Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality walang pambili ng pagkain

0 915

cNakalulungkot ang kuwento ng pagbabalik-tanaw ng isang source tungkol sa mga pinagdaanan ng isang pamosong female personality. Hindi sukat-akalain ng impormante na dadaan pala sa ganu’n katinding paghamon ang babaeng personalidad na dati’y sumusuka sa dami ng salapi ang lahat ng taguan.

Sumadsad talaga siya nang matindi, halik-lupa ang inabot niyang kahirapan, pero nagpatuloy pa rin siya sa paglaban.

Kuwento ng source na malapit na malapit dati sa female personality, “Sa inabot niyang tagumpay, e, walang mag-iisip na aabutin niya ang matinding kahirapan. Parang istoryang komiks ang nangyari, pero totoong-totoo.

“Nawalang lahat ang mga naipundar niya, nagising na lang siya one day na umuupa na lang pala siya ng tirahan, samantalang napakarami niyang naipundar na bahay nu’ng kasagsagan ng popularity niya,” umpisang pag-alala ng aming source tungkol sa aktres.

Kung saan napunta ang kanyang kayamanan ay walang direktang nakakaalam. Ang natatandaan lang ng mga taong malapit sa kanya ay unti-unti nang natutuyo ang kanyang kaban.

Patuloy ng aming source, “Maniniwala ba kayo na dumating siya sa point na kahit panggasolina na lang niya, e, wala? Natural, pati ang pagkain nila sa bahay, e, wala rin!

“Ano ang ginagawa niya kapag wala na siyang pagkukunan? Tatawagan niya ang isang male personality na nakarelasyon niya, humihingi siya ng ayuda. Maganda ang puso ng guy, walang sawa siyang tinutulungan! Walang kuwestiyon ‘yun, give lang siya nang give.

“Nahinto na lang ‘yun nu’ng may makapagkuwento sa male personality na kaya nagkakaganu’n ang buhay ng female personality, e, dahil sa karelasyon niyang hindi magandang impluwensiya sa kanya.

“Maraming bawal na natutunan ang girl sa guy, nagkawindang-windang ang buhay at career niya, sa totoo lang! ‘Yun ang time na pati ang mga loyal fans niya, e, inuutangan na ng female personality.

“Ang ilang pirasong alahas niya na hindi na bongga, naipasangla niya na rin. Talagang umabot siya sa walang-wala, pero malakas ang loob niya!” sabi uli ng source.

Mabuti na lang at may mga nagtiwala pa sa female personality, may mga prodyuser pa ring nagbigay sa kanya ng proyekto, kaya kahit paano’y nakaahon siya sa matinding kahirapan.

“Nakaalpas lang siya, pero hindi pa rin sapat ang kadatungan niya ngayon, may leksiyon na sana siyang natutunan sa nangyari sa kanya,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Kakai ‘ginamit’ si Mario Maurer

Nalalagay sa alanganin ngayon ang imahe mg komedyanang si Kakai Bautista. Pumalag na ang mga namamahala sa karera ng Thai actor na si Mario Maurer para patigilin siya sa lantarang panggagamit sa banyagang aktor sa loob nang walong taon na ngayon.

Sa demand letter na ipinadala ng management ng Thai actor sa manager ni Kakai Bautista ay malinaw ang nakasaad. Tigilan na ng komedyana ang paggamit sa pangalan ni Mario Maurer sa anumang paraan.

Nagkaroon kami ng komunikasyon kay Joyce Ramirez ng PublicityAsia, ang kumakatawan sa karera ni Mario Maurer dito sa Pilipinas, ito ang pahayag ni Joyce.

“Wala pong masama sa paghanga. Ang masama po, ‘yung nag-iimbento si Kakai ng mga bagay na hindi naman totoo. For eight years, she exploited Mario’s name.

“Pero ngayon lang sumagot ‘yung tao. He officially denies all the claims and representation of Kakai as false and untrue. And kaya lang po sila may photo before?

“’Yun talaga ang nature ni Mario, hindi siya maramot magpa-picture kahit sa mga fans. Pero ang ginawa ni Kakai, ipinagkalat niya na may relasyon sila ni Mario,” pahayag ni Joyce Ramirez.

Napakaraming naiinggit nu’n kay Kakai, marami siyang inilalabas na kuwento sa kanyang social media account na panay-panay raw ang pagsasabi ng I love you sa kanya ng Thai actor, maraming naniwala sa kanya.

Pero lumalabas ngayon ngayon na ilusyon lang pala ang lahat-lahat, wala silang anumang relasyon ni Mario Maurer, puro imbento lang ang mga kuwento ni Kakai Bautista.

At umabot na sa sukdulan si Mario Maurer, pinasulatan na nito ang management ni Kakai, kapag hindi pa diumano tumigil ang komedyana sa kanyang panggagamit sa Thai actor at sa kanyang mga ilusyon ay asunto na ang kasunod na aksiyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.