Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality tinipid ng ermat sa lafang

0 285

Nag-uwian nang lahat ang mga dating kasambahay ng isang kilalang female personality. Nagtandaan na ang mga ito, kung paanong nagkakaedad na rin ang babaeng personalidad, kaya kailangan na silang maghiwa-hiwalay.

Walang masasabi ang mga kasambahay sa female personality, palagi lang daw siyang tahimik, ang hindi makakalimutan ng grupo ay ang kanyang mommy.

Kuwento ng aming source, “Bihira lang daw nilang makita ang female personality, palagi naman kasi siyang busy nu’ng kasagsagan ng kanyang career. Ang mommy niya ang palaging nasa bahay lang.

“Kapag wala raw work ang female personality, e, nasa kuwarto lang siya, marami siyang pinagkakaabalahan du’n, kaya hindi siya nakikita ng mga maids nila,” buwena-manong kuwento ng aming impormante.

Ibang klase kuno ang kasinupan sa datung ng mommy ng female personality. Talagang hindi ito naglalabas nang basta-basta ng pera sa kanyang wallet.

“Sobrang kuring ang mommy niya. Grabe ang kakuriputan! Nakatungtong sa numero ang mga kasambahay sa paggalaw, bilang na bilang ang mga kilos nila.

“May susian ang refrigerator ng mommy niya. Walang basta-basta makapagbukas nu’n dahil nasa kanya ang susi. Isang nasa bedroom niya, saka isang nasa kitchen. Parehong may lock ang mga ref.

“Kunwari, may natirang ulam, nasa ref na agad ‘yon, hindi puwedeng galawin ng mga kasambahay. Puro pangat ang ulam ng female personality—pangalawa at pangatlong init na ang food para hindi raw mapanis at masayang.

“Siguro nga, kaya payatot ang female personality, e, dahil ganu’n kakuring ang mommy niya. Kung ano ang nasa table, kailangan niyang kainin,” madiing kuwento pa ng aming source.

Kapag may bisita sila ay walang ibinibigay na pameryenda ang mga kasambahay, tubig lang, dahil ‘yun ang turo sa kanila ng mommy ng female personality.

“Nabubulukan nga sila ng cake. Ayaw kasing ipakain ng mommy niya sa mga kasambahay. E, mga regalo lang naman ‘yun sa kanya kapag nagge-geust siya sa TV.

“Hanggang ngayon, naaalala pa rin ng mga kasambahay ang sobrang kakuriputan ng mommy ng female personality. Naaawa raw sila sa girl dahil patay-katawan sa pagtatrabaho pero pinagkukuriputan pa sa food ng mommy niya!

“Nu’ng minsan ngang parang hihimatayin na ang girl sa concert niya, e, isa lang ang naisip ng mga maids. Nagutom siguro siya, kaya biglang nanglata at nanghina. May concert queen nga ba namang ganu’n?” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Tom grabe ang ‘kademonyohan’

Napakawalanghiya ni Tom Rodriguez, napakasarap nitong itali sa langgaman. Punumpuno ng kademonyohan ang kanyang utak. Ang isang tulad ni Tom ay dapat maparusahan.

Bago pa mag-isip ng kung ano ang nagbabasa ng komento ay hindi sa totoong buhay ang galit kay Tom ng ating mga kababayan. Ang hugot nu’n ay sa kanyang ginagampanang papel bilang si Bryan.

Sa Tow World Between Us ‘yon, kung saan pinalabas ng kontrabidang aktor na si Louie Asuncion ang pumatay kay Ms. Rachelle, sa pagtatraydor ni Yachie.

Pero dahil sa kawalanghiyaan ni Tom ay lumutang ang husay sa pagganap ni Alden Richards bilang si Louie. Markado ang eksenang namuo ang luha ni Alden nang makitang patay na si Dina Bonnevie, sabay bagsak ng luha sa magkabila niyang pisngi, hindi nga basta guwapo at sikat lang ang Pambansang Bae.

Pataas na nang pataas ang pananabik ng manonood sa serye, grabe na ang mga bintang na ipinaaamin kay Louie, na mas naglalantad naman ng galing sa pagganap ni Alden Richards.

Sagad na ang kawalanghiyaan ni Tom na kinakambalan pa ng kademonyohan ni Sid Lucero para lang maagaw nito ang pagmamahal ni Jasmine Curtis kay Alden.

Sabi ng kaibigan namin nu’ng Biyernes nang gabi, “Sana, wala nang Sabado at Linggo, Lunes na sana agad, para mapanood ko na uli ang episode ng The World Between Us.”

Ganu’n ang pagkasabik ng manonood kapag sapul na sapul na sila ng mga eksena sa isang serye. Sobrang kinakawawa ang bida, pinahihirapan, kaya ang pagresbak ng bida ang kanilang pinakahihintay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.