Abante Tonite Interactive

Female personality reyna ng kaplastikan

961

Hanggang ngayon, kapag nagkakasama-sama ang mga nakatrabaho na mula pa nu’n ng isang female personality, ay buhay na buhay pa rin ang mga kuwento ng kanyang kaplastikan.

Ang mismong magkakatropa ang nagsasabi na kung kaplastikan ang pag-uusapan ay walang kahit sinong makakakabog sa female personality na karelasyon ng isang pamosong aktor.

Kuwento ng isa sa magkakaumpukan, “Ay, siya ang reyna, walang iba, hindi siya puwedeng kabugin ng kahit sinong artista d’yan! Baguhan pa lang siya, e, laganap na ang ugali niyang ‘yun!

“Kunwari, dire-diretso siyang naglalakad, wala siyang pakialam sa mga nadadaanan niya, basta para siyang may sariling mundo na deadma lang!

“Biglang may bubulong sa kanya, ‘Churva, mga reporters ang mga nadaanan mo, bumati ka sa kanila, nakakahiya! Dinaan-daanan mo lang sila!’

“Buong-ningning siyang babalik, bebeso siya sa mga reporters na dinaan-daanan nga lang niya, di ba? Makikipagkumustahan pa siya, papansinin pa niya ang isang reporter, ‘Tita, pumayat po kayo!’

“E, ang lusog-lusog nga ng reporter, problema nga nu’ng tao kung paano siya papayat, kaya ang sagot sa kanya, ‘Ikaw naman, hindi naman ako pumayat kahit kailan.’

“Mema lang siya, sa totoo lang, makakuda lang, dahil ang totoo, e, nu’n lang naman sila nagkita nu’ng reporter na pinansin niyang pumayat daw!

“Nakakalokah siya! Ganu’n siya kajostik! Napakaplastikada niya, sa totoo lang, kaya nagtataka ang marami kung paano sila nagkakasundo ng boyfriend niya na sobrang napakatotoo naman!

“Di ba? Kung ano ang napi-feel nu’ng guy, e, sinasabi niya, napakadiretso ng dila niya, hindi uso sa kanya ang plastikan! Kaya nga marami siyang nakakaaway sa social media, di ba?

“Paano sila nagkakasundo, e, reyna ng kaplastikan ang girlfriend niya?” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Kathryn magtataas ng TF?

Maligaya na si Kathryn Bernardo sa personal niyang buhay ay maligaya pa rin siya ngayon bilang aktres. Dalawang magkasunod na parangal ang tinanggap niya bilang Best Actress at ‘yun ay napakala-king patunay na hindi na lang siya basta artistang nagpapakilig lang ng kanyang mga tagahanga.

Aktres na si Kathryn Bernardo sa tunay na pakahulugan ng salitang ‘yun, napatunayan na niya na ang kanyang pagganap ay pinahahalagahan na rin ng mga grupong nagbibigay ng parangal nga-yon, sa dinami-dami nilang naglaban-laban ay siya ang napisil na h­iranging pinakamahusay na aktres ng kanyang panahon.

Maraming nag-aalala na baka raw dahil maagang pinarangalan si Kathryn sa kanyang talento ay maging mapili na siya ngayon sa mga pelikulang gagawin niya.

Baka raw magtaas na rin siya ng presyo ng kanyang talent fee, ganu’n kasi ang karaniwang kasunod na senaryo kapag may mga award na ang artista, mapili na sila sa proyekto.

Pero si Kathryn na mismo ang nagsasabi na ang tunay na tagumpay ng isang artista ay kapag napapaligaya niya ang manonood, kapag malayuan niyang napapasaya ang ating mga kababayan, kapag may mga buhay siyang naaapektuhan dahil sa mga karakter na ginagampanan niya.

Nananalamin sa mga papel na ginagampanan niya ang mga kababa-yan natin, nakikiluha at nakikihalakhak sa kanya ang manonood, ‘yun ang pakahulugan sa tagumpay bilang artista ng dalaga.

Hindi lang basta may narating na si Kathryn Bernardo, may napatunayan na siya bilang aktres, ‘yun ang bahagi ng pagiging artista na napakahirap ihanap ng resibo.