Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality tinikman ang hunk actor sa bahay

0 358

Walang kaingay-ingay ang senaryong ito na naganap ilang taon na ang nakararaan. Walang naging isyu sa pagiging close nu’n ng isang sikat na female personality at ng isang kilalang hunk actor.

Nagkasama sila sa isang TV commercial pero hanggang du’n lang ang lahat, wala nang naging kasunod pang mga kuwento, pero marami pala.

Kuwento ng aming source na may malalim na nalalaman tungkol sa mga naganap sa dalawa, “’Yon ang akala ng marami! Na pagkatapos ng ginawa nilang TV commercial, e, tapos na ang kuwento! Hindi! Marami pang ganap!

“Hindi lang ‘yon lumabas dahil hindi kiss and tell ang guy, tahimik lang siya, sinabihan niya siguro ang female personality na huwag na huwag magsasalita tungkol sa mga nangyayari sa kanila!” unang rebelasyon ng aming source.

So, may mga nagaganap nga pala, ang babae mismo ang nagsasadya sa bahay ng hunk actor, hindi nagaganap ang paglipad nila sa kaligayahan sa ibang place, sa house lang ng hunk actor!

Balik-chika ng aming source na napapailing habang inaalala ang nakaraan, “Grabe pala talaga ang girl! Kung ano ang gusto niya, kailangang makuha niya sa kahit anong paraan!

“Hindi siya makapapayag na hindi niya makuha ang mga bagay-bagay, pati mga tao kapag gusto niya talaga! At wala siyang pakialam kung meron nang karelasyon ang guy!

“E, may girlfriend nu’n ang guy, kaya lang, may ginawang trabaho sa ibang bansa. Matagal-tagal na panahon ding nawala ang karelasyon ng hunk actor!” sabi pa ng aming impormante.

Hindi puwedeng hindi lumabas ang kuwento dahil may mga kasambahay ang hunk actor. Hindi pa uso ang mga Marites nu’n pero lumabas pa rin ang kuwento dahil hindi naman kontrolado ng guy ang bibig ng mga maid-of-cotton niya.

Dagdag na impormasyon pa ng aming soure, “Napakalakas naman pala kasi ng bibig ng girl kapag may ginagawa na sila ng hunk actor! Naririnig ‘yon sa labas, hindi pa naman maitatago ang klase ng voice ng girl!

“Aysus, maitatago niya ang ibang bagay, pero ang boses niya, alam na alam ‘yon ng buong bayan! Araw-araw na naririnig ‘yon, sikat na sikat siya nu’ng mga panahong ‘yon, kaya buking na buking siya talaga!

“Haaaay! Ibang klase talaga ang girl! What she wants, she really gets!” nalolokang pagtatapos ng aming source.

Vice niresbakan ‘kapit sa patalim’

Nagtatawagan ang mga kaibigan naming matagal nang naninirahan at nagtatrabaho sa iba-ibang bansa. May mga kimkim silang saloobin na kailangan nilang pakawalan.

Nag-uusap kami tungkol sa mga nagaganap sa politika sa ating bayan ngayon pero mas tumutok ang aming paksa kina Vice Ganda at Juliana Pariscova. Kakaiba talaga ang ating lahi. Kapag may kababayan tayong inaapi ay niyayakap natin.

Walang binanggit na pangalan si Vice Ganda nang maglitanya siya tungkol sa isang personalidad na kumapit na sa patalim dahil sa kahirapan ng buhay nito. Nakakaawa raw naman ang komedyante, kaawaan daw dapat ito, kaya pumayag nang maging troll at basher.

Ang mga kababayan natin ang nagpalagay na ang tinutukoy na personalidad ni Vice Ganda ay ang nanalo sa “Miss Q And A” ng kanilang programa na si Juliana Pariscova. Wala na raw iba dahil si Juliana ang bumida sa mga Len-Len series ni Direk Darryl Yap.

Sabi ng kausap namin mula sa Switzerland, “Nakakaawa naman si Juliana, Vice even said na nanghihingi raw ng pera sa kanila ‘yong tao through G-Cash. It turned out na hindi naman pala.

“Saka siya ang binabakbakan ngayon ng mga naiinis sa kanya, kaya lang daw niya naging boyfriend or asawa si Ion Perez, e, dahil kumapit din sa palatim ‘yong guy!

“Vice and his big mouth! Sumosobra na ang yabang niya, wala nang nakaka-control sa bibig niya! Sana lang, isip-isip din muna kung may mga masasaktan sa sinasabi niya.

“Huwag sana niyang sayangin ang mga pinaghirapan niya. Learn a lesson or two sa mga dating sikat na sumobra ang yabang kaya ano ang nangyari sa kanila, bagsak!” komento ng aming kaibigan.

Sabi naman ng isa pa naming kausap mula sa West Virginia, “We don’t kick a dying dog. Tinutulungan natin.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.