Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality tumigil sa pagpokpok

0 316

Aminado ang isang female personality na nu’ng mga nakararaang panahon ay naging bahagi siya ng isang grupong nagtutulay sa pagitan ng madadatung na negosyante at ng mga artistang pumapayag sa panandaliang kaligayahan.

Tatlong oras na ang pinakamatagal na pagsasama nila ng madatung na babaero, pero napakalaki ng kanilang kinikita, puwede na silang mag-shopping agad-agad kapag natapos na ang ginawa nilang milagro.

May palaging naaalala ngayon ang babaeng personalidad, matindi ang kanyang pasasalamat dahil napabuti na ang buhay ng isang female personality na madalas mag-walk, lalo na kapag katapusan na ng bawat buwan.

Kuwento ng aming source, “Matindi kasi ang pangangailangan ng girl, napakarami niyang bayarin kapag end of the month. Hindi siya madalas magpahanap ng raket sa Boogie Wonderland, tuwing katapusan lang,” unang napapailing na komento ng aming impormante.

May sinusustentuhang pamilya ang female personality, siya ang breadwinner ng kanilang pamilya, meron siyang karelasyong male personality pero may katamaran naman.

Patuloy ng aming source, “’Yun ang dahilan kung bakti kailangang may booking siya tuwing katapusan. Nagbabayad siya sa apartment na tinitirhan nila ng male personality, nagbibigay siya ng sustento sa family niya, naghuhulog din siya sa kotseng ginagamit niya.

“Awang-awa sa kanya ang booker, ginagawa lang talaga niya ang pag-walk kapag kailangan, hindi siya ‘yung klaseng pa-book nang pa-book dahil lang sa granatsa sa buhay,” emosyonal na kuwento uli ng aming source.

Mahal na mahal ng female personality ang tamad niyang karelasyon. Tamad na nga ay nakikipagkumpetensiya pa sa mga kasamahan nito, mahilig sa mga branded stuff, sobrang maporma pa.

“Minsan, e, tumawag ang female personality sa Boogie Wonderland, hindi pa katapusan nu’n, pero nagpapahanap na siya ng booking. Madali siyang ihanap, gustung-gusto siya ng mga madadatung an guys, maganda na kasi, e, makinis pa!

“Ang partner niya kasing male personality, kailangang mag-shopping, mayaman kasi ang role na gagampanan niya sa isang serye.

“Ganu’n katindi ang guy, kailangang masunod ang gusto niya, kesehodang katawan na ng girlfriend niya ang maging dahilan. Nagpapasalamat ngayon ang booker dahil maganda na ang buhay ng girl.

“Hindi na siya masyadong active sa pag-aartista, pero naging masuwerte siya sa pinasukan niyang negosyo na ang puhunan, e, galing din sa pagwo-walk niya,” napapabuntong-hiningang pagtatapos ng aming source.

-o0o-

Maja ‘di totoong co-host ni Willie

Fake news ang kumakalat na balitang magiging co-host ni Willie Revillame sa Wowowin-Tutok To Win si Maja Salvador. Walang katotohanan ‘yun.

Walang kahit sinong executive ng GMA-7 ang nagkaroon ng komunikasyon kay Maja tungkol sa Wowowin. Maging ang buong production staff ng show ni Willie ay nagulat din sa balita. Lalo namang walang alam ang mismong host na magiging bahagi na pala ng kanyang programa si Maja.

Ang kuwento kasi, nang lumipat si Maja sa TV5 at sumama sa grupo ni Direk Johnny Manahan para sa SNL na sinibak din sa ere pagkatapos nang tatlong buwan lang, ay hindi na makababalik si Maja sa ABS-CBN.

May mga umayos daw para maging co-host ni Willie sa kanyang show ang dalaga, kuwentong ikinagulat ng buong grupo, dahil walang ganu’ng pangyayari.

Mga beauty queen ang co-host ni Willie sa kanyang panalung-panalong show, nandu’n din ang mga komedyanteng sa isang tawag lang ay nasa Tutok To Win na, kaya hindi na nila kailangan pang kumuha ng karagdagang co-host.

Si Willie Revillame pa ba naman ang hindi makakaalam kung papasok na pala sa kanyang show si Maja Salvador?

Leave A Reply

Your email address will not be published.