Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality pumayat sa ‘pambabae’ ng mister

0 754

Bakit kaya hanggang ngayon ay ayaw mamatay-matay ng kuwentong sobrang problemado sa kanyang personal na buhay ang isang kilalang female personality? Nagdenay na siya nu’n, pati ang kanyang mister, pero nasa gitna pa rin sila ng mga tsismisan.

‘Yun daw ang dahilan kung bakit patuloy ang pagbagsak ng katawan ng female personality, marami raw kasing nagpaparating sa kanya ng mga istoryang may kinalaman sa pangangaliwa ng kanyang mister, kitang-kita kuno sa itsura at pangangatawan ng babaeng personalidad ang pagiging problemado.

Kuwento ng aming source, “Kakaiba nga ang kuwento ng relasyon nila. Ang ibang artista, kapag nagdenay na, e, tumitigil na ang mga tsismis, di ba? Pero bakit ‘yung sa kanila, e, nand’yan pa rin, ayaw mamatay-matay?

“Kasi nga, e, may mga kuwento tungkol sa guy, may mga nakakakita sa lalaki na may ibang kasama, nakakaiskiyerda siya sa misis niya, magaling lumusot ang guy!” unang kuwento ng aming impormante.

Malakas kasi ang sex appeal ng lalaki, guwapo, samantalang ang kanyang misis ay parang nagpapabaya na sa kanyang itsura. Komento ng iba ay parang walang kalatuy-latoy si misis kaya naghahanap ng iba ang kanyang mister.

Sangga naman ng isa pa naming source, “Parang hindi naman totoo ang kuwentong may iba si mister. Napagbibintangan lang siguro siyang playboy dahil sa linya ng trabaho niya. Lapitin siya ng girls, totoo ‘yun, pero mukhang hindi naman niya pinapatulan ang mga babaeng nagpaparamdan sa kanya.

“Una, maayos naman ang relasyon nila, hindi naman sila kinakapos sa buhay dahil pareho silang malakas kumita, saka mukhang maalaga naman sa husband niya ang girl, hindi lang siya demonstrative.

“’Yung katawan ng girl, e, dati na namang ganyan, hindi dahilan ang kapayatan niya para sabihing problemado ang personal life niya. Kailan ba naman nagkalaman ang katawan niya?

“Payatin na talaga siya, butuhan ang katawan niya, pareho silang magkapatid na kapag magkatabing nakatayo, e, number eleven ang makikita mo!” pagtatapos ng aming source.

-o0o-

Sharon pumiyok sa pananakit ni Kiko

Paborito talagang igawa ng “script” ng mga bashers si Sharon Cuneta. Araw-araw, habang nasa Amerika ang Megastar, ay iba-ibang pekeng kuwento ang naglalabasan tungkol sa kanya.

Nu’ng una ay parang lagnat lang ang kuwento. Nang magtagal ay naging pagdedeliryo na. Pero ngayon ay parang virus na ‘yun sa tindi ng mga ispekulasyon.

Sa isang kilalang village ng mga bukod na pinagpala ay pinagpipistahan ang kuwentong sinaktan daw ni Senador Kiko Pangilinan si Sharon dahil may karelasyong bagets si Mega.

‘Yun daw ang dahilan kung bakit nag-alsa-balutan ang singer-actress papuntang Amerika, du’n daw siya magpapalipas ng galit, uuwi siya kung kailan niya gusto.

Ang totoong dahilan ng pag-alis ni Sharon ay ang gagawin sana niyang pelikula sa produksiyon ng sikat na producer-director na si Steven Spielberg. Matagal na niluto ang proyekto, siya sana ang gaganap na tiyahin ng sikat na Fil-Am comedian na si Jo Koy sa isang comedy movie, pero nagkaroon ng problema sa isang mahalagang dokumento kaya napalitan siya.

Bumiyahe na papuntang Canada ang tropa ni Spielberg (producer ito ng pelikula, hindi direktor) nang dumating siya sa Amerika, matindi ang panghihinayang ni Sharon sa proyekto, pero tanggap na tanggap niya ang hindi niya pagkatuloy sa pelikula.

Magkausap kami ng Mega nu’ng isang gabi, ang kanyang sabi tungkol sa isyung sinaktan siya nang pisikal ni Senador Kiko, “Ang OA naman ng istorya! Bago pa ako madapuan ng kamay ng kahit sinong lalaki, e, siguradong may nangyari na sa kanya!

“At ang bilin ng tatay ko, minsan lang akong saktan ng lalaki, iwan ko na agad! Mula kay Gabby, awa naman ng Diyos, wala akong nakilalang nanakit sa akin!

“At nasaan ba ang bagets na ‘yun? Saan naman nanggaling ang istoryang ‘yun? Naku, kung si Ji Chang Wook at Cha Eun Woo pa ‘yun, kahit mga bata pa sila, e, baka makalimot ako sa magagandang itinuro sa akin ng mga magulang ko!” humahalakhak na reaksiyon ni Sharon Cuneta.

Leave A Reply

Your email address will not be published.