Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality praning sa lalaki

0 59

Iniiwasan na ngayon ng kanyang mga kaibigan ang isang pamosong female personality. Nag-usap-usap ang magkakaibigan, hindi na sila makikipagkita pa uli sa babaeng personalidad, para magkaroon sila ng katahimikan ng kalooban.

Nakakapangilabot ang dahilan. Kakaiba ang sitwasyon. Meron na silang kakaibang nararamdaman sa kanilang kaibigan.

Kuwento ng aming impormante, “Minsan, habang nagkukuwentuhan sila sa isang restaurant, biglang sinenyasan sila ng girl na huwag maingay. Nagtaka ang lahat, bakit?

“Sabi ng female personality, e, may kasama raw sila sa private room, may nakamasid kuno sa kanila, lalaki raw ang kasama nila. Natural, naloka ang lahat!

“Tiningnan ng mga kaibigan niya ang paligid, wala namang kahit sinong nandu’n! Sila-sila lang ang magkakasama!” unang kuwento ng aming source.

Palaging ganu’n ang drama ng female personality. Kahit sa kanilang bahay ay ganu’n din ang palagi niyang sinasabi sa kanyang mga kasambahay, may lalaki raw na paikut-ikot sa bahay nila, kaya takot na takot ang kanyang mga kasama.

Patuloy ng aming source, “Hanggang ngayon talaga, e, hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang greatest love. Ang taong ‘yon ang naiisip ng mga sinasabihan niya na nakikita ng girl.

“Kahit saan daw siya magpunta, e, sumusunod-sunod sa kanya ang lalaki, hindi raw siya iniiwan, hanggang ngayon daw, e, mahal na mahal pa rin siya. Nakakalorky, di ba naman? Sino naman ang hindi kikilabutan sa mga pinagsasasabi niya?

“So, ang mga friends niya, e, umiiwas na sa kanya ngayon. Kani-kanyang alibi sila kapag nagyayaya ng eyeball ang girl! Mahirap na nga naman!

“Ano ba naman ‘yon? Ilang dekada nang wala ang greatest love niya, pero hindi pa rin siya nakakapag-move-on hanggang ngayon? Ang dami-dami nang nangyari sa buhay niya!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nakakatakot ang drama ng girl! Palagi niyang nakikita ang isang lalaki kuno, pero wala naman! Ilusyon? Halusinasyon?” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Nadine ‘kawawa’ kay James

Mabuti naman at nauntog na rin sa katotohanan si Nadine Lustre pagkatapos nang mahabang panahon. Napakarami na niyang sakripisyong ginawa para lang sila magkabalikan ni James Reid.

Tama na ‘yon. Ginawa na niya ang lahat-lahat pero parang nagmamakaawa lang siyang balikan ng ex niya. Panahon na para una niyang mahalin ang kanyang sarili.

Sobrang magmahal si Nadine. Ibinibigay niya ang lahat kasama na ang pamato. Wala siyang iniiwanan para sa kanyang sarili. Mabuti naman at nagising na rin siya para bigyan ng kaligayahan ang kanyang sarili.

Madalas nating naririnig ang ganitong litanya sa pelikula, “Kapag nagmahal ka, huwag mong ibibigay ang lahat-lahat. Kailangang mag-iwan ka para sa iyong sarili bilang respeto.

At para dumating ang taong magmamahal uli sa iyo, meron ka pang ibibigay.” Pero ang pag-ibig ay bulag. Walang nakikitang iba.

Sabi ng isang kasamahan naming manunulat na nakakakilala kay James Reid, “Feeling naman kasi ng taong ‘yon, e, siya lang ang nag-iisang isda sa dagat! Nakakaawa sa kanya si Nadine! Ginagawa niyang tau-tauhan!”

Muling nagbukas ang puso ng dalaga. May lalaking dumating sa kanyang buhay na nangangako ng isang magandang bukas. Magkaiba man sila ng lahi ay puso naman nila ang magtatakda ng kanilang pagmamahalan.

Maging maayos sana ang relasyon nila ni Christophe Bariou.

Leave A Reply

Your email address will not be published.