Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality sobrang epal

0 713

Maraming nakakapansin na mahilig magpakontrobersiyal ang isang female personality. Kabaligtaran ‘yu ng inaasahan sa kanya ng mas nakararami.

Dapat sana’y nagpapakalat lang siya ng saya, pero pakiramdam ng babaeng ito ay pasan niya ang mundo, kaya nagiging sentro siya ng pamba-bash ngayon.

Kuwento ng aming source, “Masyadong maepal ang babaeng ‘yun! Feeling niya kasi, e, kasali na siya sa inner circle dahil nagkakaroon siya ng mga roles na kaibigan siya ng bumibida!

“Humahaba ang papel niya dahil siya ang kaututang-dila ng bida ng serye, kaya ang feeling ng girl, e, important star na rin siya!” unang hirit ng aming impormante.

Masyado siyang makuda, marami siyang hanash, mareklamo rin ang female personality na ito na bahagya nang umangat sa lupa pero pakiramdam niya ay big star na siya.

Patuloy ng aming source, “Sa harap na yata ng gadget niya nakatira ang babaeng ‘yun! Daldal pa rin siya nang daldal, kung anu-ano pa rin ang inirereklamo niya, siya na lang ang kuda pa nang kuda hanggang ngayon!

“Wala nang sinasabi ang kuno, e, nambastos na male personality sa kanya, nag-sorry na nga ‘yung tao, pero dakdak pa rin nang dakdak ang babaitang ‘yun!

“Ano ba ang gusto niyang mangyari? Lumuhod pa sa harapan niya ‘yung male personality na nambastos sa kanya? OA na siya, ha?” napapailing na kuwento pa ng aming impormante.

Dahil sa pagiging OA na ng komedyana ay nagsasalita na rin ngayon ang mga nakasabayan niya sa pagkokomedya. Dati na palang makuda at reklamador ang babaeng ito.

Sabi uli ng aming source, “Dati nang maepal ang babaeng ‘yun! Mahangin pa kuno ang girl, pabibo palagi, kaya maraming hindi nagkakagusto sa kanya!

“Naku, ha? Magtigil siya! Maraming kuwento ang mga dating katrabaho niya, nakakahiya ang mga istoryang ‘yun, gusto pa ba niyang mahalungkat ang mga kalokahan niya?

SM food to go Banner Ad

“Mahilig sa publicity ang babaeng ‘yun, kahit super-nega na siya, e, wala siyang pakialam, basta pinag-uusapan siya! Naku, kumain na lang siya ng tsokolate, may mangyayari pa sa katawan niyang super-payatola!” payo na lang ng aming source sa kanyang pagtatapos.

Sophie ‘di normal ang pagluwal sa baby

Pangtatlong buwan na ang timbang ng anak nina Vin Abrenica at Sophie Albert. Kailangan talagang ma-caesarian si Sophie, hindi nito kakayaning iluwal nang normal si Avianna Celeste, 9.13 lbs. ang timbang ng sanggol.

Maligayang-maligaya ngayon si Vin, maging ang kanyang pamilya, dahil nakapanganak nang maayos si Sophie. ‘Yun ang palaging ipinagdarasal ng aktor, ang sana’y parehong ligtas ang kanyang mag-ina, kaya puro pasasalamat ang inuusal niya ngayon.

Tahimik ang relasyon nina Vin at Sophie (Bianca), walang alingasngas ang kanilang relasyon, puro positibong balita ang nalalaman ng publiko tungkol sa kanila.

Magandang magdala ng relasyon si Vin, tahimik lang siya, si Bianca naman ay puro para sa kanyang mag-ama ang pinagkakaabalahan.

Sabi ng aming source, “Mula nu’ng maging winners sila sa isang talent search ng TV5, e, naging sila na. Pero nagkahiwalay rin sila sandali. May nabalitaan ba tayo tungkol du’n hanggang sa magkabalikan na sila?”

Nirerespeto nina Vin at Sophie ang kanilang relasyon, mga artista sila, pero naglalaan sila ng kapribaduhang kailangan nilang pareho.

Ibinabahagi nila sa social media ang magagandang nagaganap sa kanilang buhay, tulad ng paglipat na nila ng bahay sa pagbubuo ng kanilang pamilya, pero hanggang du’n lang.

Kapatid ng lola ni Sophie Albert ang namayapang dating pangulong si Tita Cory Aquino, pero nang pasukin nito ang showbiz ay hindi ‘yun ginamit ni Sophie bilang karagdagan sa kanyang mga katangian, huli na nang malaman ng publiko ‘yun.

Leave A Reply

Your email address will not be published.