Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality sobrang pasaway

0 15

Sadya raw na matigas ang ulo ng isang kilalang female personality. Ganu’n kung ilarawan siya ng kanyang mga nakakatrabaho. May sariling mundo kuno ang babaeng ito na mahirap sakyan at ispilengin.

Kahit ang mga dating nag-aalaga sa kanyang career ay ganu’n din ang pagkakilala sa female personality kaya hindi na sila nagtataka sa mga pinaggagagawa ngayon ng babaeng personalidad.

Nawindang ang kanyang career nang umalis ang kanyang partner sa kumpanyang nag-aalaga sa kanilang karera. Ilang panahon lang pagkatapos ay sumunod na rin siya.

Kuwento ng aming source, “Hindi lang masabi ng mismong family niya kung gaano kahirap ispilengin ang female personality. Natural lang ‘yun, di ba? Alangan namang sila pa ang magbuking sa tunay na ugali ng girl!

“Pero lahat ng mga nakasama niya, e, alam kung gaano siya kahirap pakibagayan. May katigasan ang ulo niya. Kung ano ang hindi dapat, kinokontra niya ‘yun!” unang hirit ng aming impormante.

Ganu’n nga kuno ang ugali ng pamosong female personality. Kung ano ang dapat niyang gawin ay kinokontra niya. May sarili talaga siyang mundo.

Balik-kuwento ng aming source, “Saan ka naman makakakita ng taong kapag pinagbabawalang lumabas dahil may mga work pa siya kinabukasan, e, saka naman siya magba-bar hopping?

“Kapag sinabihan siya ng mga manager niya na huwag siyang magpupuyat, e, saka naman siya magyayaya ng mga friends niya para magpunta sa kung saan-saan? Ano tuloy ang ending? Tanghali na siyang nagigising, madaling-araw na kasi siyang umuwi, kaya nale-late siya sa kanyang trabaho!

“Ganu’n katigas ang ulo ng girl na ‘yun, pasaway talaga siya, mahilig siyang kumontra sa mga ipinapayo sa kanya! Pinagpapasensiyahan na lang siya ng mga nag-aalaga sa career niya,” sabi uli ng aming impormante.

Sayang na female personality, magaling pa naman siyang umarte, napag-iwanan na tuloy siya ng mga kasabayan niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nganga na tuloy siya ngayon, pictorial na lang siya nang pictorial. Para saan? May project ba siya?” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Angel nagpapayat sa nalalapit na kasal

Panahon na talaga para asikasuhin naman ni Angel Locsin ang kanyang personal na buhay. Wala na siyang kailangang patunayan pa, maraming kababayan natin ang natulungan niyang makabangon sa panahon ng mga kalamidad, mula sa puso ang mga ginagawa niyang pag-ayuda.

Kailangan nang pagbuhusan naman ng pansin ni Angel ang kanyang sarili, dapat niya namang bigyan ng prayoridad ang buhay niya, lalo na’t malapit na silang magpakasal ni Neil Arce.

Ang unang sinesentruhan ngayon ng aktres ay ang kanyang timbang. Meron na siyang mga ginagawang paraan ngayon para manatili siyang malusog pero liliit ang kanyang katawan.

Palaging nagiging sentro ng bashing si Angel dahil sa kanyang weight. At nagpapakatotoo lang naman ang mga pumapansin, sobrang laki ngayon ni Angel, sa magalit-maapektuhan man siya o deadmahin lang ang mga pumipintas sa kanyang kalusugan.

Napakaganda naman ni Angel, sabi ng kanyang mga tagasuporta, dumoble man ang kanyang timbang ay hindi pa rin nawawala ang kanyang ganda.

Pero hindi sapat ang ganu’ng papuri sa aktres, kailangan niya pa ring tutukan ang kanyang pagtaba, alam naman natin na mas malaki ang timbang ng tao ay mas malapit siya sa pagkakasakit.

‘Yun ang sinasabing dahilan ngayon ni Angel sa kanyang pagda-diet. For health reasons. Idamay na rin natin ang nalalapit niyang kasal na mas magandang tingnan ang babaeng naka-traje de boda na hindi namumutok ang kanyang timbang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.