Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality tinago ang kinitang milyones

0 295

Mahusay humawak ng pananalapi ang pamilya ng isang kilalang female personality. Hindi nasasayang ang kanyang pinagpupuyatan at pinagpapaguran.

Nailalagay sa ayos ang kanyang kinikita, nagpupundar sila ng mga ari-arian at nagnenegosyo, walang napupunta sa mga walang kuwentang bagay.

Pero hindi naman tinitipid ng kanyang pamilya ang female personality, nabibili niya ang kanyang gusto, kinaiinggitan pa nga ng mga kakontemporaryo niya ang mga kagamitan ng babaeng personalidad.

Kuwento ng aming source, “Ang ginagaya ng parents niya, e, ‘yung isang sikat na female personality na naingatang mabuti ng parents ang kinikita. Maraming negosyo ang pamilya.

“’Yun mismo ang peg ng mga magulang ng female personality, kaya tingnan n’yo naman, parang kabuteng sumusulpot din ang business nila,” unang kuwento ng aming impormante.

May kinitang milyones ang female personality ilang taon na ang nakararaan, idinedenay nila ‘yun, pero alam ng mga taong may kinalaman sa transaksiyon ang nangyari.

Kuwento ng aming impormante, “Totoo naman ‘yun, kaya lang, hindi nila inamin dahil magkakaroon ‘yun ng issue, bawal kasi sa female personality ang pinasok niyang transaksiyon.

“So, may-I-deny sila, pero ang kinita niya du’n sa transaction na ‘yun ang ipinampuhunan nila sa mga business na pinasok ng pamilya.

“Parang itinago lang muna ang datung, pero nu’ng magtagal-tagal na, e, inilabas na rin nila para sa kanilang negosyo. At wala namang masama du’n, pinaghirapan naman ng girl ang milyones na tinanggap niya.

“Kung sana, e, galing ‘yun sa isang transaksiyon na hindi legal, nagkataon lang na hindi nila maamin ang totoo dahil bawal sa kanila ang ganu’n.

“At hindi lang naman siya ang kumita, pareho lang sila ng boyfriend niyang male personality, kaya it’s a tie!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ivana ‘di siniraan sina Derek, Gerald

Hindi naging maganda sa panlasa ng marami nating kababayan ang diumano’y pagsasabi ng sexy actress na si Ivana Alawi na hindi niya type sina Derek Ramsay at Gerald Anderson.

Mukhang dugyot daw kasi si Derek at mukhang mabaho naman si Gerald. Natural, maraming na-shock, parang lumilipad na raw sa ere si Ivana dahil lang sa isa na siyang sikat na vlogger na kumikita nang milyones buwan-buwan.

Mabuti na lang at nu’ng pinag-uusapan namin ‘yun ni Romel Chika ay nag-post agad ng reaksiyon ang kanyang manager na si Perry Lansigan.

Ayon sa manager ni Ivana ay hindi raw ganu’ng klase ng tao ang kanyang alaga. Nananatili pa ring low key ang sexy actress at hinding-hindi mo maaasahang naninira ng kanyang kapwa.

Kunsabagay, nakakaaliw ang dalagang ito na maglaba lang nang nakabukaka ay milyon na agad ang views, mapupuri rin ang pagiging mabuti niyang anak at kapatid sa mga inilalabas niyang vlog.

Huwag sanang matulad si Ivana sa mga mas naunang personalidad sa kanya na nu’ng kasagsagan ng popularidad ay negang-nega ang mga salitang lumalabas sa bibig.

Para bang bigla silang nabigyan ng pasaporteng manglait ng kanilang kapwa dahil sikat nga sila at kinaaaliwan ng publiko. Nu’n ‘yun.

Pero nang mabawasan na ang ningning ng kanilang bituin, nang ipanganak na ang mas bata at mas kinaaaliwan ng publiko ay biglang sadsad ang kanilang karera, naputulan sila ng sungay dahil wala na silang dating sa ating mga kababayan.

Ingat lang sa pagsasalita dahil wala nang artistang ligtas ngayon sa bashing, kung gusto nga raw maging kontrobersiyal ng artista ay magbitiw lang ito ng nega, kasunod na nu’n ang bashing sa social media.

Leave A Reply

Your email address will not be published.