Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality sinusukuan ng staff

0 201

Marami nang nagtrabaho sa poder ng isang pamosong babaeng personalidad. Nagtatagal naman ang mga ito pero isang araw ay bigla na lang nawawala.

Nagpaalam na pala, hindi na nakatagal sa kanilang pinaglilingkuran, aanhin nga naman nila ang pagsama-sama sa isang sikat na personalidad kung hindi naman sila masaya?

Kuwento ng isang source, “Hindi nila natatagalan ang kakaibang ugali ng boss nila. Mahirap ispilengin ang ugali niya. Mapagbibigyan mo siya nang ilang panahon, pero sa katagalan, e, susuko ka na rin,” unang kuwento ng aming impormante.

Maramot kasi sa damdamin ng ibang tao ang kilalang female personality, ang sarili lang niya ang inaalala niya, wala siyang pakialam sa kung anuman ang nagagawa niya sa kapwa niya.

Patuloy ng aming source, “Kapag meron siyang ipinagagawang anumang project, e, minsan lang siyang makikipag-usap sa mga katransaksiyon niya. Sa susunod, ang staff na lang niya ang nag-aasikaso sa lahat.

“Aandar ba naman ang construction kung hindi siya maglalabas ng pera? Naghihintay na ang mayhawak ng project, pero matagal siyang mag-issue ng tseke.

“Nasaan ang problema? Nasa female personality. Nagbabantay sa kanya ang staff niya para sa pagpapapirma ng mga checks, pero dine-deadma lang niya! Alam niya namang kailangan nang magbayad ng contractor sa mga materyales at sa mga taong gumagawa, pero wala siyang keber!

“Kapag nangulit sa kanya ang staff, e, meron na siyang standard na sagot, ‘I’m so busy, right? Ikaw na lang kaya ang pumirma sa mga checks ko?’ Ganu’n siya palagi!

“Kapag nagkakasitahan na, wala siyang aamining pagkukulang, ang mga staff pa niya ang itinuturo niyang may kakulangan! Inililigtas niya agad ang sarili niya!

“Kaya matitiyaga at may matinding pangangailangan lang ang tumatagal na magtrabaho sa kanya. Ang mga mabubuhay pa rin naman nang wala siya, umaalis na lang dahil hindi na siya maintindihan!

“Kahit kailan, e, power tripper ang babaeng ‘yun! Sakit na niya ‘yun, bakuna na ang kailangang iturok sa kanya!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Angel walang kaplastikan sa pag-ayuda

Abalang-abala na naman ang grupo ni Angel Locsin sa pagbibigay ng ayuda sa mga kababayan nating matinding sinalanta ng magkasunod na bagyo.

Nakakalunos makita ang mga bahay na winasak ng mga bagyong Quinta at Rolly, ang mga pananim nilang tinunaw nang malakas na ulan at hangin, saan pa nga naman sila pupunta ngayon?

Mas matindi lang nang ilang paligo ang mapamuksang Yolanda sa nagaganap ngayon sa Kabikulan, parang ghost town na ang maraming bayan, puro pagdarasal at pag-iyak na lang ang nagagawa nila ngayon.

Dahil dati nang bukas ang puso ni Angel Locsin sa mga ganitong kalamidad ay naglaan uli siya nang isang milyong piso para kahit paano’y umusad palayo sa pagdarahop ang ating mga kababayan.

Hindi niya ‘yun makakayang tiisin, ang magandang kalooban niya ang nagdidikta na kailangan niyang kumilos, kaya naman mahal na mahal ng ating mga kababayan ang magandang aktres.

Dahil sa laganap na COVID-19 ay kinailangang idaan ni Angel sa social media ang pagtulong, hindi siya personal na makararating sa mga lugar na sinalanta, gumawa siya ng paraan para magkaroon sila ng komunikasyon ng mga kababayan nating makasasagip sa kanilang sitwasyon ngayon.

Hindi ipinagmakaingay kailanman ni Angel ang mga pagtulong na ginawa niya, nalalaman na lang natin ‘yun mula sa ibang tao, hindi niya ipinagmamalaki.

Malayung-malayo ang kanyang ugali sa mga personalidad na bago magbigay ng tulong ay pinatatawag pa ang kanilang staff sa mga network para mag-imbita ng mga news reporters, hindi sila bababa ng sasakyan hanggang hindi nakahanda ang mga camera, spell kaplastikan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.