Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality tinabla ng network

0 449

Aminado ang mga kaibigan ng isang pamosong female personality na nakaapekto sa kanya nang todo ang pagsasarado ng pintuan sa kanya ng isang higanteng network.

Nu’ng una raw ay itinawa lang ng babaeng personalidad ang nakarating na kuwento sa kanya na hindi na siya papipirmahin ng bagong kontrata ng istasyong dalawang dekada niyang pinaglingkuran.

Unang kuwento ng aming source, “Nagyabang pa siya nu’ng may nagkuwento sa kanya na wala na siyang contract, tinanong pa niya ang nagkuwento sa kanya, ‘Can they afford to lose me?’

“Akala siguro niya, e, hindi totoo ‘yon, wala siyang kaalam-alam na pinag-usapan na pala ‘yon ng mga executives, talagang hindi na siya papipirmahin ng bagong contract,” sabi ng aming impormante.

Ilang beses silang nagkita, network contract ang gusto ng female personality, pero hanggang program contract lang ang gusto ng network.

Patuloy ng aming source, “Ang akala niya talaga, e, ganu’n pa rin siya ka-powerful sa istasyon, pero wala siyang nagawa, hanggang sa tuluyan na niyang natanggap na hindi na siya papipirmahin pa ng bagong contract.

“Marami siyang tinawagan, napakasama ng loob niya, hindi raw niya akalain na magagawa ‘yon sa kanya ng network na sobra-sobrang natulungan ng family niya.

“Pero nakapagdesisyon na ang mga executives, no more contract for the female personality,” kuwento uli ng aming source.
Inatake ng depresyon ang babaeng personalidad, hindi niya matanggap-tanggap ang katotohanan na basta na lang siya binalewala at itinapon ng kanyang istasyon, napakalaking sampal nu’n sa kanya.

“Marami siyang tinawagang friends niya sa network, inaalam niyang mabuti kung sino ang nag-decide na hindi na siya papirmahin ng network contract. Bakit biglang program contract na lang ang puwedeng ibigay sa kanya?

“Walang masabi ang mga tinanong niya, alam ng mga kausap niya ang dahilan, pero ayaw ng mga kaibigan niya na sa kanila manggagaling ang dahilan.

“Mula nu’n, nagkawindang-windang na ang buhay ng female personality, naging nega na ang takbo ng utak niya, lalo na’t dumalang pa ang kumukuha sa kanya para sa mga product endorsements.

“At dahil din du’n kung bakit marami na siyang nararamdaman, palagi na siyang nagkakasakit, hindi niya ‘yon maidedenay. Isa siyang reynang tinanggalan ng upuan,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Yen ‘sugar mommy’ ni Paolo

Talagang ayaw tantanan ng mga Maritess sina Paolo Contis at Yen Santos. Halos humiwalay na ang kanilang leeg sa ulo nila sa kadedenay na wala silang relasyon pero walang naniniwala sa kanila.

Alam ng marami na nagkakaila lang sila, pero hindi naman nag-iingat, dahil kung saan-saan sila nakikitang magkasama at magkahawak-kamay pa.

Ang pagpapakilala nina Paolo at Yen sa kanilang mga sarili ay magkaibigan lang sila. Magkaibigang nagsisiping, nagmamahalan, ‘yon naman ang mas pinaniniwalaan ng mga sumusubaybay sa kanilang mga galawan.

Sa kasagsagan ng kanilang pagdedenay ay magkasama silang nakita sa Baguio, sa Boracay, sa isang shopping mall at sa isang sosyal na restaurant na masayang-masaya.

Sabi pa ng isang Marites, “Punumpuno sila ng kasinungalingan. Ano ba namang aminin na lang nila na sila talaga, di tapos! Wala raw silang relasyon, friends lang daw sila, isaksak nila ‘yon sa baga nila!”

Tinatawanan lang ni Paolo ang mga kuwentong lumalabas tungkol sa kanila ni Yen, deadma rin ang dalaga, asar-talo ang labanan nila ng mga Marites na ayaw silang tantanan.

At masakit din ang komento ng mga Marites laban kay Paolo, ang sabi, “Rich kasi ang girl, kailangan siya talaga ni Paolo, lalo na ngayong matumal ang kanyang trabaho.”

Sabi naman ng isa pa, “Napakabatang sugar mommy ni Yen, pero siguradong tanggap niya ‘yon, mahal niya naman ang pinagkakagastusan niya!”

Aray naman!

Leave A Reply

Your email address will not be published.