Abante Tonite Interactive

Female personality tumili sa bigote ng bagets actor

0 629

PURO halakhakan ang maririnig sa paligid habang parang sisig na ginagawang pulutan sa isang malaking umpukan ang isang kilalang female personality na sumosobra na kuno ang kaartehan ngayon.

Hindi lumaking mayaman ang babaeng personalidad, sanay siya sa hirap sa probinsiyang pinagmulan niya, pero nang magkaroon na ang hitad ay maraming nakakapansin sa napakalaki niyang ipinagbago.

Source A, “Ayaw nang magbeso sa kanya ngayon ng isang male personality, kasi, para siyang napahiya nu’ng minsang magkita sila! Bumeso sa kanya ang bagets, nagpugay sa kanya, pero tumili ang hitad na girl!

“Ang reaction ng hitad, ‘Ano ba? Nasasaktan ako sa bigote mo, mag-ahit ka nga!’ Natural, nagulat ang bagets actor, napaka-sensitive daw naman pala ng skin ng female personality!

‘Nu’ng one time naman, e, nagpunta ang babaeng ‘yun sa isang place na medyo hindi kagandahan ang amoy sa paligid dahil depressed area ‘yun, may interview siya!

“Aba, ang hitad, kulang na lang na gumamit ng mask, nababahuan daw siya, kaya ayun, spray siya nang spray ng paborito niyang cologne!

“Hooooy!!!! Babaeng maarte! Tantanan mo nga kami! Dati nga, e, wala kang pambayad sa kuryente! Sinuwerte ka lang, e, nagkakaganyan ka na! Mag-diet kasi, dahil punumpuno na ng hangin ang ulo at katawan mo!” mataray na pagtatapos ng aming source.

Male celebrity naglagay ng merthiolate sa nipples

NAPAKAHALAGA ng salamin para sa isang kilalang male personality. Salamin ang kanyang bestfriend. Salamin din ang pinakamahusay na workshop facilitator para sa kanya.

Kahit saan magpunta ang male personality ay may bitbit siyang malaking salamin. Wala siyang kasawa-sawang humaharap sa salamin para titigan ang sarili niya.

Kuwento ng isang source, “Napaka-vain niya talaga! Bago siya humarap sa mga camera, matagal muna siyang mananalamin! Binubusisi niya ang mukha niya, baka kasi may problema.

“Umaarte rin siya sa harap ng salamin, tinititigan niyang mabuti ang itsura niya kapag ang acting niya, e, nagagalit siya, nagdadrama, tumatawa at lahat ng reactions na gagawin niya sa eksena!

“Mas vain pa nga siya kesa sa girlfriend niya, e! Nagtatanungan nga ang mga friends nila kung dinadala rin daw ba nu’ng male personality ang mahiwaga niyang salamin kapag nagliliwaliw sila sa ibang bansa!

“Ayaw ng merthiolate na ipinupunas pa niya sa nipples at sakong niya para kunwari, e, pulampula!” humahagalpak sa pagkukuwentong pagtatapos ng aming impormante.

Daniel, Alden: Kaninong lahi ba ang may bading?

HINDI maganda sa panlasa ang mga personal na pag-atake ng ibang tagasuporta ng KathNiel laban kay Alden Richards. Lumalampas na sila sa guhit ng kagandahang-asal.

Hindi namin sila nilalahat, marami kaming kakilalang tagasuporta ng KathNiel na puro edukado, espesyal naming mababanggit ang grupo ng KDKN na hindi nambabastos ng kanilang kapwa.

Sobrang makapanglait kay Alden ang mga ito, diretso nilang sinasabing bakla ang Pambansang Bae, kaya hindi raw sila bagay ni Kathryn Bernardo.

Naku naman, magdahan-dahan sana sila sa pagbibitiw ng mga salita. Iniaangat nila ang pagkalalaki ni Daniel Padilla habang ibinabagsak naman nila ang pagkatao ni Alden. Lalaking-lalaki raw si Daniel at lalaki naman ang hanap ni Alden.

Sandali lang. Maghubos-dili sana ang matatabil ang dilang ito. Baka biglang may lumutang d’yan para magtanong kung kaninong lahi ba ang may bading?

Alam ng buong mundo na si Rustom Padilla, na kapatid ng tatay ni Daniel, ay dating action star na babae na ngayon bilang si BB Gandanghari.

Hindi bading si Daniel Padilla, kailangang idiin natin ‘yan, pero sa kasaysayan ng pamilya nila at ni Alden Richards ay maliwanag pa sa sikat ng araw sa tanghaling-tapat na walang karapatang husgahan bilang bakla si Alden Richards ng mga “naligaw” na KathNiel fans.

Research-research lang kapag may time para hindi kayo mapahiya.