Abante Tonite Interactive

Female personality sinasapawan ang mga co-host

597

KAILANGAN pala talagang naka-tape ang isang programa. Sa paminsan-minsan kasi nilang pagla-live ay nagkakaroon ng problema ang production staff dahil sa isang host nila na sobrang maepal.

Hindi siya nagpapakabog sa kanyang mga kasamahan, talagang isinasali niya palagi ang kanyang sarili sa anumang paksa sa programa, ang ending tuloy ay halos kainin na niya ang lahat ng oras ng show.

Kuwento ng aming source, “Masyado kasi ang kaangasan ng babaeng ‘yun, hindi siya makapaghintay na matanong siya, talagang siya ang nagkukusang magkuwento ng mga nangyayari sa buhay niya!

“Kunwari, meron siyang nabiling ganito at ganyan, naku, ipinagmamakaingay niya ‘yun! Saka palagi niyang ipinagsisiksikan ang sarili niya basta may pinag-uusapan nang topic sa show.

“Kitang-kita ‘yun kapag hindi maiwasang nag-live sila, halos siya na lang ang nagsasalita, sinasapawan niya ang mga co-host niya!

“Nagagamot ‘yun sa taping, nae-edit ang pagiging maepal niya, hindi nga talaga pang-live ang babaeng ‘yun!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Ngayon lang naman kasi nabigyan ng magandang oportunidad ang female personality na makahawak ng mikropono. Wala naman kasing pumapansin sa kanya nu’n.

Pagtatapos ng aming source, “Naku, magpasalamat talaga siya sa pagsikat ng isang kadugo niya, dahil kung hindi dahil du’n, waley siya!”

Veteran actress umihi sa harap ng aktor

HANGGANG ngayon ay shock boogie pa rin ang isang male personality sa nasaksihan niyang ginawa ng isang beteranang aktres sa mismong harapan niya.

Nagkasama sila nu’n sa isang serye, jingle na jingle na ang veteran actress, pero may tao sa CR. Nagpunta ito sa kanyang tent at du’n na pinaalpas ang tawag ng kalikasan.

Kuwento ng aming source, “Naloka lang ang male personality dahil wala talagang hiya-hiyang naghubad ng underwear niya ang veteran actress, tapos, umihi siya sa tabo!

“E, nandu’n lang siya sa mismong harapan ng male personality, shock talaga ‘yung aktor, dahil kitang-kita niya ang ginawa ng veteran actress na nirerespeto niya!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Napakagaling umarte ng beteranang aktres, hindi pinagdududahan ang kapasidad nito sa pagganap, pero ano nga naman ang magagawa nito?

Kesa naman sa maihi ang veteran actress sa kanyang underwear ay lakas-loob na lang itong umihi sa tabo sa mismong harapan ng kilalang male personality.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Triple presyo: Willie pinakyaw ang pinya ng mag-asawang matanda

WALANG kasingligaya ngayon si Willie Revillame. Puro positibong komento ang ipinababasa sa kanya sa social media ng kanyang staff dahil sa pabolosong bagong studio ng Wowowin.

Binantayan ‘yun nang husto ni Willie, ganu’n siya talaga kapag kapakanan na ng kanyang trabaho ang nakataya, binibigyan niya ng panahon ang bawat detalye.

Nu’ng magkakasama pa kami sa TV5 ay nakikita namin siyang kumakain na kasalo ang mga karpintero. Nagpapabili siya ng isang lechon at iba pang mga pagkain, salu-salo sila, napakasaya ng paligid.

Ang pagiging generous ni Willie ay hindi nagsisimula at natatapos sa kanyang programa. Maging sa likod ng mga camera ay marunong siyang magbigay ng importansiya sa mga taong nagmamalasakit sa kanyang trabaho.

Wala siyang pakialam sa iniaabot niya, ang mahalaga, sa bawat araw ay meron siyang napapasaya. Alam namin ang kuwento ng mag-asawang matanda na nagtitinda ng pinya sa kalye papuntang Tagaytay.

Bumaba si Willie, tinanong niya ang mag-asawa kung magkano ang lahat ng kanilang mga paninda, sinabi ng mga ito ang presyo. Dumukot si Willie ng pera sa kanyang bulsa, triple ng sinabing halaga ng mag-asawang matanda, hindi malaman ng mga ito kung paano magpapasalamat sa nag-abot sa kanila ng pera.

May nakatingin palang lalaking naka-bike sa pangyayari, ang sabi nito, “Alam n’yo po ba kung sino ang nagbigay ng sobra-sobrang pera sa inyo? Si Willie Revillame po ‘yun!”

Ang nasabi na lang ng mag-asawang matanda, “Ah, si Wowowin pala ‘yun! Diyos na ang bahalang gumanti sa kabutihan niya.”