Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality tinapon ng network

0 1,189

Hanggang ngayon ay parang matinding bangungot pa rin ang naganap sa karera ng isang popular na babaeng personalidad. Siya ang nagpatotoo sa kasabihan na kahit sino ka pa ay puwede kang mawala sa ipinagmamalaki at ipinagyayabang mong posisyon.

Sino nga ba ang mag-aakala na sa isang iglap lang ay biglang naglaho sa balat ng telebisyon ang pamosong female personality?

Kuwento ng aming source, “Tama, kung siya nga na tinatawag na reyna sa kinauupuan niya, e, natsugi, sino pa ang hindi? Kanino pa hindi puwedeng mangyari ang inabot ng babaeng ‘yun?

“Imagine, nakaupo na siya sa pedestal, anumang gusto niya, e, nakukuha niya, pero anyare? Basta ganu’n lang, bigla na lang siyang nawala sa sirkulasyon na pinagrereynahan niya dati!” napapailing na unang hirit ng aming impormante.

Sino nga ba ang mag-aakala na kayang-kaya pala siyang itapon ng istasyong pinagreynahan niya? Hindi niya ‘yun inasahan, hindi niya naisip na puwede pala siyang tsugihin nang walang kalaban-laban, sa totoo lang.

Balik-chika ng aming source, “Siya na kapag bumababa ang rating ng show niya, e, bigla na lang nagbabagong-anyo! Nagwawarla siya! Bakit daw ganu’n, ano ang nangyari?

“‘Yun ang nagpapainit nang todo sa ulo niya, wala siyang makasundo, hindi niya matanggap na meron palang kakabog sa kanya! Siya na napakatalino, siya na napakasosyal, siya na galing sa buena familia, ano ang karapatan ng kahit sino na talunin siya?

“Sobra na siyang naniwala sa capacity niya, sobrang sinaluduhan na niya ang talent niya, kaya malayo sa utak niya ang pagkatalo. Hindi niya ‘yun kayang tanggapin!” sabi pa ng aming source.

Pero talagang ganu’n ang buhay, kailangan niyang tanggapin ang kaganapan, walang humabol sa kanya at talagang pinagsaraduhan siya ng mga pinto at bintana ng balwarteng pinagreynahan niya.

“Up to now, e, hindi pa rin niya matanggap ang nangyari sa career niya, pinakamalungkot pa rin siyang personality ngayon, dahil biglang gumuho ang karera niya.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“Palabasa naman siya ng mga libro, siguradong naengkuwentro na rin niya ang nobelang ‘The Sun Shines Down,’ ganu’n na ganu’n mismo ang nangyari sa career niya!” pailing-iling pa ring pagtatapos ng aming impormante.

Julia ‘binugbog’ sa pagpanggap

Lahat na yata ng terminong puwedeng gamitin bilang pakahulugan sa pagiging sinungaling ay inilalapat na kay Julia Barretto. Ang dahilan, ang nananahimik na isaw, ang pagkaing-kalye na pinagpipistahan ng ating mga kababayan.

Hindi kasi nag-iingat si Julia. Nu’ng pinakakain siya ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson sa vlog nito ay meron pa siyang pagkamut-kamot ng ulo at linyang, “Sige, I’ll do it for you,” sabay kain ng isaw, na para siyang ilag na ilag sa nakadurong bituka ng baboy.

Tinatawag siya ngayong pathological liar, chronic liar, super-sinungaling at kung anu-ano pang pangtukoy sa pagiging sinungaling.

May nakahalughog kasi sa kanyang video ilang taon na ang nakararaan na sarap na sarap pa siyang kumakain ng isaw kasama si Ronnie Alonte. Naku, minarkahan siya ng mga netizens, lalo na ng kanyang mga bashers, pasosyal pa raw si Julia na kiyeme-kiyemeng hindi kumakain ng isaw pero sarap na sarap naman pala siya sa pagkaing-kalye na ‘yun?

Bina-bash siya nang todo ngayon sa social media, ano pa raw ang hindi aaminin ni Julia, meron pa ba? Sabi ng isang basher, “Isaw nga lang, e, hindi pa niya maamin na kumakain siya, aaminin pa ba niyang inekokan niya sa ulo si Joshua Garcia?”

At may isa pa, “Ano pa ba ang isinubo niya sa bibig niya na aaminin niya? Natural, hindi rin niya aaminin ‘yun na tulad ng isaw!”

Ang makasaysayang isaw… bow!

Leave A Reply

Your email address will not be published.