Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality suko sa tamad na aktor

0 847

Kung paniniwalaang lahat ang mga kuwentong umiikot tungkol sa paghihiwalay ng isang aktor at ng isang aktres ay mas naging kumportable pala ang buhay ng female personality mula nang magkahiwalay sila ng ama ng kanyang mga anak.

May kasabihan nga na mas magandang malungkot ka nang nag-iisa kesa sa dalawa nga kayo pero malungkot ka pa rin.

Kuwento ng aming source, “Naku, napakalaking ginhawa para kay ____(pangalan ng babaeng personalidad) ang paghihiwalay nila ni ____(ang male personality).

“Pagod na kasi siya sa katatrabaho, kapag may nagtatanong sa kanya kung ano ang pinagkakaabalahan ng mister niya, e, kung anu-ano na lang ang sinasabi niya!

“Kesyo nagba-buy and sell, kesyo may inaasikasong lupain sa kung saang probinsiya, lahat na lang ng dahilan at inimbentong scenario, e, nasabi na yata niyang lahat!

“Pero ang totoo, e, wala namang ginagawa ang guy, tulog at kain lang ang inaatupag, napakabigat ng katawan!” unang kuwento ng aming impormante.
Matagal na palang hindi maganda ang kanilang relasyon, pero hindi lang sila nagsasalita, kilala sila sa pagiging tahimik tungkol sa kanilang lovelife.

Patuloy ng aming source, “Saan ka naman makakakita ng taong ipinaglihi yata sa tulog ng nanay niya? Ni hindi na nga yata niya alam kung ano ang nangyayari sa mundo!

“Nakapasok at nakauwi na mula sa eskuwelahan ang mga anak nila, nakauwi na rin mula sa office ang misis niya, pero nakahiga pa rin siya! Napakatamad niya talaga!

“Kaya nu’ng mapuno na ang girl, kinausap na niya nang masinsinan ang lalaki, tinapos na niya ang lahat! Bakit nga naman siya magtitiis sa lalaking marunong lang gumawa ng anak, pero super naman ang katamaran!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Pokwang nagpaalam sa Dos

Dalawang programa agad ang pinagkakabalahan ngayon ni Pokwang sa TV5. Isang morning show nila ni Pauline Luna, ang Rise And Shine, at isang programang magkakasama si Jose Manalo.

Ang TAPE, Incorporated ni Mr. Tony Tuviera ang prodyuser ng mga shows, blocktimer ang produksiyon sa TV5, marami pang ibang shows ang mapapanood mula sa TAPE, Incorporated na ipalalabas sa TV5.

Dumaan sa marespetong proseso ang pagtatrabaho ng komedyana sa TAPE, Inc., nagpaalam siya sa Star Magic na matagal na namahala sa kanyang career, hindi siya basta lumundag na lang palabas ng ABS-CBN nang walang pagpaparamdam sa mga ehekutibo ng dati niyang network.

Isa lang si Pokwang sa daan-daang artista ng ipinasaradong istasyon na nangangailangan ng trabaho. Kung ang karamihan sa kanila ay namamana pa sa dilim kung saan sila pupunta ay naging masuwerte lang si Pokwang dahil agaran siyang nakakuha ng pagkakaabahalan.

Kailangan niyang magtrabaho, hindi na sarili lang niya ang iniintindi ngayon ni Pokwang, may mga anak na siyang kailangang bigyan ng magandang kinabukasan katuwang ang kanyang mister.

Suwertihan lang ‘yan. Pana-panahon lang. Kinasihan lang siya ng kapalaran sa mabilis na panahon kesa sa kanyang mga kasamahan.

Hindi dapat ibato laban sa kanya ang pagkakaroon agad ng trabaho, hindi siya nakalilimot tumanaw ng utang na loob sa ABS-CBN, may bitbit siyang talento sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya ng produksiyon ni Mr. Tony Tuviera.

Leave A Reply

Your email address will not be published.