Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality sinisi ang wardrobe

0 130

Kung ang mga nakatrabahong production staff at crew ng isang female personality ang pakikibalitaan tungkol sa kanyang ugali ay sangdamakmak na pintas ang maririnig.

Sobra ang kanyang kaartehan, bago niya gawin ang isang eksena ay marami siyang tanong, plano rin yatang maging scriptwriter ng hitad na girl.

Magaling naman sanang umarte ang female personality, nalilinya siya sa pagkokontrabida, pero pati kuno sa totoong buhay ay bitbit din niya ang kamalditahan.

Kuwento ng isang source na nakatrabaho na ng female personality, “Aanhin mo naman ang galing sa pag-arte kung problema ka naman ng production? Kinaiinisan siya, maraming naaartehan sa kanya, walang nagkakagusto sa kanya!

“Masyado kasing feeling ang girl na ‘yun, e, wala pa naman siyang maipagmamalaki!” unang inis na kuwento ng aming impormante.

Hinding-hindi na siya makakalimutan ng isang staff na binaligtad niya sa isang direktor. Mabuti na lang at matapang ang production staff, dahil kung hindi, baka nawalan ito ng trabaho.

Patuloy ng aming source, “Ganito ang kuwento. Nilapitan siya ng wardrobe staff, ipinasusuot sa kanya ang damit na pang-continuity. May naiwan pa siyang eksena na kailangang makunan na ang damit na ‘yun ang ginamit niya.

“Nagmaldita ang female personality, ‘Ayokong isuot ‘yan! Iba ang isusuot ko!’ So, nu’ng on the set na sila, napansin ng direktor na iba ang suot niya, hindi pang-continuity ang suot niya!

“Aba, ang hitad, nagturo! Sabi ba naman, ‘Direk, ito po kasi ang ipinasuot sa akin ng namamahala sa wardrobe!’ Buti na lang at nandu’n ang idinidiin ng girl, tinalakan siya!

“Nalaman ni direk na nagsisinungaling ang malditang girl, pinagalitan siya, sinabihan na huwag siyang naglalagay sa ibang tao sa problema nang wala namang kasalanan!

“Naku, maldita talaga ang babaeng ‘yun! Feeling siya! Karibal niya talaga ang mga katrabaho niya dahil sa kaartehan niya!” pagtatapos ng naiinis naming source.

SM food to go Banner Ad

Aljur humarap sa erpat ni AJ

Tama ang sinabi ng mommy ni AJ Raval na taong pumasok sa kanilang tahanan si Aljur Abrenica kaya makatao rin nilang tinanggap ang aktor.

Ayaw mang magbigay ng pahayag ng kanyang amang si Jeric Raval dahil kahit ang action star ay nakatakatanggap na rin ng mga pamba-bash na hindi lang nito pinapansin ay nagbitiw ito ng salita na nagkaharap na sila ni Aljur.

Marespetong humarap sa kanya si Aljur, tinanong nito ang aktor, “Nililigawan mo ba ang anak ko?” Opo ang isinagot ni Aljur, “Hiwalay ka ba?” Opo uli ang isinagot ng aktor.

Maaaring meron silang pinag-usapan, pero kanila na lang siguro ‘yun, ang mahalaga ay nagpaalam si Aljur sa mga magulang ni AJ na nanliligaw ito sa dalaga.

Nanliligaw pa lang, hindi pa sila magkarelasyon ni AJ, kailangang maging malinaw ‘yun. Kahit pa nagpahayag na si Kylie Padilla na puwede na silang makipagrelasyon sa iba dahil matagal na silang hiwalay ay mahirap na.

Mahirap pagkatiwalaan ang ganu’ng salita, paano kung isang araw ay maisipan ni Kylie na kasuhan ng bigamya si Aljur, malaking problema ‘yun.

Isang direktor naman ang nagkuwento sa amin na hindi na ito nagtataka kung bakit nakuha ni AJ ang atensiyon ni Aljur.

“Mabait ang bata. Walang attitude, Marespeto siya sa buong production, walang kaarte-arte, mahal siya ng mga katrabaho niya.

“Hindi siya namba-bad mouth ng kahit sino, tahimik lang siya. At napakaganda ng bata, simple lang siya, pero lutang ang ganda niya!” madiing paglalarawan ni direk kay AJ Raval.

Leave A Reply

Your email address will not be published.