Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality walang silbi sa kampanya, pabida sa nanalong politician

0 92

Aysus! Pinagpipistahan sa maraming umpukan ang isang kilalang female personality na kung tawagin nila ay super-plastic. Wala na raw mas paplastik pa sa babaitang ito.

Tungkol pa rin sa politika ang ikot ng kuwento, kung pinipintasan ang female personality na ito, ipinagpapagawa naman ng monumento ng marami sa kanilang puso ang isa pang babaeng personalidad na sobra ang pinagdaanan.

Kuwento ng aming source, “Naku, kung alam lang ni Female Personality A kung ano ang mga salitang ikinakapit sa kanya, baka magtago na siya!

“Nu’ng kailangang-kailangan siya sa kampanya, e, hindi siya makita, nu’ng manalo na ang politician, e, siya pa ang unang-unang nagpabida! Na para bang nagpakahirap siya sa kampanya, samantalang ni wala nga siyang naitulong!” unang sultada ng aming impormante.

Ganern kuno ang naganap. Palaging hindi puwede si Female Personality A, marami kuno siyang trabaho, kahit wala naman. Wala nga siyang tiwala sa politikong inaasahan ng mga utaw na ikakampanya niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Balik-kuwento ng aming source, “Ni hindi nga niya tinulungan si Female Personality B na napakatindi ng pinagdaanan! Never siyang tumulong! Sobrang suporta ang ibinibigay ni Female Personality B, lahat ng paraan, e, ginawa niya, mairaos lang ang kampanya ng politician!

“Tamad kasi ang hitad na babaeng ‘yon! Hindi nga ba’t mismong mga kasambahay na nila ng nakahiwalay niyang asawa ang nagkukuwento na palagi lang siyang tulog?

“Kung meron mang dapat pasalamatan ang politician sa matindi niyang tagumpay, e, si Female Personality B ‘yon, wala siyang dapat ipagpasalamat sa napakatamad na babaeng ni hindi man lang tumulong sa kanya!

“Ang totoo, e, siya pa nga ang nagsasabi sa mga nakakausap niya na bakit daw tatakbo ang politician, e, wala namang datung? Wala ring makinarya, kaya nga ni hindi man lang siya nangampanya kahit sa social media!

“Napakaplastik ng babaeng ‘yon! Nu’ng manalo na ang walang datung at walang makinaryang politician, e, siya pa ang unang-unang proud? Mahiya nga siya sa mukha niya!” inis na inis na pagtatapos ng aming impormante.

Leave A Reply

Your email address will not be published.