Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality ‘sinusuka’ ang hunk actor

0 90

Ayon sa aming impormante ay napakadali palang sirain ang araw ng isang female personality. Kahit pala masaya ang aktres ay madali siyang pasimangutin.

Banggitin lang kuno sa kanya ang pangalan ng isang hunk actor ay magbabago na ang kanyang itsura, sisimangot na siya, at mapapangiwi.

Bakit kaya nagkaganu’n ang female personality? Dati kasi, mabanggit lang ang pangalan ng lalaki ay para na siyang nakakakita ng stars, masayang-masaya na siya.

Kuwento ng aming source, “Baligtad na ngayon! Name pa lang ng hunk actor ang marinig niya, e, para na siyang nakakaamoy ng kung anong mabaho!

“Para siyang nandidiri na ewan, kapag hindi nga siya nakapagpigil, e, baka masuka pa ang female personality!” nakakalokang unang istorya ng aming impormante.

Nagkaroon sila ng relasyon na nagsimula sa isang seryeng pinagsamahan nila. Araw-araw halos silang magkasama dahil sa lock-in, natural lang na parang picture na na-develop ang kanilang pagsasama, hanggang sa naging sila na nga.

Patuloy ng aming source, “Matindi naman pala kasi ang reason kung bakit nasisira ang araw ng girl kapag naririnig ang pangalan ng ex niya! Niloko pala siya ng guy.

“Walang kaalam-alam ang girl na sabay pala silang kinarelasyon ng isang gay businessman ng hunk actor! At ang ikinaloka pa ng girl, pinaniwala siya ng hunk actor na uncle niya ang gay businessman.

“Yes na yes! Uncle kuno niya ang becki, wala kuno silang relasyon, tiyuhin daw niya ang gay businessman na isinasama pa siya sa ibang bansa kapag bumibiyahe!

“Ang mas nakakaloka pa, sabay na nabuking ng girl at ng gay businessman na pinagsasabay pala sila ng hunk actor! Deny-to-death ang male personality sa becki na wala silang relasyon ng girl!

“Deny rin siya nang deny sa girl na uncle lang niya ang gay businessman at hindi niya karelasyon! Ayun, sabay siyang nabuking ang girl at ng gay provider niya, kaya wala na siyang lusot!

SM food to go Banner Ad

“Magaling ang hunk actor na ito! Matagal niyang napaikot ang gay businessman at ang female personality! Datung kasi ang habol niya sa becki, kaya hindi niya agad maisplitan!

“Ngayon, isinusuka na siya ng girl, ayaw nang naririnig ang name niya! Isang babaeng may korona sa ulo na ang karelasyon niya. May kasabay na naman kayang gay benefactor ang girlash?” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Alden naka-quarantine sa hotel

Parang makinang bagong linis at pahinga ngayon si Alden Richards. Naka-quarantine pa siya sa isang five-star hotel ngayon pagkatapos niyang magbakasyon sa Amerika pero trabaho agad ang kanyang aasikasuhin paglabas niya.

Parang makina uli siyang magtatrabaho, una niyang sesentruhan ang kanyang concert na gaganapin sa January 30, napakapersonal ng atake ng concert dahil iikot ‘yun sa kanyang pribadong buhay.

Ang kikitain ng kanyang concert ang ipangtutulong niya sa mga kabataang matalino pero walang kapasidad na makapag-aral. Ramdam na ramdam ng Pambansang Bae ang ganu’ng klase ng sitwasyon dahil aminado siyang mahirap lang ang pamilyang pinanggalingan niya.

Totoo. Nang pumanaw ang kanyang ina ay kinailangang magretiro ng ama niya para ang makukuhang pera nito ay maipampapalibing naman sa kanyang mommy.

“Kaya po kapag nagdarasal ako, it’s more of thanking the Lord na dahil sa ibinigay niyang mga biyaya sa pamilya namin. Naging maginhawa po at kumportable ang buhay namin dahil sa trabaho ko,” mapagkumbabang sabi ni Alden.

Nakabalik na si Alden Richards, pero ang mga positibong kuwento ng mga kababayan nating nakaengkuwentro niya sa Amerika ay naiwanan du’n, tulad ng kanyang kabaitan at pagiging mapagkumbaba.

Sabi nga ng kaibigan naming propesor, “Iba ang dating ni Alden sa publiko. Parang hindi siya artista. Parang anak, apo at pamangkin siya ng mga kababayan natin.

“Napakalapit niya sa puso ng masa, itinuturing siyang hindi iba. It pays to be nice and humble talaga,” opinyon ni prop.

Leave A Reply

Your email address will not be published.