Abante Tonite Interactive

Female personality tamad maligo

By
932

Back to back ang ginawang concert ng dalawang magagaling na female performers sa isang bansang napa­kalamig. Nagyeyelo pa naman, kumaka­pak ang kanilang mga baba sa sobrang ginaw, napakasarap nga namang matulog na lang sa tinitirhan nilang hotel.

Pero trabaho ang dahilan kung bakit sila nandu’n, kailangan nilang mag-rehearse at mag-ikot sa kanilang mga sponsors, kaya ginaw na ginaw man ay wala silang pamimilian kundi ang bumangon.

Kuwento ng aming source tungkol kay Female Personality A, “Magaling talaga siyang kumanta, walang question sa husay niya, pero may kamalditahan ang lola n’yo! Madaling mag-init ang ulo niya.

“E, di ba, napaka-religious pa naman niya? Madasalin siya, palaging pangalan ni Lord ang sinasabi niya sa mga interview niya, di ba?
“Pero bakit ganu’n siya? Nagkamali lang ang technician sa rehearsal, e, bumula agad ang bibig niya sa sobrang galit? Ang sabi niya, ‘Mali ‘yang isinalang mo! Sabi ko, cut one, di ba? Leche!’

“Nakakaloka siya, ha? Religious pa naman ang image niya, pero mabilis naman siyang magalit, nagmumura pa siya!” napapailing na kuwento ng aming source.

Si Female Personality B naman ay may kakaibang kuwento, ang ganda-ganda niya, pero may katamaran pala siyang maligo?

Kuwento uli ng aming impormante, “Nakaka-two days na sila, pero hindi pa rin pala siya naliligo, punas-punas lang daw siya, kasi nga, e, napakalamig! E, may hot and cold naman sa hotel nila, bakit hindi pa rin siya naliligo?

“Sobrang oily na tuloy ng mahaba niyang buhok, medyo may kakaibang amoy na rin siya kahit pa spray siya nang spray ng pabango! Maginaw lang, hindi na siya makapaligo?

“Ano ang ginagawa ng hot and cold water sa hotel room niya? Buti naman at nu’ng mismong concert na nila, e, naligo na siya, hindi na oily ang hair niya, ang ganda-ganda pa naman niya!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.
Ha! Ha! Ha! Ha!
***
KathNiel nangangamoy hit sa takilya

Ang isa sa mga barometro kung pipilahan sa takilya ang isang pelikula ay kapag panay-panay ang paghingi ng passes ng mga kababayan natin. Malinaw ang senyal na gusto nilang manood, interesado sila, hindi nila gustong palampasin ang pelikula. Sa pamamagitan ng aming anak-anakang si Ogie Narvaez Rodriguez, consultant ng KathNails ng pamilya ni Kathryn Bernardo, ay nagpadala ng tickets sa aming programa sa radyo ang Solidarity Group nina Daniel Padilla at Kathryn.

Apatnapung tickets ang ipinadala nila para sa isang block screening na gaganapin sa Miyerkules, alas-singko nang hapon, sa Robinson’s Galleria.

Dalawang winners ang pinipili namin, tiglilimang tickets ang premyo ng bawat caller na nananalo, nagulat kami sa resulta ng aming pa-raffle.

Napakaraming nagrereklamo, hindi­ sila makasingit sa sobrang busy ng landline ng Radyo 5, kaya nakikiusap ang aming mga regular na tagapakinig na baka naman puwede na lang silang makahingi ng tickets para mapanood nila ang The Hows Of Us nina Daniel at Kathryn.
Pagkarinig nila ng kanilang pangalan bilang winner ay talagang nagsasadya na agad sila sa aming istasyon para i-claim ang kanilang tickets, mahirap na raw kasi, baka makawala pa sa kanila ang pagkakataong mapanood ang The Hows Of Us.
Sa Miyerkules na ang unang araw ng pagpapalabas ng pinagbibidahang pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, kaya ngayon pa lang ay maliga­yang bati na sa magka-loveteam sa likod at harap ng mga camera, dahil selyado nang magiging matagumpay ang kanilang tambalan mula sa Star Cinema.