Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality tsugi sa show, nagtampo sa mga kasamahan

0 114

Isang source ang nagkuwento na matatagalan pa bago makalimot ang isang kilalang female personality tungkol sa naganap sa kanyang karera. Dinibdib ‘yon nang husto ng babaeng personalidad.

Hindi pala ‘yon inaasahan ng female personality, akala niya ay walang pagbabagong magaganap sa kanyang career, pero nasorpresa siya.

Kuwento ng aming source, “Talagang nagulantang siya sa nangyari, kahit sa panaginip, e, hindi niya akalaing magkakaganu’n pala ang career niya, napakatindi ng effect nu’n sa kanya!

“Imagine nga naman, ilang dekada na ang trabaho niya sa programang ‘yon, du’n na niya pinaikot ang mundo niya, pero nabigo siya nang todo,” pabitin pang umpisa ng aming impormante.

Umaasa ang female personality na anuman ang mangyari ay hindi siya mapapasama sa bilang ng mga personalidad na mawawala sa naturang show. Walang-wala ‘yon sa kanyang hinagap.

Sabi uli ng aming source, “Pero nangyari nga! Wala siyang natanggap na salita mula sa management nu’ng una, pero ang tagal-tagal na, kaya siya na ang nagtanong.

SM food to go Banner Ad

“At ‘yon nga ang resulta. Hindi na pala siya kasali sa ni-reformat na show dahil sa pandemya. Naghintay pala siya sa wala. Kundi pa pala siya nagtanong, nganga siya habampanahon!

“Paano na nga naman ang career niya, e, nasa isang buslo lang naman ‘yon, kumbaga? Paano na ang ilang dekada niyang pagseserbisyo sa show? Hindi niya talaga sukat akalain na mawawala pala siya sa programang minahal niya nang sobra-sobra,” madiing sabi ng aming impormante.

Ayaw namang ipagpilitan ng female personality ang kanyang sarili sa show, hindi siya ganu’ng klase, kaya tahimik na lang niyang tinanggap ang desisyon ng produksiyon.

Patuloy ng aming source, “Pero may tampo pala ang female personality sa mga kasamahan niyang hindi man lang nakipaglaban para sa kanya. Ipinaglaban niya ang mga taong ‘yon dati, pero hindi man lang siya nakuhang ipagtanggol ng mga itinuring na niyang kapatid.”

Nasa malayong bansa na ngayon ang female personality at ang kanyang pamilya. Puring-puri siya ng mga kapwa natin Pinoy sa serbisyo at tulong na ibinibigay niya sa mga lumalapit sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.