Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality todo selos sa tropang lalaki ng dyowa

0 285

Kahit pa siguro sabay na umakyat sa ituktok ng bundok at sumigaw na hiwalay na sila ang isang magka-loveteam sa harap at likod ng mga camera ay wala nang maniniwala pa sa kanila.

Pakiramdam ng mas nakararami ay ginagawa lang na laro ng magkarelasyong ito ang pag-ibig, kapag napagtripan nilang sabihin na hiwalay na sila ay bigla nilang isinisigaw, pero ang totoo ay hindi naman.

Kuwento ng aming source, “Nakakaloka ang magkarelasyon na ‘yun, para silang syunga! Sabi sila nang sabi na nag-break na raw sila, pero kumustahin n’yo naman sila at araw-araw din silang magkasama!

“Nagpupunta pa rin ang girl sa bahay ng guy, nagluluto pa nga, paano sila nag-break kung ganu’n din naman ang ginagawa nila?” natatawang-naiinis na unang komento ng aming impormante.

Ilang beses nang pinalutang ng magkakarelasyong ito na tapos na kuno ang lahat sa kanila. Pero wala pang ilang araw ay heto na naman sila at nagkabalikan na naman.

Patuloy ng aming source, “Saan ka naman makakakita ng hiwalay na raw na palagi namang nakikitang magkasama na nagba-bar hopping? Break na raw sila, pero para naman silang mga lovebirds na tukaan nang tukaan?

“Madalas din silang nakikitang masayang nagbi-beach? ‘Yun ba ang hiwalay, lalo pa ngang super-sweet sa isa’t isa? Nakakaloka ang dalawang ito!” naiinis pa ring kuwento ng aming source.

Sobrang insecure at selosa pala ang female personality. Hindi lang babae ang kanyang pinagseselosan kundi pati ang mga katropang lalaki ng kanyang boyfriend.

“Hanggang ngayon, kulang na kulang sa tiwala sa sarili niya ang girl. Maganda naman siya, sexy, magaling umarte, ano pa ba naman ang kailangan niyang ika-insecure?

“Dahil ba sa sobrang guwapo ang boyfriend niya? Dahil ba sa lapitin ng mga kababaihan at becki ang guy? Hindi siya mapakali, kapag nalaman niyang nasa bar ang boyfriend niya kasama ang mga kaibigang lalaki, uma-appear ang lokah!

“Nakikipagnomo-nomo na rin siya dahil wala naman siyang choice kundi ang makipag-inuman na lang! Kulay red lang talaga ang paborito niya, hindi na siya mababaklas sa kulay na ‘yun!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming source.

SM food to go Banner Ad

-o0o-

Alden type pabagsakin

Isang palatandaan na hindi pa rin natitinag sa kanyang posisyon bilang isa sa mga pinakasikat na personalidad si Alden Richards ay ang kaliwa’t kanang pagpansin sa kanya ng mga taong kulang na kulang sa gagawin sa maghapon.

Kapag abala ang tao ay hindi niya papansinin ang mga ginagawa ng kanyang kapwa, hindi siya magbibigay ng panahon, pero maraming ganu’n sa Pambansang Bae.

Literal na parang isda sa aquarium si Alden Richards para sa mga taong walang magawa at may minamanok sigurong kalaban niya sa popularidad.

Lahat na lang ng gawin niya ay kinokontra ng mga taong hindi masaya sa kanyang tagumpay, ang gustong mangyari ng mga ito ay ang dumausdos sa kanyang posisyon si Alden, pero makokontra ba naman nila ang magandang kapalaran ng aktor?

Katatapos lang ng kaarawan ni Alden, simple lang ang selebrasyon pero kasama niya ang mga taong napakalapit sa kanyang puso, ang pamilya niya.

Pagpansin ng kaibigan naming propesor, “Ang dami-daming hiningan ng mga comments about New Year. Ano ba ang gusto nilang mangyari? Napansin ko lang na maraming puro pangpersonal lang ang gusto.

“Pero si Alden, very Hollywoodish ang atake niya. Maigsi lang, pero para sa lahat. Hindi dahil sa milyonaryo na siya at wala na siyang pakialam sa pandemya.

“Mula pa naman nu’n, e, hindi na kasi siya makasarili, palaging para sa ikabubuti ng majority ang para sa kanya. Kaya siya blessed, hindi siya maramot,” papuri ni prop sa guwapong aktor.

‘Yun na ‘yun. Wala na kaming iba pang masasabi. Kumpleto na ang paglalarawan kay Alden Richards.

Leave A Reply

Your email address will not be published.