Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality tinamaan sa komedyante

0 1,059

Totoo pala ang kuwentong tinamaan ang puso ng isang pamosong female personality sa isang nagkokomedyang lalaking personalidad.

Akala ng marami nu’n ay gimik lang ang kunwari’y pagkakaroon nila ng lihim na relasyon sa kanilang pinagsasamahang programa pero totoong-totoo na pala ‘yun para sa babaeng personalidad.

Kuwento ng isang source, “Matindi talaga ang tama sa kanya nu’ng girl, pinagseselosan nga nu’ng female personality kahit ang mga staff na malapit du’n sa komedyante, e!

“Madaling ma-in-love ang babaeng ‘yun! Di ba, nu’n minsan, e, minahal din niya ang isang director na becki? Alam niya naman ang gusto ng direktor, pero nagparamdam pa rin siya!” unang kuwento ng aming impormante.

Kaso, hindi natuloy ang gustong mangyari ng female personality, may girlfriend na ang pamosong komedyante.

Patuloy ng aming source, “Mainit ang ulo ng lola n’yo kapag hindi siya binibigyan ng attention ng komedyante! Naiinsulto siya!

“Kaya ang inis niya, e, nasesentro sa staff ng show nila. Ayaw niya ng may maingay sa set, bawal ang mag-ingay sa may dressing room niya, marami siyang ipinagbabawal!

“Ibang klase rin ang babaeng ‘yun! Marami siyang kaartehan, kaya ang mga production staff niya, e, palaging may reklamo sa host nila!

“Nu’ng malaman na niyang wala talaga siyang chance na magetlak ang puso ng komedyante, e, bumitiw na rin siya. Siya naman ang nangdededma sa guy!

“At dahil kailangang ipakita niya na may magkakagusto pa rin sa kanya, pagkatapos lang nang ilang buwan, e, meron na siyang boyfriend!

“Afam ang pinili niya, di ba naman? Maligaya na siya ngayon sa piling ng foreigner, hindi na nagluluksa ang puso niya dahil sa komedyante!

“Totoo ‘yun! Nainlabey siya sa komedyanteng naging malapit sa kanya!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Vice never kapamilya forever kay Leah

Siguradong isa sa mga natuwa dahil sa pagkakaroon ng technical problem ng Vice Ganda network ay ang dating singer na si Leah Navarro.

Bago pa ang paglulunsad ng sariling network ni Vice Ganda ay pinatambisan na siya ng singer, ang sabi nito, “No wonder, she seemingly ignored the shutdown. To Vice Ganda, ABS-CBN was a cash cow, and once slaughtered by Congress, it’s easy to abandon and go her own way.

“She was never really a Kapamilya forever!” napakadiing paghusga ni Leah Navarro sa sikat na komedyante.

Interpretasyon ng singer ay ginawa lang gatasan ni Vice ang ipinasaradong network, pera-pera lang ang kanyang laban, wala ang kanyang puso.

Kinukuwestiyon din ng mas nakararami ang mabilisan niyang pagkakaroon ng sariling network, ginaya raw niya ang sikat na banyagang TV host na si Oprah Winfrey, palibhasa’y bilyonaryo na siya ngayon.

Sabi ng isang source na nakausap namin, “Sa mga unang araw pa lang ng hearing sa Kamara, alam na ni Vice ang mangyayari, kaya nu’n pa lang, e, gumagalaw na siya para sa personal interest niya!

“Inaayos na niya ‘yun dahil alam niyang napakalaki ng mawawala sa kanya kapag nagsarado ang istasyon nila, kailangan niyang isalba ang career niya!” sabi ng aming source.

At nu’ng Sabado nga nang gabi habang nag-aabang na ang kanyang mga tagasuporta lalo na ang kanyang mga Little Ponies, ay nagkaroon ng problemang teknikal, hindi nagbukas ang kanyang network kaya agaran siyang humingi ng paumanhin.

Babawi na lang daw siya sa susunod, hindi nga naman kasi naiiwasan ang mga ganu’ng senaryo, na tinanggap naman ng kanyang mga tagahanga.

Isang source ang nagsabi, “Napakabilis niya kasing lumundag, kabayong-kabayo talaga ang peg ni Vice, kaya ayan, paano na?”

Leave A Reply

Your email address will not be published.