Abante Tonite Interactive

Female personality tapos na ang pambubulabog sa suking bugaw

By
0 732

tonite-no-thanks-cristy-ferminTapos na ang kalbaryo ng isang female personality na dati’y kailangan pang kumontak sa kanyang suking Boogie Wonderland kapag may matindi siyang pangangailangan.

Tandang-tanda pa ng kanyang mga kumare sa dyokaran ang panahon kung kailan niya kailangang-kailangan ng booking — tuwing katapusan ng buwan.

Kuwento ng aming source, “Kasi nga, e, ‘yun ang time ng bayaran ng ilaw, tubig, hulog sa kotse at bayad sa inuupahan nilang bahay.

“E, wala na siyang raket nu’n, wala na siyang mga projects, wala siyang ibang maaasahan dahil wala rin namang trabaho ang karelasyon niya!

“Saan siya kukuha ng pambayad sa lahat ng ‘yun? May nagturo sa kanya, sandaling oras lang naman ang kailangan niyang ipuhunan sa raket. Wala pang kalahating araw.

“Ayun, kaya buwan-buwan, e, rumaraket siya. Dalawang negosyo ang pinasok niya para siya kumita nang mabilisan, ang pagtitinda ng bibingka at ng karneng buhay.

“Matagal din niyang ginawa ang ganu’n, walang kaproble-problema ang karelasyon niya, naghihintay lang ng dating ang mhin, dahil ang girl nga ang naghahanap ng kabuhayan showcase nila,” mahabang kuwento ng aming impormante.

Pero natuldukan na ang mga sakripis­yo ng female personality, maayos na ang buhay nila ngayon ng kanyang karelasyon, hindi na niya kailangang bulabugin ang suki niyang Boogie Wonderland para ihanap siya ng booking.

Patuloy ng aming source, “Akalain n’yo ‘yun? Kapag para sa iyo talaga ang biyaya, anuman ang mangyari, e, para sa iyo talaga ‘yun, walang makahaharang!

“Mayaman na ngayon si kumare, nasusunod na niya ang mga granatsa sa buhay na ipinagdamot sa kanya nu’n at iginagalang pa siya ngayon sa community nila.

“True, kagalang-galang na siya nga­yon, may posisyon na siya sa kanilang lugar, wala siyang katalu-talo du’n dahil mahal na mahal siya ang kanyang mga constituents!” madiin pang kuwento ng aming source.

 

Bato sablay sa ‘Ang Probinsyano’

 

Maraming hindi nagkagusto sa naging pahayag ni dating PNP Chief Bato dela Rosa nang hi­ngan siya ng pahayag tungkol sa seryeng Ang Probinsiyano.

Hindi naging maganda sa panlasa ng ating mga kababayan ang kanyang sinabi na nobenta’y otso porsiyento ang ipinakikitang hindi kagandahang imahe ng mga pulis sa pinagbibidahang serye ni Coco Martin.

Sa kanyang pananaw ay dalawang porsiyento lang daw naman ang bilang ng mga tiwaling pulis, kaya ‘yun daw ang kailangang ipakita sa serye, puro magagandang ehemplo lang daw ng mga kapulisan ang dapat binibigyan ng espasyo sa Ang Probinsiyano.

Aysus, kabarus, Vito Cruz, Sta. Cruz! Nasa tamang huwisyo kaya ang dating PNP chief nang bitiwan niya ang paha­yag na ‘yun? Dalawang porsiyento lang ang kabuuang numero ng mga pulis na gumagawa ng mga tiwaling trabaho at ilegalidad?

Nanonood naman siguro ng mga pambalitaang programa si General Bato dela Rosa. Du’n pa lang ay matitimbang na niya kung ilang porsiyento talaga ng mga kapulisan ang nagbibigay ng bahid sa kanilang dapat ay kagalang-galang na hanay.

Huwag naman sanang diktahan ang programang nagpapakatotoo lang naman. Kung ganu’n ang gustong mangyari ni General Bato ay siguradong sisisid pailalim sa dagat ang rating ng serye.

Ang pagiging totoo nga ng Ang Probinsiyano ang dahilan kung bakit tatlong taon nang binabanat-banat ang ikot ng kuwento ng serye ay nananatili pa rin ‘yun sa ituktok ng tatsulok ng rating.

Dahil ang seryeng ito ay salamin ng ating lipunan. Hindi man sadya ay ‘yun ang totoong nagaganap sa ating bayan.
Mahirap bang tanggapin ‘yun?