Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality todo selos sa partner ng action star

0 186

Balitang-balita na selos ang dahilan kung bakit ipapasok na ngayon sa isang matagumpay na serye ang tunay na karelasyon ng male personality na bumibida sa istorya.

May nagsasabing tuloy na tuloy na ang pagsasama sa female personality sa ikot ng kuwento ng serye, pero meron namang mga kumokontra, wala raw katotohanan ‘yun.

Pero kuwento ng aming source, “Ipapasok ang girl sa serye, in fact, may mga kinokontak nang ibang personalities ang production para sa bagong twist ng kuwento.

“Kumukuha na ng gaganap bilang tatay nu’ng female personality, pati ang mga magiging kapamilya niya sa istorya, nakahanda na ang script,” umpisang kuwento ng aming source.

Selos ang itinuturong dahilan kung bakit ipapasok na ang bagong karakter sa serye, matindi raw kasi ang pagseselos niya sa kasalukuyang love interest ng kanyang karelasyon sa kapareha nito sa programa, kaya kailangan nang mabantayan niya ang lalaki.

Patuloy ng aming impormante, “Napakatagal nang kumakalat ang kuwentong may kakaibang relasyon ang bida at ang gumaganap na misis niya sa kuwento. Marami nang nakakaalam nu’n!

“Siguro nga, e, ngayon lang naisip ng female personality na mukhang totoo na ang mga lumalabas na kuwento, maraming kinikilig sa tambalan ng BF niya at ng girl, kaya nagising siyang bigla!

“Sabi siguro ng girl, e, teka lang naman muna, sila ng bida ang tunay na magkarelasyon, kaya bakit hindi na lang siya ang gumanap na bagong pag-ibig ng male personality sa kuwento ng serye?

“At mukhang nanalo ang girl dahil may bagong direksiyon na ang takbo ng kuwento. Mapupunta na ang partner ng bida sa isa pang male personality, saka naman papasok ang tunay na girlfriend ng bida sa istorya!

“Alam naman natin ang kalakaran sa mga serye, kapag may gustong tanggalin ang production sa istorya, bigla na lang siyang papatayin sa kuwento.

“Juice colored! Napakadaling gawin nu’n! At kapag may gusto naman silang ipasok na bagong character, kayang-kaya rin nilang gawan ‘yun ng paraan!

“Abangan na lang natin kung matutuloy ang pagpasok ng tunay na karelasyon ng action star sa serye!” napapatawang pagtatapos ng aming impormante.

Raffy sumbungan ng mga pasaway na artista

Palaging laman ng mga entertainment columns ang walang inuurungang broadcaster na si Raffy Tulfo. Ang linya ng matapang na news anchor-komentarista ay public service pero showbiz na showbiz din ang dating ng sinusubaybayang Tulfo ng ating mga kababayan.

Ang sagot ay napakasimple lang. Sa kanya rin kasi nagrereklamo ang mga artista, sa kanyang mga programang Tulfo in Action at Wanted Sa Radyo rin inirereklamo ang mga personalidad, kaya nagiging talk show ang dating ng kanyang mga shows.

Go with the winner siyempre ‘yun dahil may 16 million followers na si Raffy Tulfo sa YouTube, napakalawak ng kanyang nasasakupan, kaya natural lang na sa kanya lumalapit ang mga inaaping walang kalaban-laban.

Marami nang artistang nagrereklamo kay Raffy Tulfo, kung paanong maraming personalidad na rin ang inaakusahan sa kanyang programa, malaking balita agad ‘yun lalo na kung sikat ang artistang inirereklamo at nagrereklamo.

Ang pinakahuli ay ang pagsusumbong sa kanyang programang Wanted Sa Radyo ng kinakasama ni Super Tekla, matitindi ang akusasyon ni Michelle Bana-ag kontra sa magaling na komedyante, seksuwal ang reklamo nito na ayon sa resident lawyer ng WSR ay may mga katapat na kaparusahan.

Sabi naman ng kaibigan naming propesor, “Kapag lumapit ka kasi kay Raffy Tulfo, feeling mo, e, may solusyon na agad ang problemang inilapit mo.

“And he’s so generous, dalawa lang sila ni Willie Revillame na naiisip kong may puso para sa mga kababayan nating maliliit, wala nang iba,” papuri ni prop.

Leave A Reply

Your email address will not be published.