aming impormante.

Kahit pala nu’ng mga binata at dalaga pa sila ay parehong maingat sa pananalapi ang mag-asawa. Mas malaki ang iniipon nila kesa sa ginagastos.

Patuloy ng aming source, “Minsan, e, may dinalang alahera sa bahay nila ang isang friend ng female personality.

Magaganda ang alahas, kayang-kayang bilhin ng girl, pero wala siyang kinuha kahit isa.

“Maayos niyang ipinalwanag sa kaibigan niya at sa jeweller na hindi niya naman kailangan ng maraming alahas, okey na sa kanya ang ilang piraso lang, future ng mga anak niya ang iniisip niya.

“Hindi na nga naman sila bumabata ng husband niya, ang dami-dami pang nagsusulputang magagaling na artista, kaya kailangan na nilang paghandaan ang kinabukasan nila.

“May mga nagkukuwento na kuripot daw ang male personality, may mga nagsasabi naman na wife niya ang kuripot, pero ang totoo, pareho lang silang masinop sa buhay.

SM food to go Banner Ad

“Kita naman natin, kahit hindi na kailangan, e, nagbi-business pa rin sila. Iba na nga naman ang maraming pinaghuhugutan ng biyaya.

“Ang galing-galing nilang mamuhay, masuwerte ang mga anak nila, sa totoo lang. Magaganda at guwapo pa, mga responsable pa ang mag-asawang ito!” parang nagmamalaki pang pagtatapos ng aming impormante.

Willie mamaliitin sa politika

Nasa estado ngayon si Willie Revillame na hindi niya malaman kung paano niya haharapin ang isa sa pinakametikulosong desisyon sa kanyang buhay.

Dati nang maraming nagtutulak sa kanyang lumahok sa pulitika, pero kinaya niyang tanggihan, pero kakaiba ang sitwasyong hinaharap niya ngayon. Bantay-sarado siya ng mga humihimok sa kanya para tumakbong senador sa darating na halalan.

Hindi lang ang video ng ating pangulo na nang-iimbita kay Willie para tumakbong senador ang markado, meron ding mga pulitikong panay-panay ang tawag sa kanya, meron pa ngang mga nagsasadya sa kanyang bahay para masinsinan siyang kausapin.

Nakakapanibago nga naman ang senaryo ngayon. Dati’y ang pagho-host lang ng kanyang programa ang tinututukan niya, ang kung paano makatutulong sa mga kababayan nating kapuspalad, pero ngayon ay meron na siyang kailangang desisyon na kung tatanggapin niya o hindi ay nakalutang pa sa hangin hanggang ngayon.

Napakarami niyang tinatanggap na mensahe na tumututol sa paglahok niya sa pulitika. Napakagulo raw ng balwarteng papasukin niya. Mas matindi pa sa showbiz na mahal na mahal niya.

Meron namang positibo ang ibinibigay na payo sa kanya. Mas lalawak pa raw ang ginagawa niyang pagtulong sa pamamagitan ng Wowowin dahil nasa puwesto na siya.

Pero siguradong uupakan si Willie oras na tumugon siya sa imbitasyon. Iba ang likaw ng pulitika, hindi basta-basta intriga lang ang nagaganap sa kanilang hanay, siguradong mamaliitin ang kapasidad ni Willie dahil sa kawalan niya ng karanasan.

‘Yun ang mundong kapag walang makitang butas ay sadyang mag-iimbento ng butas para lang may masilip sa kanilang kalaban.

Leave A Reply

Your email address will not be published.