Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality tanggap ang nawalang kayamanan

0 675

Pinagtatakahan ng marami kung paano nabubuhay ang isang pamosong female personality na maraming nakakaalam na kasyang-kasya lang naman para sa kanyang mga pangangailangan ang kinikita.

Tapos na ang kanyang panahon. Nagkaroon ng punto sa kanyang buhay na umaapaw ang kanyang bulsa. Milyun-milyon o higit pa ang hinawakan niyang pera dahil sa kanyang kasikatan.

Kuwento ng aming source, “Siya kung tutuusin ang dapat na pinakamayamang artista ngayon dahil sa daang milyones na dumaan sa mga palad niya. Grabe ang dating ng pera sa kanya nu’n, parang baha, umaapaw!

“Kahit ano ang gusto niya, sa isang pitik lang ng daliri niya, e, nakukuha niya. Parang laruan lang ang pera nu’n sa kanya, grabe siyang gumastos!” unang kuwento ng aming impormante.

Pero wala ngang forever. Ang kasikatan ay kumukupas at lumilipas. Nandito pa rin siya hanggang ngayon pero ang bulsa niya ay manipis na.

Patuloy ng aming source, “Hindi kasi siya marunong humawak ng finances niya, saka maraming taong nagsamantala sa kanya.

“Maraming yumaman sa kanya dahil sa sobra-sobra niyang pagtitiwala. Hindi kasi siya mabusisi, hindi siya tulad ng iba na talagang tinututukan ang mga itinatayo niyang negosyo.

“Hanggang sa one day, nadiskubre na lang niya na ubos na pala ang pera niya. At nangyari ‘yun sa panahong hindi na siya masyadong nagkakaroon ng mga projects dahil marami nang nagdatingang artistang mas sikat kesa sa kanya.

“Nakapanghihinayang ang mga biyayang dumaan sa mga palad niya. Kung iningatan lang niya ‘yun, e, siguradong isa pa rin siya sa mga pinakamayamang personality ngayon,” nagmamalasakit pang kuwento ng source.

Ayon sa malalapit sa female personality, kahit minsan ay hindi nila kinakitaan ng depersyon ang singer-actress, tanggap niya ang naganap sa kanyang buhay at career.

SM food to go Banner Ad

Sabi pa ng aming source, “Ibang tao pa nga ang hinayang na hinayang sa mga nawala niyang kayamanan, samantalang siya, e, chill na chill lang. Hindi mo siya makikitang umiiyak, wala, tanggap niya ang nangyari sa buhay niya.

“Iba talaga ang nagagawa ng acceptance, ng pagtanggap sa katotohanan. Nagkakasya na lang siya sa kinikita niya ngayon na hindi naman kalakihan,” pagtatapos ng aming source.

Bong nahawa sa taong labas-masok sa bahay

Sa panahon ng pandemya lang naging parehas ang buhay ng mayaman at ng mahirap. Walang pinipiling estado sa buhay ang coronavirus.

Lahat ay maaaring tamaan, lahat ay puwedeng mabiktima, meron sa buhay o wala ay hindi ligtas sa COVID-19.

Ang pinakahuling naging positibo sa COVID-19 ay si Senador Bong Revilla. Huwag sabihing kulang sa pag-iingat ang aktor-pulitiko? Huwag sabihing hindi siya kumpleto sa mga bitamina at mga pagkaing kailangan para maging matibay ang ating sistema.

Sobra ang pag-iingat ng buong pamilya, hanggang maaari ay hindi na nga sila lumalabas ng bahay, sinusunod din nila ang lahat ng health protocol. Pero kahit anong pag-iingat ang gawin natin ay wala pa rin tayong ligtas kapag may nagpositibo tayong kasama sa bahay.

Ganu’n ang nangyari sa pamilya, may kasama silang labas-masok sa kanilang bahay na nag-uwi ng coronavirus, agarang sumailalim sa swab test ang mag-anak at si Senador Bong lang ang tinamaan at ligtas si Mayor Lani at ang kanilang mga anak.

Nagpa-quarantine agad si Senador Bong, isa sa pinakamabisang paraan sa hindi pagkalat ng salot ang paghiwalay ng tirahan, wala nang dapat ipangamba ang mga tagasuporta ni Senador Bong Revilla dahil naagapan agad ang kanyang kalagayan.

Walang sinisino ang COVID-19. Walang mayaman at mahirap sa salot na ito. Tripleng pag-iingat talaga ang kailangan para sa ating kaligtasan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.